Chapter 37: Drunk Call
Reese's POV
After meeting Caeden on the lobby that day, hindi ko na ulit siya nakita. Wala rin siya sa school at ilang araw na siyang absent. Wala na rin naman akong pakialam. Mabuti ngang hindi na lang siya pumasok para matahimik na 'yong buhay ko.
Dahil hindi ako nakahihinga nang maayos kapag nandiyan siya. Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang kulungan at hindi ko magawang kumawala. Hindi ko alam kung paano.
"Miss Buenavella, are you friends with Mr. Caeden Romero?" tanong ng prof namin kaya napatingin sa akin ang lahat ng kaklase namin.
"N-No, sir." Yumuko ako dahil ayaw ko na nasa akin ang atensyon ng lahat.
"Strange. He puts your name to the list of the people we can contact in case there's an emergency," aniya kaya nanlaki 'yong mata ko. What? Caeden did that? Parte na naman ba 'to ng plano niya? Bakit ba kasi patuloy niya pa ring ginagambala 'yong buhay ko kahit hindi siya pumapasok?
"Sorry, sir. Pero hindi talaga kami close," sabi ko. Gusto ko nang tapusin 'yong conversation namin ng prof ko pero mukhang hindi siy satisfied sa mga sagot ko. Of course, baka iniisip niya ngayon na nagsisinungaling ako dahil si Caeden na mismo ang naglagay ng pangalan at contacts ko sa information niya. Paano ko ba 'to matatakasan?
"Kung ganoon, just tell him to attend my class. Hindi porque pamilya niya ang isa sa shareholders ng school na 'to ay ibig sabihin, puwede na siyang um-absent kung kailan niya gusto," pagalit na sabi ni sir kaya napatango na lang ako. Bakit parang sa akin siya nagagalit, e si Caeden 'tong hindi pumapasok?
Now, I have the responsibility to contact him even though I clearly told the professor that he doesn't have anything to do with me? This sucks. Araw-araw ay palala na lang nang palala 'yong nangyayari.
Ni hindi ko na nga nakita si Caeden ulit pagkatapos ng eksena sa condo noong nakaraan. And it's a good thing. Sana huwag na siya magpakita kahit kailan.
"Are you okay?" tanong ni Henry sa akin nang iabot niya sa akin 'yong papel na ipinabibigay ng prof namin.
"Yeah, why?" tanong ko pabalik. Come to think of it, Henry's been distant to me lately. Iniisip ko tuloy na may idea na siya about sa amin ni Gideon, pero hindi naman siya nagtatanong tungkol doon kaya hindi ko na rin alam.
"You look like you are not okay though," sabi niya. Mayamaya pa ay may kinuha siya sa bulsa niya at pagtingin ko roon ay 'yon 'yong favorite kong candy. "Eat this."
"Naaalala mo pa rin," tukoy ko sa candy na 'yon at kinuha mula sa kamay niya. He asked me once about my favorites at nasabi ko 'to sa kaniya. Buti nga ngayon ay isang piraso lang, dati ay binilhan niya l ako ng tatlong balot nito dahil lang sinabi ko sa kaniyang favorite ko 'to at stress reliever na rin.
"Of course, I never forget the things you like, Reese." Umalis na siya at napabuntong hininga na lang ako. He's still so good to me. Ni hindi ko na nga alam kung paano ko sasabihin sa kaniya 'yong tungkol sa amin ni Gideon.
"Cielo, can you do me a favor?" sabi ko kay Cielo nang last subject na namin. "Can you contact Caeden for me?"
Naibagsak niya 'yong cellphone niya at mabuti na lang ay sa mesa lang 'yon bumagsak. "Reese, ayos ka lang ba? Bakit gusto mong kausapin ko 'yong hayop na 'yon? Don't tell me, nagbago na ang isip mo at gusto mo na pala sa red flags?"
Binatukan ko naman siya. "Gaga!" Napakamot siya sa ulo niya at sinamaan ako ng tingin. Kahit kailan talaga 'yong imagination nitong babae na 'to, e. "'Yong prof naming isa, he asked me to contact Caeden and tell him to come to school again."
"E, bakit ikaw?" nagtatakang tanong ni Fritzie.
"Hindi ko rin alam. Siguro kasi napapansin ng prof namin na sa tuwing pumapasok si Caeden ay ako lang ang kinakausap at ginugulo. Now, I have to contact him." Napasapo na lang ako sa ulo ko. Ni hindi ko nga alam kung paano ko pa matatagalang pumasok knowing na nandoon si Caeden.
Ayos na nga ako at wala siya, e. Huwag na siyang bumalik sa buhay ko kahit kailan. Mas ayos pa 'yon.
"Sige, I'll contact that asshole," singhal ni Cielo. Mabuti na lang at naiintindihan niya ako. Alam niya kasi kung gaano ko kaayaw kausapin ang siraulo na 'yon.
"Who are you going to contact?" Napaigtad kami nang biglang sumulpot si Henry sa likod namin.
"Ito naman, nanggugulat! Isa pang siraulo," asik ni Cielo pero tinawanan lang siya ni Henry. "Si Caeden. Hindi kasi pumapasok, e. Baka nabalian ng buto, buti nga."
Natawa naman ako. Kaibigan ko nga siya. Kung gaano ako kagalit kay Caeden, ganoon din ang galit sa kaniya ni Cielo. Kaya hindi na ako magtataka na pati siya ay sinusumpa si Caeden.
But the truth is, Caeden and Cielo used to be close. Noon kasi, mahilig makipag-close si Caeden sa mga taong malapit sa akin at alam niya kung gaano kami kalapit ni Cielo sa isa't isa kaya nakuha niya kaagad ang loob ng babaeng 'to. Kaya pagkatapos ng nangyari, umiyak si Cielo at nangako siyang poprotektahan ako mula sa mga lalaki.
"Si Caeden Romero ba?" nakakunot na noong tanong ni Henry na para bang may inaalala siya.
"Kapag 'yong hitsura ng mukha niya, e halatang walang gagawing maganda, siya na 'yon," sabi ni Cielo. Hindi ko maiwasang matawa. Napakasiraulo rin.
"I saw him last night. Umiinom sa Publiq. Hindi ko na siya sinubukang kausapin dahil mukhang lasing na lasing na at handa nang makipag-away sa kahit na sinong lalapit sa kung nasaan siya," paliwanag ni Henry kaya napabuntong hininga ako.
If I remember it right, the last time Caeden drank that much, he did the worst thing. After his parents' divorce, naging ganoon na siya at kung gaano nasaktan 'yong Mom niya, tila ba doble n'on 'yong naramdaman ni Caeden. He felt betrayed by the person he looked up to—his father.
"Bye, Reese." Kumaway ako kay Cielo at nagmaneho na siya paalis. Siya ulit 'yong naghatid sa akin pauwi dahil may project pa raw si Gideon at kailangan niya mag-stay sa school.
"Bakit ganiyan 'yong mukha mo?" tanong ni Ramiel sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng unit namin. Binato ko 'yong bag ko sa kaniya pero sinalo niya lang 'yon.
"Tigilan mo ko, ang kalat na naman dito," asik ko nang makita ko kung gaano karumi sa living room. 'Yong totoo? Hobby ba niyang pahirapan ako sa paglilinis nito?
"Why did you leave your phone behind? Kanina pa may tawag nang tawag na unknown number sa 'yo. Pagkasagot ko, pinatayan ako kaagad," litanya sa akin ni Ramiel kaya mag-make face na lang ako at pumasok sa kuwarto ko.
Naiwan ko 'yong phone ko kanina dahil sa pagmamadali at ayaw kong ma-late sa first subject. I checked the call logs at nakita nga ang missed calls from an unknown number. Nagtaka pa ako dahil mahigit fifty time yata akong tinawagan. What the hell?
I dialed the number and I don't know why but I feel so nervous. Ilang ring lang ay may sumagot na. "Hello? Who's this? Kanina ka pa tawag nang tawag sa—"
"Finally..." It's just a single word, but it gave shiver down my spine. Isang salita lang 'yon pero alam ko na kaagad kung sino 'yong nagsasalita mula sa kabilang linya. "What took you so long to answer, Reese?"
"How did you know my number?" pabalik ko ng tanong sa kaniya. It scares me of what he can do. He even got my number at ang number ko ay binibigay ko lang sa mga taong alam kong malapit talaga sa akin. He scares me.
"Why are you being so cold to me?" tanong niya na para bang hindi niya alam ang sagot sa tanong na 'yon. f*****g asshole. You keep on playing with me and you expect me to accept what you do like an idiot again? "I want to talk to you."
"Ako, ayaw kong kausap ka." He sounds drunk. Mukhang mula nang makita siya ni Henry ay wala pa rin siyang tigil sa pag-inom o baka bago pa siya makita ni Henry ay ginagawa na niya 'yon? Wala na akong pakialam. "This is the last time you'll call me or I swear, I'll report you to the police."
"For what? For calling you?" sarkastiko niyang tanong.
"No, for being a f*****g asshole and a stalker," sabi ko pero tinawanan niya lang ako. "Caeden, tigilan mo na ako. Move on with your life and let me be—"
"Why would I?" Tumawa na naman siya sa kabilang linya, as if he finds this amusing. "The toy I left is still intact. I'll never be tired of playing it until it breaks."
"You lunatic." May sakit na siya sa utak. Habang tumatagal ay lumalala na siya at alam kong dapat na 'tong matigil. "Whatever you're doing now, stop it. Pumasok ka na sa klase dahil pinapapasok ka na ng prof natin."
"You missed me, don't you?" tanong niya kaya nagngitngit 'yong ngipin ko sa inis. "You know too well that I am better than Gideon, so why did you fall in love with someone other than me, Reese?"
Suddenly, the mood changed. Tila ba seryoso na siya sa tanong niya at hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para itanong 'yon sa akin. Ang kapal ng mukha niya.
"What we had before, isn't it much more fun than what you have now?" tanong niya. Bakit pa ba niya pinapaalala 'yong dati? Dahil sa nakaraan na tinutukoy niya, nasira ako. And he expect me to come back to him every time he feels like it? "Reese, what do you want me to do just for you to come back to me?"
I closed my eyes. He's drunk. He's not himself now. "Don't you get it, Caeden? Wala na akong balak bumalik sa 'yo."
'Yong natitirang respeto ko sa kaniya, lahat 'yon nawala. Ayaw ko na siya makita kahit kailan.
"If I can't have you..." Saglit siyang natahimik sa kabilang linya. "... He can't have you either."
Ibinaba niya 'yong call kaya pabagsak akong umupo sa higaan ko. Now, what?