Chapter 31: Someone Came Back

1724 Words
Reese's POV "You two are dating?" tanong sa akin ni Cielo nang makita niyang kasama ko si Gideon. There's no denying about it. Sinabi ko na rin sa kaniya para hindi na siya magtaka kapag nakita niyang pa lagi na namang nakabuntot sa akin si Gideon. "We are," proud na sabi ni Gideon at inakbayan ako na kaagad ko namang tinanggal. "I only said yes because you're annoying." I rolled my eyes and I sat down on the chair next to Cielo. Weekend ngayon at nagyaya siya ulit mag-coffee shop hopping, pumayag ako pero hindi ko naman inaasahan na sasama si Gideon sa akin. Literal na buntot. "You love me, anyway," he said then chuckled. Lakas talaga ng bilib sa sarili ng isang 'to, e. "What do you girls like to order? Ako na pupunta sa counter." "Almondmilk Frappuccino sa akin and one muffin, please!" ani Cielo habang tuwang-tuwa sa in-order. Lumingon ako kay Gideon na titig na titig sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Why are you staring at me like that?" "Because I love staring at a beautiful view and you're one of 'em. No, in fact..." He put the strand of my loose hair at the back of my neck. "... You're the most beautiful view I've ever seen." Umiwas ako ng tingin at pinakalma 'yong sarili ko. His words have this weird effect on me and I hate the fact that it makes my heart beat so fast. "Aguy, sa harap ko pa talaga nakipagharutan, o," pagsingit ni Cielo na umarteng para bang nandidiri. "Hoy, kayong dalawa! Puwede bang huwag sa harap ko? At ikaw Gideon, um-order ka na roon dahil nagugutom na ako." "Yes, Ma'am." Tumayo na si Gideon at nagpunta sa counter. Naiwan kami roon ni Cielo habang siya ay busy sa pagse-selfie para may mai-post sa social media account niya. I was busy scrolling on my phone when she dropped her phone on the table and stared at me. "What?" nagtataka kong tanong dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Tumingin muna siya kay Gideon na para bang tinitingnan niya kung pabalik na ba o hindi pa. "Hindi ko na sana sasabihin sa 'yo 'to dahil alam kong masaya ka na talaga ngayon, pero kasi..." "... Caeden is back. He's here in the Philippines." ----------------- I told myself that being happy feels like a taboo to me. Parang kapag masaya ako ay pa laging may kapalit na hindi maganda. Ganoon na lang pa lagi. Dati, Ramiel and I experienced to travel from the countries we loved to go to. Nakapunta kami ng Paris, ng Japan, at sa ilan pang bansa. I was so happy that time. It felt surreal. Pero pagkatapos namin 'yong magawa, pagkauwi na pagkauwi naming buong pamilya sa Pilipinas ay nagkaroon ng conflict sa company namin at nalugi 'yon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi pala ako dapat nakaramdam ng sobrang saya, dahil may iba pala 'yong kapalit. Then, when I was in my senior high school years, something happened that inflicted too much damage on me. I don't know, maybe because that person who inflicted that pain on me, also gave me the reason to be happy. He made me so happy that I never thought about myself. All I ever did was to please him. To make him stay, but I what I didn't know was that he never really cared. No, scratch that. He never saw me as a person. He just used me. Like an object that can be disposed as soon as he gets tired of it. "Hey, Reese!" Gideon snapped his fingers in front of myself kaya napalingon ako sa kaniya. He smiled at me then shook his head. "Were you that absent-minded that you didn't hear me calling you for a hundred times now?" "S-Sorry," sabi ko at umiwas ng tingin. I forgot that I'm with Gideon. Dahil lang sa nalaman kong umuwi na ng Pilipinas si Caeden ay napuno na naman 'yong isip ko ng kung ano-ano. I hate the fact that he's still affecting my life up until now. Damn it. "Where do you want to go?" Gideon asked while driving. Sabi niya ay ipinahiram daw sa kaniya ni SPO2 Jarred 'yong kotse sa kaniya dahil makikipag-date daw siya at ayaw niya na maglalakad lang kami ni Gideon. Ni hindi nga niya sinabi sa akin na alam pala ni Kuya Jarred. Sinabi niya lang nang magkita kami kanina at dala na niya 'yong sasakyan. Si Henry na lang ang hindi pa nakakaalam at ni hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kaniya. He used to have feelings for me after all. Ayaw kong isipin niyang hindi enough 'yong efforts na ipinakita niya para sa akin kaya hindi siya 'yong pinili ko. Actually, I appreciate all the things Henry did for me. Lahat ng ginawa niya para sa akin, wala akong nasukli pero hindi siya nagreklamo. Hindi niya ako sinumbatan sa kahit ano at naintindihan niya pa rin ako nang pinatigil ko siya sa panliligaw. Kaya ngayon, hindi ko alam kung paano ko ipapaalam sa kaniya ang tungkol sa amin ni Gideon. Wala pa akong lakas ng loob kaya pinakiusapan ko si Gideon na huwag muna niyang ipaalam sa Kuya niya. Darating din 'yong araw na magagawa kong sabihin sa kaniya ito. "Somewhere quiet," pagsagot ko sa tanong niya. "Hmm..." He acted as if he's thinking at mayamaya lang ay pumalatak siya. "I know a place, but it's not quiet though." "Saan naman? I don't like it if it's crowded and loud!" singhal ko sa kaniya pero ipinagsiklop niya 'yong mga kamay namin. "Trust me on this one, okay?" Nakahinga ako nang maluwag at tumango na lang. Ilang minuto pa siyang nagmaneho at mayamaya pa ay huminto siya sa harap ng isang simbahan. "This is where I used to go to when I was a kid. Pa lagi akong umiiyak kapag hindi ako sinasama ni Mama sa trabaho niya dahil nandito 'yong mga kalaro ko." I remember now. He told me once that his Mom used to work on an orphanage. Kung ganoon, ito siguro ang orphanage na sinasabi niya. "Let's go." Naglakad kami papasok at hindi pa kami tuluyang nakararating sa loob ay sinalubong na kaagad siya ng mga madre na nandoon. "Gideon, ikaw na ba 'yan? Nako! Ang tagal mo nang hindi bumibisita rito, a! Kumusta ka na, anak?" sabi ng isa sa kanila at nang makita ako ay nanlaki ang mata. "Ito ba ang iyong nobya?" "Good afternoon po." Yumuko bilang paggalang sa kanila na ikinangiti naman nila. "Kay gandang babae. Napakagaling talaga pumili ng batang ito," sabi nito na ikinangisi naman ni Gideon. Siraulo. "Nasaan po 'yong mga bata?" tanong niya. "Nasa canteen sila at kumakain. Nako, sigurado akong kapag nakita ka ng mga bata ay matutuwa sila. Halika!" Hinila naman ako ni Gideon habang sinusundan namin sila. The inside was bigger than I thought. Mataas ang gusali ng simbahan at maayos. Pagkapasok namin sa canteen ay napakaraming bata ang bumungad sa amin at nang makita nila si Gideon ay kaagad na nagliwanag 'yong mukha nila. "Kuya Gideon!" Sabay-sabay nilang sigaw at ang iba ay nagtatakbo kaagad palapit sa kaniya. "Ang laki niyo na!" Lumuhod si Gideon at niyakap sila. They looked so close kahit mukhang matagal na siyang hindi nakapupunta rito. Napangiti naman ako at hinayaan lang siya. He looks happy, I'm glad. Gideon don't usually smile, but whenever he does, he lights up everyone around him. His smiles are so genuine that it can also make you smile. Ngayon lang ako nakakita ng ngiting ganoon, and I want that smile to remain on his lips. "Sino po siya?" tanong ng isang bata at itinuro ako. Napatingin naman sa akin si Gideon nang nakangisi. Why is he smiling at me like that? "Si Ate Reese. Girlfriend ko," ani Gideon at hinila ako palapit sa mga bata. They were hesitant to approach me at ang iba naman ay napaatras pa. "Mukha siyang masungit," bulong ng batang babae pero narinig ko naman. "I'm not!" sabi ko kaya nagulat sila. Natawa naman si Gideon na para bang biro lang sa kaniya 'to. Kainis! I'm trying my best here. Noon pa man kasi, ewan ko ba pero ayaw sa akin ng mga bata. Pa lagi nilang sinasabi na masungit daw ako o hindi kaya ay natatakot sila sa akin dahil sa emosyon ng mukha ko. Am I really that scary? "Mabait 'to. Hindi 'yan nangangagat, 'di ba?" Nagtawanan naman 'yong mga bata sa sinabi ni Gideon kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Bahala ka riyan." Iniwan ko siya roon at umupo na lang ako sa gilid. Nakipag-bonding siya roon sa mga bata at pinagmamasdan ko lang siya. He looks so happy. I wish he always does, so that those smiles of his will never fade. Mayamaya pa ay may isang madre na tumabi sa akin at tinanaw niya rin sila Gideon na naglalaro. "Mahal ka niya, hija." Natigilan ako at napatingin sa kaniya para siguraduhin kung ako ba ang kinakausap niya kahit kami lang naman talaga ang nandoon. "Ngayon lang namin nakita ulit na ganiyan kasaya si Gideon." Kumunot 'yong noo ko. "Bakit po?" "Magmula kasi nang mawala ang Mommy niya, hindi na siya ulit ngumiti nang ganiyan. Tapos sa tuwing pupunta siya rito ay mag-isa lang siya o kung hindi naman ay nag-away na naman sila ng Dad niya. Kaya ngayon, masaya kaming lahat kasi nakikita na ulit namin siyang ngumingiti." Kahit makaalis na kami ni Gideon doon ay nakatatak pa rin sa isip ko 'yong sinabi ng madre. Iniisip ko pa rin kung gaano na ba katagal kinikimkim ni Gideon 'yong nararamdaman niya. "Are you okay?" Gideon asked while driving. Tumango naman ako bilang sagot. "Bakit kanina ka pa tahimik?" "I'm just tired," pagsisinungaling ko. "Can we drop by the nearest convenience store?" "Sure," sabi niya at umiba ng lane. Mayamaya pa ay nakarating na kami sa convenience store at inihinto niya sa parking lot 'yong kotse. "What do you want? I'll get it for you." "Water," sabi ko at lumabas na siya. Naiwan ako sa loob ng kotse at napatingin ako sa labas ng kotse, pero 'yon ang pagkakamali ko. Because when I turned my gaze on the car next to ours, I saw Caeden, coming out of the car. The worse part is, he saw me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD