Reese's POV
"You're insane," sabi ko kay Caeden at sinamaan siya ng tingin. Toy? 'Yon pa rin ang tingin niya sa akin ngayon? Hanggang ngayon ay laruan pa rin ang turing niya sa akin. Sabagay, hindi na ako nagtataka. Kailan niya ba ako tinrato nang tama? Simula pa lang noong una, ganito na talaga siya. He just hid his personality very well that I actually fell for him.
"Remember, Reese..." Hinila niya 'yong kamay ko kaya napangiwi ako sa higpit ng pagkahahawak niya. "... I play with my toy until I get tired of it."
Nang dumating na si Gideon ay nakahinga ako nang maluwag dahil hindi na ako inabala pa ni Caeden. 'Yong takot ko mula nang makita ko siya kanina ay nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon. Why did he come back? Bakit pa ba siya bumalik kung guguluhin lang naman niya ulit 'yong buhay ko?
Tatlong taon na 'yong lumipas nang huli kaming magkausap. Tatlong taon ko na rin kinakayang kalimutan 'yong ginawa niya at mag-move forward. Tapos ngayong unti-unti ko nang nagagawa 'yon ay bumalik siya para guluhin na naman ako? What did I ever do to him? Wala akong ginawang mali sa kaniya at sigurado ako roon.
I never lied to him, cheat on him, I never even gave attention to any other man except him. Pero bakit? Why me, Caeden?
"Thank you for your time, Reese, Gideon." Caeden smiled. "See you next time."
Umalis siya at naiwan kaming dalawa ni Gideon doon sa coffee shop. Ni hindi ko malingon si Gideon. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain sa kaniya kung sino si Caeden at kung ano ang koneksyon naming dalawa.
"Why are you shaking?" Gideon asked. Nagulat ako nang kinuha niya 'yong kamay ko at hinalikan 'yon, and when he did that, my hand stopped shaking. Kumalma ako kahit pa kanina pa ako kinakain ng takot sa loob ko. "I'm here so, you don't have to worry."
Napangiti ako at tumango. He always does this. He makes me feel secured and safe. It makes me feel so calm yet I'm scared. What if I lose this warmth someday? What if Gideon finds out everything about me?
"Let's go." Umalis na kami roon sa coffee shop at pumunta kami sa condo. Naabutan ko pa si Ramiel na nakasalampak sa living room habang naglalaro ng video game. Nang makita niya si Gideon ay sinamaan niya ito ng tingin kaya binato ko siya ng unan na sinalo naman niya.
"Don't mind him. Dito tayo," sabi ko kay Gideon at hinila siya papasok sa kuwarto ko. The first thing I did is to take him to my study table. Kailangan ko kasing mag-review dahil exam na namin next week. Hindi naman ako marunong gumawa ng pointers to review kaya hindi ko alam kung paano ako magsisimula but I need it, so I should try.
"You're going to review?" he asked when we both sat on the chair. Tumango naman ako at binuklat 'yong mga books and notes na mayroon ako.
Makalat ako mag-take down notes. Tapos 'yong ibang lesson pa na itinuro ng prof ko ay hindi ko na maalala kung saan ko nilagay. "I don't know where to start," sabi ko na ikinatawa niya.
"Give it to me," sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Hindi ko pa naibibigay sa kaniya 'yong libro ay siya na mismo 'yong kumuha n'on. "My course requires me to take down notes each lesson and review it afterwards so, I'll be able to absorb it. Kaya sanay akong gumawa ng pointers to review."
I didn't say a word. Pinagmasdan ko lang siya habang isunusulat niya sa notepad ko 'yong dapat kong i-review. He was fast at it and very diligent. I didn't know he can be this serious when it comes to studying when all along, I thought he's just fooling around.
Is he really my boyfriend? Napangiti ako at inilapag ang ulo ko sa mesa habang pinagmamasdan siyang magsulat. Gideon is so handsome, pero lalo pa siyang gumwapo sa paningin ko dahil nakikita ko siya ngayong focus na focus sa ginagawa niya.
"You'll drill a hole on my face while doing that," aniya kaya napangiti naman ako. He's not saying it, but he's getting shy that I'm staring at him.
"Thank you, Gideon." He smiled and continued writing.
Hanggang sa matapos siyang magsulat ng pointers to review ay hindi niya ako tinanong tungkol kay Caeden. I don't know if that's a good thing or not. Magtataka ba ako na hindi niya ako tinanong, o hindi kasi mas gusto ko na hindi na lang niya 'yon gawin?
Kung sakali rin naman na itanong niya 'yon sa akin ay hindi ko pa alam 'yong sasabihin ko. I don't want to lie to Gideon. Ayaw kong masira kami dahil lang bumalik 'yong nakaraan.
Habang binabasa ko 'yong mga naka-highlights sa book na nilagyan niya ay pinagmamasdan lang din ako ni Gideon. "Why are you staring? You're distracting me, you know?"
Natawa siya at inilagay 'yong hibla ng buhok ko na nakalaylay sa likod ng tainga ko. "I just can't believe that we're together now."
Napatingin ako sa kaniya. Gideon is here. He's always here for me no matter the circumstances are. He showed me that he will never be swayed by anything. So, why am I still afraid?
-----------------
"Reese!" sigaw ni Cielo pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. Napatingin tuloy sa amin 'yong mga kaklase namin na sinamaan niya lang ng tingin.
"Ang aga-aga, sigaw ka nang sigaw," sabi ko kay Cielo pero hindi niya 'yon pinansin. Instead, hinila niya ako palabas ng classroom na para bang may kailangan siyang sabihin sa akin na walang puwedeng makaalam.
"Nakita mo ba siya?" tanong niya sa akin pagkalabas na pagkalabas namin sa hallway.
Kumunot 'yong noo ko. "Sino?"
"Caeden!" aniya kaya natigilan ako. Nahalata naman niya 'yong expression sa mukha ko kaya napabuntong hininga siya. "I saw him earlier too. He said he bumped into you and Gideon."
Nanlaki 'yong mata ko. "He talked to you?!"
Cielo rolled his eyes. "Yeah, the audacity of him! Alam niyang galit na galit ako sa kaniya pero kinausap niya ako kanina na para bang wala lang."
"Ano pang sinabi niya sa 'yo?" nagtataka kong tanong. Caeden is really messing with me. He's trying to run into people that are closest to me. Natatakot akong baka sa susunod ay si Ramiel naman ang kausapin niya and I can't guarantee that Ramiel will be calm and let him through, knowing that Ramiel is so mad at him.
Napakamot si Cielo sa ulo niya na para bang hindi niya alam kung paano sasabihin sa akin. "Ano, kasi..."
"Cielo, tell me!" singhal ko sa kaniya.
"He'll study here in Campbell, and in fact..." Itinuro niya 'yong empty seat sa loob ng room namin. "... He was sitting there earlier."
My eyes were widen in shock. He's here. He's in Campbell University and on top of that, he's my classmate. Paano ko matatakasan ang taong habol nang habol sa akin kahit saan ako magpunta?
"Well, well, well..." Sabay kaming napalingon ni Cielo sa nagsalita at doon namin nakita si Caeden na nakangisi. "If it isn't Reese and Cielo. Hi, classmates!"
I glared at him. You f*****g narcissistic asshole! He's messing me up again. He's trying to take back the messed up Reese Buenavella who can't live without Caeden Romero.