Chapter 38: Tell Them

1908 Words
Chapter 38: Tell Them Reese's POV "Kain tayo," ani Gideon kaya sinamaan ko siya ng tingin. He'd always ask me out every chances he gets at alam naman niya kaagad kung ano 'yong isasagot ko. "Ayaw ko." Tinuon ko na lang 'yong atensyon ko sa binabasa kong libro dahil friday na ngayon at after ng weekend ay exam na namin sa lunes. I told him to go home alone dahil magtatagal pa ako sa school para mag-review. But instead of going home, sumama siya sa akin at ayon sa kaniya ay tapos na rin naman daw siya mag-review. "But I'm hungry." Nag-pout pa siya na parang bata kaya napairap na lang ako. "Kahit anong gawin o sabihin mo riyan, ayaw ko. Studying is my priority, naiintindihan mo?" tanong ko sa kaniya at mayamaya lang ay tumango siya na para bang bata na napagalitan. Palihim tuloy akong napangiti. He's often mysterious. Pa lagi siyang parang ang hirap basahin at kahit pa kami na ay nahihirapan pa rin akong basahin siya. But this childish side of him, I will never get used to this. I don't hate this side of him though. In fact, I like it. "Bakit ganiyan ka makatingin?" tanong niya sa akin kaya sinamaan ko na naman siya ng tingin. "What?" iritado kong sabi pero nag-lean siya palapit sa akin at tiningnan ako nang maigi. "You are looking at me as if you are so in love with me—aray!" Hinampas ko sa kaniya 'yong hawak kong libro kaya napatawa ako. Mabuti na lang at wala na masyadong tao sa library bukod sa amin ni Gideon at dalawang babae na medyo malayo pa sa amin. "Fine, fine. Hindi na kita guguluhin." He rested his head on the table. Binalik ko naman 'yong atensyon ko sa pagbabasa dahil akala ko ay titigilan na niya ako pero mayamaya lang ay naramdaman kong hinahawakan niya 'yong left hand ko na naka-rest sa table. Inilapag ko 'yong libro sa mesa at tumingin sa kaniya. "I thought you're going to stop disturbing me?" Ngumisi siya at hinawakan nang mahigpit 'yong kamay ko. "At least let me touch your hand." "Ayaw ko." Inalis ko 'yong pagkahahawak niya sa akin at magbabasa na sana nang naging seryoso 'yong ekspresyon ng mukha ni Gideon na para bang nalulungkot siya. I closed my eyes. He's sulking and I don't know why but every time he's sulking, he acts cute without realizing it. Bumuntong hininga ako at hinawakan 'yong kamay niya nang mahigpit na ikinagulat niya. "Reese..." "This hand..." Itinaas ko 'yong kamay niya na mahigpit kong hawak. "... I will never get tired of holding it." Dahil sa sinabi kong 'yon ay napangiti siya at hinawakan din nang mahigpit 'yong kamay ko. "Good, because I'm not planning of letting you go either." Magsasalita pa sana siya nang mag-ring 'yong phone niya at kaagad ko naman siyang binitawan para masagot niya kaagad 'yong call. "Why are you calling, H?" It's Henry. 'Yon kasi ang nickname nila. Si Gideon, G. Si Henry, H, tapos si Kuya Jarred naman nila ay J. It's cute. "I'm in the library. What do you want?" Saglit na natahimik si Gideon at mayamaya ay tumingin siya sa akin. "Can I bring Reese along? Yeah, she's with me." Nanlaki naman 'yong mata ko at kasabay naman n'on ang pagbaba niya ng call. "Why did you tell him that we're together right now?" "I don't lie." Ngumisi siya. Alam ko namang sinadya niya 'yon dahil gusto niya ring asarin si Henry. Sigurado akong nagtataka na ang isang 'yon kung bakit magkasama kami ni Gideon ngayon. "After reviewing your lessons, we're going to drop by our house." Nangunot naman ang noo ko. "Bakit pati ako?" "Tita Eloiza keeps on asking about you. Ayaw ko na kulitin niya pa ako kaya sumama ka na para naman hindi na niya ako kausapin," sagot naman niya. Wala naman akong magawa dahil nasabi na niya kay Henry na pupunta kami at nakakahiya naman kung hindi ako pupunta. After reviewing my notes and the book, inayos ko na 'yong mga gamit ko at sakto namang paglabas namin ng school ay naghihintay na si SPO2 Jarred pati ang sasakyan nito. "Kanina ka pa?" tanong ni Gideon sa kaniya pagkapasok na pagkapasok namin ng sasakyan. "Sorry to keep you waiting." Tiningnan ako ni Kuya Jarred mula sa rear view mirror. "Are you okay, Reese? Hindi ka naman inabala ng isang 'to, ano?" Umiling naman ako at ngumiti lang. Nagmaneho na si Kuya Jarred papunta sa bahay nila at nagkukuwentuhan lang silang dalawa habang ako naman ay tumitingin lang sa labas. "Reese, do you like pasta?" tanong ni Kuya Jarred kaya napaisip ako. "Mom wants to prepare something you like to eat, so, she's asking me of what you want." "I'm okay with everything," awkward kong sabi. Nahihiya ako dahil ako na nga 'tong pupunta sa kanila, ako pa 'tong tinatanong nila ng pagkain na gusto ko para ma-prepare nila. "Okay. Mom is a good cook, so I know you'll like what she prepares." Napangiti na lang ako at natahimik. Am I going to be okay? This is the second time I'm going to their house to eat with them. 'Yong unang beses ay may hindi pa magandang nangyari. Ilang beses ko nang na-meet si Tita Eloiza, pero kinakabahan pa rin ako. I know she's kind and that she cares for Gideon, genuinely. But I don't know how to face her. "We're here." Huminto ang sasakyan at pinagbuksan ako ni Gideon ng pinto. Except Kuya Jarred, no one knows about us. Not even Henry. Kaya medyo lumayo muna ako kay Gideon. Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila ay dumiretso kaagad kami sa dining area. Roon namin nakita si Henry na tinutulungang mag-prepare si Tita Eloiza ng table. "Hi, Reese." Lumapit sa akin si Tita at niyakap ako. "Kumusta ka na? It's been a while. Thank you for coming over." I awkwardly smiled. "I'm good, Tita. Thank you for inviting me." I still remember the last time I went here. It didn't end well. Kaya ngayon ay kinakabahan ako. Am I going to be okay like this? "Where's Dad?" tanong ni Kuya Jarred na saglit na nawala at pagbalik ay may dalang cake. "It's his birthday today. So, why is he not here?" Natigilan ako. It's Tito's birthday? And here I am, pumunta nang walang dalang regalo. "He said he's on his way home. Tapusin muna natin 'to para pagdating niya, kakain na tayo," ani Henry habang naglalagay ng plates sa mesa. "Gideon, salubungin mo si Dad—" Gideon cut Kuya Jarred off. "I don't want to." Nawalan ng emosyon 'yong boses ni Gideon at nagulat ako nang hilahin niya ako palabas ng dining area. "Gideon, saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. "Leaving," tipid niyang sagot. But I don't understand. He's the one who asked me to come at ngayon ay gusto na niya kaagad umalis dito? More importantly, today is his father's birthday. "Birthday ng Dad mo—" he cut me off. "I forgot. Akala ko normal lang na araw ngayon, kaya sinama kita rito. Turns out today is his birthday and that he's coming home." Binuksan niya 'yong front door pero pareho kaming natigilan nang bumungad ang Dad niya na nakasuot pa ng formal attire at mukhang galing sa trabaho. "Gideon..." Napatingin naman sa akin si Tito at ngumiti. "... and Reese." "Wow, you actually came home," sarkastikong sabi ni Gideon. "The more reason for us to leave. Bye." Lalagpasan na sana namin si Tito nang humarang siya sa harap namin. "Today is my birthday. Can you at least stay and just leave after dinner?" Narinig kong humalakhak si Gideon. "Spare me with your bullshit and just eat without us." "Gideon!" suway ko sa kaniya. "Sorry po, Tito." "It's okay, Reese. Sanay na akong binabastos ako ng batang 'to," inis na sabi ni Tito. "Mabuti naman at sanay ka na. I don't pay respect to those people who are not deserving to be respected." Napabuntong hininga ako. This is what I'm talking about. I'm stuck here again, with their family issues and Gideon's unresolved anger towards his Dad. "Gideon..." Napalingon kami sa biglang nagsalita at malungkot ang ekspresyon ng mukha ni Tita Eloiza. "Can you please spare us your time and enjoy my cooking, please?" Napakagat ako sa labi ko at tumingala kay Gideon na tila ba nagdadalawang isip. I held his hand tight that made him look at me. "Let's stay, okay?" Ilang segundo pa ay tumango na siya at bumalik na kami sa dining area. Nandoon si Henry at Kuya Jarred na naghihintay sa amin. "Wow, it's been a while since the last time we ate dinner with you, G," masayang sabi ni Kuya Jarred habang kumakain kami. It's awkward, really. Wala masyadong nagsasalita sa kanila at hindi ko alam kung paano nila nakakaya na kumain habang ganito 'yong atmosphere. "Bakit nga pala kayo magkasama?" tanong ni Henry sa amin ni Gideon kaya napayuko ako. I knew he'll ask me this question, pero hindi ko naman inaasahan na rito pa talaga niya 'yon tatanungin. "What? Am I not allowed to be with her?" sarkastikong tanong ni Gideon kay Henry na sinamaan siya ng tingin. Oh geez. Bakit habang tumatagal ay lumalala 'yong nangyayari? "Hindi naman sa ganoon, but what if you're bothering her? I bet she's reviewing for her exams next week. Ako ngang kaibigan niya, hindi siya iniistorbo. Right, Reese?" Tumango naman ako para lang matigil na 'yong usapan. "I just want to remind you that you should stop disturbing Reese." Ngumisi si Gideon. "And now I'm not allowed to be with my girlfriend while she's studying for her exams?" Nalaglag ko 'yong hawak ko na kubyertos at napatingin kaming lahat kay Gideon. Did he actually say that I'm his girlfriend? "Your what?" nagtatakang tanong ni Henry na para bang ayaw niyang paniwalaan 'yong narinig. "Are you deaf, Kuya H? My. Girlfriend." Napatayo na ako kaya napalingon naman sila sa aking lahat. "Excuse me, but give us a minute." Hinila ko si Gideon paalis sa dining area at pumunta kami sa likod-bahay nila. "Reese—" "What was that?! Gideon, what the hell is wrong with you?" inis kong tanong. "I told you, ako na ang bahalang magsabi kay Henry dahil alam mo naman 'yong past namin, 'di ba? I just needed time to—" he cut me off. "But I'm jealous!" Natigilan ako nang sabihin niya 'yon. "Why is it that you have to consider Kuya H's feelings while ignoring mine? I want him to know that you are mine!" Napabuntong hininga ako. "I'm sorry." Lumapit si Gideon sa akin at hinalikan ako sa noo. "I don't want to be jealous by my own brother, but I hate the fact that he's the first one to court you and not me. And now, he's acting as if you're close to each other." Napangiti ako at ginulo 'yong buhok niya. "Don't worry. I'm in love with you and you should hold on to that." Hahalikan niya dapat ako pero tinakpan ko 'yong bibig niya. "Why?" "No kissing. That's your punishment." He groaned and tried to kiss me again pero tinulak ko siya nang mahina palayo sa akin. He laughed. "We should go inside again. They're waiting." Tumango na lang ako at napabuntong hininga. Crap. This is the most awkward dinner I came into. Now, I have to go back there and face them again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD