Chapter 36: Caeden's Mystery

1391 Words
Reese's POV After the date with Gideon last night, everything went back to normal. Pumasok ako sa school nang ine-expect na nandoon si Caeden pero nakahinga ako nang maluwag nang hindi siya pumasok buong araw sa kahit anong subject na mayroon kami. I still remember the last time he did this. He was gone for a whole week and as soon as he came back, he changed. From the lively and cheerful Caeden, to a psychopathic and manipulative guy. "Hindi ba't dapat ay panatag kang wala si Caeden? Bakit aligaga ka pa rin?" tanong ni Cielo habang kumakain kami sa cafeteria. I sighed. She's right, this should be at my benefit yet I don't feel so calm about this. Pakiramdam ko ay may mangyayari lalo pa't alam kong nandito na naman si Caeden para guluhin 'yong nananahimik kong buhay. Hindi na nga ako magtataka kung isang araw ay may gawin na talaga siya para lalo akong masira. He wants to break me every time he sees that I'm already fixed. He wants to break me beyond repair so that no one can fix me but him. "What if this is just a part of his plan?" Hindi ko maiwasang i-overthink 'yong mga mangyayari. Caeden wasn't always this scary. Akala ko noon ay normal lang na magbago siya dahil sa nangyari sa kaniya, pero sa ginawa niya sa akin? Hindi porque nasaktan siya ay may karapatan na siyang saktan din ako. I was there for him when he needed someone the most. I loved him through ups and downs yet he broke me. Hanggang ngayon, para bang 'yon pa rin 'yong gusto niyang gawin. Parang wala siyang balak na palayain ako mula sa kamay niya. "That's why I told you to tell Ramiel and Gideon about this. Makatutulong sila sa 'yo para matigil na 'tong kalokohan ni Caeden," ani Cielo na ikinailing ko. "I don't want to tell them about this," sabi ko sa kaniya na ikinabuntong hininga niya. "I badly want to tell them about Caeden, too! Pero hanggat kaya ko ay ayaw ko silang madamay. Ramiel went through a lot of trouble because of me, ang dami niyang kinailangang harapin para sa akin. I don't want him to get through those times again just because of Caeden. Ayaw ko ring ipaalam 'to kay Gideon dahil laban ko 'to mag-isa. This is from my past and he has nothing to do with this." "Pero partner kayo, Reese." Napatingin ako kay Cielo nang sumeryoso na 'yong boses niya. "Ramiel is your twin brother. I hate to say this but he understands you the most, more than I understand you. Yes, he went through all that just for you, pero sigurado akong hindi niya pinilit 'yong sarili niya na gawin 'yon! Ramiel chose to fight along with you because you needed him the most that time. And Gideon, he deserves to know as well. He's your boyfriend and he deserves to know if his girlfriend is okay or not. Hiding this from them will hurt them more." I thought about that as well. Kapag patuloy ko pa 'tong itinago at sila na mismo ang nakaalam sa sarili nila, sigurado akong magagalit sila sa akin. But I just can't bring myself to tell them about my situation with Caeden. Para pa rin akong nakatali sa nakaraan na hindi ko mapakawalan dahil sa mga nangyari. Caeden used to be someone whom I rely on, but seeing him slowly losing that side of him, I can't help but wonder. Did I do this to him? Pinalala ko ba 'yong situwasyon niya? Pinahirapan ko ba siya lalo dahil lang gusto ko siyang makasama noon? However, I can't help but to answer my own question. Wala akong ginawang mali sa kaniya. All I ever did is to fall in love with him. I loved him with all his twisted games and imperfections. Kahit noong mga panahong pinaglalaruan na lang niya ako ay mahal ko pa rin siya. Am I an idiot for tolerating him just because I loved him? I tolerated a monster inside him that continued to grow throughout the years and now, he turned out to be that monster. Ngayon, paano ko haharapin 'yon? Paano ko siya haharapin gayong tinatakasan ko 'yong nakaraan ko? "Hey, you're spacing out. Are you okay?" tanong ni Gideon habang nagmamaneho siya. I blinked and avoided my gaze. Sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayan na nasa loob na pala kami ng kotse at nagmamaneho na siya papunta sa condo. "I'm fine." Hindi ko alam kung gaano ko pa ba katagal maitatago kay Gideon ang lahat. Hindi ko na rin alam kung paano ko siya haharapin knowing na may itinatago ako sa kaniya. "Salamat sa pagmaneho pauwi." He smiled and kissed my forehead. "It's nothing. Take care, my love." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa condo. Pero natigilan ako nang pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin sa lobby. It was Caeden, he was sitting in one of the sofas. "What are you doing here?" tanong ko na ikinangisi niya. Akala ko makakahinga na ako nang maluwag ngayong araw dahil hindi siya pumasok sa school at ni hindi ko siya nakita kahit isang beses. Pero nagkamali pa rin pala talaga ako. Nandito pa rin siya, he even went of out his way to find where I live just to try and manipulate me again. Lumapit siya sa akin at huminto na nang ilang hakbang na lang ang layo niya mula sa akin. "I waited for you. Ayaw kasi akong papasukin, e." Naikuyom ko 'yong kamay ko. Even though he knows that Ramiel is here, he doesn't even give a damn. Nagpapasalamat na nga lang ako na hindi pa nagtatagpo ang landas nila ni Ramiel dahil sigurado akong hindi lang 'yon madaraan sa simpleng usapan. Sigurado akong magiging pisikal 'yon dahil sa ginawa ni Caeden sa akin dati. "Umuwi ka na, Caeden. Please, maawa ka naman sa akin," I said. Hindi ko alam na darating na naman sa puntong magmamakaawa ako sa kaniya para lang tigilan na niya ako. Ang dami nang nangyari at dahil sa kaniya ay nasira na 'yong buhay ko noon. Ayaw ko nang maulit pa 'yon. Hindi ko hahayaang masira na naman ako dahil mayroon na akong taong handa akong samahan habang inaayos ko 'yong buhay ko. "Don't worry," aniya kaya napatitig ako sa kaniya. Nawalan ng ekspresyon 'yong mukha niya at nakatingin lang siya nang diretso sa akin na para bang wala siyang balak gawin na kahit ano. "I didn't come here to mess with you." Napabuntong hininga ako. "You know, I just can't bring myself to believe what you're saying right now. Pagkauwi mo rito, ginulo mo kaagad 'yong buhay ko. You acted, selfishly! And now you're here, acting like nothing happened. Sasabihin mo sa akin ngayon na hindi ka pumunta rito para guluhin ako? Then, why did you come here in the first place?!" His jaw clenched. "Can I hug you, Reese?" tanong niya kaya napaatras ako dahil sa kaba. Ano na naman bang binabalak niya? "Caeden, tigilan mo na ako..." Natigilan ako nang inisang hakbang niya 'yong pagitan namin at niyakap ako nang mahigpit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ako makagalaw. Natatakot akong baka may kung ano na naman siyang gagawin sa akin katulad nang ginawa niya noon. "C-Caeden..." "Just a minute," he uttered. Gusto ko siyang itulak. Gusto kong ipamukha sa kaniya ang lahat ng ginawa niya sa akin noon, pero naririnig ko 'yong mabilis na pagtibok ng puso niya na para bang hindi siya mapakali. "Caeden..." Tama na. Pakiusap. Takot na takot pa rin ako sa kaniya. Hindi ganoon kadaling kalimutan 'yong ginawa niya at ngayong sinusubukan na naman niyang guluhin 'yong buhay ko ay lalo lang akong natatakot sa kaniya. Just how far are you going to go just to make me look so weak? "What did I ever do to you?" hindi ko na naiwasang itanong 'yon. Pero imbis sagutin ay kumalas siya mula sa pagkayayakap sa akin at naglakad paalis. He didn't give me an answer, just like before. Inasahan ko na 'yon, pero naghihintay pa rin ako ng kasagutan mula sa kaniya. What did I ever do to you, Caeden? Pinunasan ko 'yong luhang tumulo galing sa mata ko at huminga nang malalim. Caeden Romero, you're still a mystery to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD