Reese's POV
Pagkalabas na pagkalabas ni Ramiel sa condo kinabukasan ay pumuslit kaagad ako ng damit sa kuwarto niya at bumalik kay Gideon na katatapos lang maligo at topless pa kaya kaagad akong tumalikod.
"You can turn around now," he said at pagharap ko ay hindi ko maiwasang mamangha kung gaano siya kaguwapo sa damit ni Ramiel. It is a dark green turtle neck long sleeve and jeans to pair. Sa bagay, kahit ano naman ay bagay sa kaniya, e.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka umuwi." Pabagsak akong umupo sa kama habang pinagmamasdan ko siya. The smell of my body wash is lingering on him as he sat beside me. Hindi pa rin ako makapaniwalang umuwi siya all the from Davao to Manila, kaya hindi na ako nagtaka nang nilagnat siya kagabi dahil bukod sa umuulan ay sigurado akong napagod talaga siya nang sobra sa byahe.
"Bukod sa gusto na kitang makita, Dad and I fought again. Tita Eloiza tried to stop him and turns out na sila na ang magkaaway. Tita kept on protecting and defending me from Dad, kaya ang ending ay sila pa lagi ang nag-aaway. I got angry and ran away." Humiga siya sa hita ko at pinaglaruan ang kamay ko. "She keeps showing sympathy, but I don't need it anyway." Bakas sa boses niya ang galit at frustration. Nakikinig lang ako sa kaniya kasi ngayon ko na lang siya ulit narinig na magkuwento tungkol sa family niya. "She's doing that for me to feel bad. I already feel bad every time Kuya H and Kuya J is around. Sampid lang naman ako sa bahay nila."
I played with his hair. Galit siya at pinipigilan niya ang sarili niya kaya nag-isip ako ng paraan para makalimutan na niya ang nararamdaman niyang galit. "Alam mo bang ang guwapo mo kapag nakangiti ka?"
Seryoso siyang tumingin sa akin pagkatapos ay umupo siya bigla at tinitigan ako. "Really? Guwapo ako?" Ngayon, hindi na mawala ang ngiti sa labi niya and it is much better than just a minute ago. Tila nagbago na ang mood niya.
"You are. More than anyone."
---------
Ramiel ordered a lot of foods for us. Wala kasing magluluto para sa amin at gusto naming i-celebrate ang media noche nang magkasama this time of the year. I feel bad for Gideon. Nakakulong siya sa kuwarto ko habang kumakain kami rito ni Ramiel sa dining room. Hindi ko naman siya puwedeng palabasin kahit pa gusto ko dahil baka mag-away sila ni Ramiel. I don't want that to happen.
"Panay sulyap nito sa kuwarto niya, o. May multo?" sabi ni Ramiel habang kumakain. Isang oras na lang at New Year na. Gustong-gusto ko nang pumasok sa kuwarto ko at dalhan si Gideon ng pagkain sa loob dahil mag-isa lang siya at baka naiinip na 'yon.
Kaya nang matapos na si Ramiel kumain at pumasok na sa kuwarto niya, naglagay ako ng mga pagkain sa pinggan at kaagad na pumasok sa kuwarto. Pagkasara ko ay napatitig ako kay Gideon. Nakatingin siya sa salaming bintana ng kuwarto ko kung saan tanaw na tanaw ang madilim na kalangitan. I can't believe I'm celebrating my new year with him.
When he saw me, he smiled. "I missed you," sabi niya at kinuha ang dala ko pagkatapos ay inilapag 'yon sa bedside table. Magtatanong na sana ako kung bakit nang niyakap niya ako nang mahigpit.
"Kumain ka muna. It's already eleven thirty pm and I know you're hungry--"
"Let me hug you for a while." Tumango na lang ako at napangiti. I'll never get used to this side og him. Sabay kaming nakatanaw sa malaking salaming bintana hanggang sa limang minuto na lang at countdown na. He wants us to hold hands while counting down so I obliged.
"Ten..." he whispered. Nakatingin lang ako sa mata niyang litaw na litaw ang ganda sa gabi. "Count with me, Reese."
"Nine..." I uttered. Nakatingin siya sa kalangitan habang nakatitig ako sa kaniya. Masaya ako. Ngayon lang ako naging masaya nang ganito. After all the shits I've been through, akala ko hindi na ako sasaya nang ganito, but Gideon made me feel alive again. Hindi ko alam kung matatakasan ko pa ba ang nakaraan ko o may chance pa ba na maka-move on ako mula roon, pero sa ngayon ay isinasawalang bahala ko 'yong takot na nararamdaman ko. I'm with Gideon, that's what matters the most, right?
That exact moment as he whispers, "One..." I've realized that I'm in love with him. Gideon made me feel something I thought I could never feel again. I thought that loving again will make me do stupid things again just like in the past, but it was the fear that stopped me from letting people in. It stopped me from letting myself be happy as well. But this is the terrifying part of having someone to love, now I have something I'm afraid to lose. Pero kung hindi ako susugal ngayon, kailan pa? Kapag huli na ang lahat? I don't want to lose him.
The fireworks started to show up on the night sky. Napakaganda, pero hindi ako roon nakatingin kung hindi sa mata niya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin.
"Happy new year, baby," he uttered then he kissed my forehead.
"Gideon, may regalo rin ako sa 'yo." Ngumiti ako. Inilahad niya ang kamay niya na para bang hinihintay niya talaga. "Sinasagot na kita." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Ilang minuto na ang lumipas pero nakatitig pa rin siya sa akin na para bang hindi pa nagpa-process 'yong sinabi ko. "G-Gideon--"
Hindi na ako nakapagsalita nang maramdaman ko ang labi niyang lumapat na sa labi ko. We kissed under the fireworks in the sky. The moment is breathtaking and I don't want it to end.
But the door opened. "Reese, tara labas tayo--" Hindi na natapos pa ni Ramiel ang sasabihin niya nang makita niya kami ni Gideon na naghahalikan at bumakas ang galit sa mukha niya.
"Ramiel, it's not what you think..." Inaawat ko si Ramiel pero lumapit siya at sinuntok si Gideon.
"Not what I think, Reese? Ano, magpapakatanga ka nanaman ba, huh?!" Galit na galit siya at kinuwelyuhan si Gideon. Umawat ako pero sadyang malakas siya at itinulak lang ako. "Stop bothering my sister, you lunatic!" Nanlaki ang mata ko. He called Gideon a lunatic? Bumakas sa mukha ni Gideon ang galit at ikinuyom niya ang kamao niya. He's angry and I know what he'd do when he's angry.
Pero hindi siya lumaban kahit nang suntukin siya ulit ni Ramiel. Nakatingin lang siya rito kahit pa dumudugo na ang labi niya. "Ramiel, tama na! He's my boyfriend!"
Doon lang natigilan si Ramiel at nabitawan niya si Gideon na napaluhod sa sahig at pinunasan ang labi niyang umaagos na ang dugo.
"H-He's your what?" Hindi siya makapaniwala at nakatitig sa akin. "Reese, you know what will happen, right?"
Tumulo ang luha sa mata ko at nilapitan si Gideon. Tinulungan ko siyang humiga sa kama dahil alam kong nahihilo siya. Hindi siya lumaban even though he has all the strength to fight back. He was restraining himself because he's respecting Ramiel.
Hinila ako ni Ramiel palabas ng kuwarto at sinuntok niya ang pader kaya napaigtad ako. "Reese, utang na loob naman! Huwag mo nang saktan ang sarili mo--"
"Pero mas sasaktan ko lang ang sarili ko kung iisipin ko pa ang nakaraan, Ramiel. Marami nang nangyari! Kailangan ko nang makalimot kasi ayaw ko nang masaktan! And Gideon makes me happy! Ramiel, masaya ako sa kaniya. Please, let me be happy." Kung ano man ang kapalit ng lahat ng kasiyahan na nararamdaman ko ngayon, susubukan ko 'yong kayanin kapag dumating na. Sa ngayon ay gusto ko lang na hayaan ang sarili ko. I don't want to see Gideon with someone else other than me.
Bumuntong hininga siya pagkatapos ay hinila ako at niyakap nang mahigpit. "I'm sorry, I overreacted. Ayaw ko lang na masaktan ka ulit."
"I know. I know and thank you for protecting me. But I love Gideon. Hayaan mo na kaming maging masaya, Ramiel." Tumango siya at pinunasan ang luha sa mata ko dahil wala pa ring patid 'yon sa pagtulo.
"Alright. Just don't cry, okay? At sabihin mo, labhan niya ang damit ko. Bago lang 'yon, e." Napakamot siya sa ulo niya kaya hindi ko maiwasang matawa. Even though he has all the rights to protect me, nang marinig niya na sinabi kong mahal ko si Gideon ay tumigil kaagad siya dahil alam niyang ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. Kay Gideon ko lang ulit 'to naramdaman after all those years of isolating myself. I found my refuge.
"Thank you." He messed my hair at pumasok na ako sa kuwarto. Naabutan ko si Gideon na nakahiga at nakapatong ang braso sa mukha niya. "Gideon, I'm sorry--"
Before I could even react, hinila niya ako pahiga kaya napadausdos ako sa katawan niya. He hugged me so tight as if I'm going to escape if he let me go.
"Why didn't you fight back?" I asked. I saw how impulsive he is when someone calls him lunatic or when someone makes him angry. He's got all the reason to fight back but he didn't.
"Ramiel is your brother, Reese. Everything or everyone important to you are important to me, too. Ayaw kong mawala ka sa akin kaya lahat ng gusto mo, gagawin ko." He smiled. Tumigil na ang pagdugo ng labi niya pero namamaga pa rin 'yon at may pasa. "I love you, Reese."
"I love you, too."
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. "I'm sorry for kissing you--" Hindi ko na siya pinatapos pa at idinikit ko ang labi ko sa kaniya.
Among all of the new years I've experienced, this is one of the best and memorable because I'm with him.