Chapter 23: Part 2: What Lies Within

2622 Words
Reese's POV It's been almost two years since Caeden and I started dating. It was a smooth sailing relationship that feels surreal. Nagkaroon ako na ako ng relationship before, but nothing feels like this. Siguro tama nga sila, you will feel different once you're in love with the right person. Kaunting panahon na lang at ga-graduate na kami ng senior high school at tutungtong na kami ng college. Caeden and I both want a business ad course kaya masaya ako na pati sa pangarap namin ay pareho kami at magkasama. "Wow, planadong-planado na talaga ang lahat, a? Wala nang balak maghiwalay, 'te?" pangungutya ni Cielo nang makita niyang nagfi-fillup ako ng form para sa Campbell University. Roon kasi namin napili ni Caeden na pumasok lalo pa't convenient sa aming dalawa dahil parehong malapit doon ang apartment na tinitirhan niya at ang condo namin ni Ramiel. "We just want to think ahead. Isa pa, kailangan mo na ring mag-isip kung saan ka mag-aaral, 'no." Inabot ko kay Cielo 'yong form na para sa kaniya na kaagad naman niyang kinuha. "Sus, nakaisip na kaagad ako," aniya at nag-fillup na rin ng form na kaagad ding niyang ipinakita sa akin. "Here." Binasa ko 'yon at nanlaki ang mata ko. "Sa Campbell University rin? At bakit Marketing Management din ang course na gusto mong kuhanin? I thought you like arts?" "Wala ka naman doon, e." Kinuha niya 'yong form ko at ipinasa 'yon sa office. Pagkabalik niya ay naglakad na kami papunta sa classroom dahil oras na para sa next subject namin. "Speaking of, kumusta na kayo ni Caeden?" I looked at my phone. Wala pa ring text message o calls galing sa kaniya. The last time he messaged me was yesterday morning. Nagsabi lang siya na may kailangan siyang gawin at hindi na niya ulit ako kinausap. Nag-aalala tuloy ako ngayon dahil baka kung napaano na siya. I don't want to think too much about it but this is the first time that he didn't contact me for a day. Ayos sana kung sinasabi niya sa akin kung ano ang ginagawa niya o kung nasaan man lang siya para hindi ako nag-aalala nang ganito. "I don't know what's happening to him," sabi ko kay Cielo na inakbayan ako at ngumiti sa akin. "Don't worry, he's okay. Mamaya lang ay hindi n'on matitiis na hanapin ka at pupuntahan ka n'on so don't worry too much." Ngumiti naman ako at tumango. She's right. It's not like Caeden to not contact me pero sigurado akong may mahalaga lang siyang kailangang gawin. Cielo was busy on her phone when my phone rang. Nawala naman ang lahat ng pag-aalala ko nang makitang caller ID ni Caeden 'yong lumabas. "Caeden, I've been waiting for you to call--" "Can we meet?" His voice was cold that made me stop talking. May nagbago sa paraan ng pagsasalita niya pero napailing na lang ako at hindi na 'yon pinansin. Maybe he's in a bad mood. I don't have to make a big deal out of it. "Yeah, after ng klase ko--" "No, I want to meet now. I'm here outside your University." Napalunok ako. He knows I still have three classes, at alam niya ring hindi ako nagka-cutting classes, so why? "Why? You're not coming?" Umiling ako kahit hindi niya naman 'yon nakikita. "I am. Gagawan ko ng paraan, saglit." Kinausap ko si Cielo na tulungan akong makalabas. Nagsinungaling pa ako sa kaniya na may emergency para lang matulungan niya ako at nang makalabas na ako ng school ay nakita ko si Caeden na nakatayo sa tabi ng sasakyan niya. "Hey, why? What happened?" Nagulat ako nang hilahin niya ako at hinalikan doon kahit pa maraming taong dumaraan at may mga estudyante pa na nakakikilala sa akin. "Is there a reason not to see my girlfriend?" I don't know why but Caeden felt different that moment I saw him, pero pinalagpas ko 'yon dahil baka wala lang siya sa mood o may nangyari kaya ganito siya ngayon. "Caeden, saan tayo pupunta?" tanong ko pero ni hindi niya ako sinasagot. Huminto siya sa harap ng isang boutique at lumabas siya. "Wait for me here," aniya at pumasok siya. Ako naman ay sumusunod lang ako sa kahit anong sabihin niya dahil pa lagi namang ganoon, but something feels off with Caeden. Para bang ayaw niyang magsabi sa akin dahil kung magsasabi siya, sana ay kanina pa niya 'yon ginawa. Ni hindi niya nga pinaliwanag sa akin kung bakit siya nawala nang ganoon katagal kahit pa alam niyang nag-aalala ako. Ilang minuto akong naghintay roon at mayamaya pa ay lumabas siya ng boutique dala ang isang sexy dress na ikinatigil ko. "Is that a gift for some--" I was cut off when he threw the dress on my direction. Kaagad naman akong nagulat dahil nabastusan ako sa ginawa niya. Sa tagal naming magkarelasyon ay ngayon lang niya ako binato ng dress at ni hindi man lang siya nag-sorry. "Caeden, what's wrong with you?" He rolled his eyes and looked at me with an unfamiliar emotion. "What? Wear that and fix yourself." Hindi ako nagtanong. Hindi ako nagreklamo. Basta sinunod ko lang 'yong gusto niya kasi malaki ang tiwala ko kay Caeden. Alam kong hindi niya ako ipahahamak o anuman. Pero hindi ko alam na roon na pala magsisimula ang lahat. Pagkatapos kong suotin 'yong black sexy dress na 'yon ay nahihiya pa akong magpakita sa kaniya pero nilakasan ko na 'yong loob ko. Nang makita naman niya ako ay hinapit niya 'yong beywang ko at hinalikan ako. He wasn't this aggressive before. Yes, I want him to be like this, but isn't this too much? Pumasok kami sa sasakyan niya at ilang na ilang ako kasi napakaiksi ng dress na suot ko, idagdag pa ang nakalabas kong mga braso dahil sleeveless ang dress. I feel exposed while wearing this. "Reese, bakit ganiyan 'yong suot mo?" tanong ni Kaji the moment na bumaba ako sa sasakyan. He glared at Caeden then took off his coat. Nagulat ako nang ibinigay niya 'yon sa akin at ipinatong sa balikat ko. "You look uncomfortable wearing that outfit. Why did you wear it in the first place?" Napalingon naman ako kay Caeden na nakikipag-usap doon sa guard ng bar. "He made me wear it." Halata namang nagulat si Kaji sa sinabi ko kaya nilapitan niya si Caeden. I could hear them arguing about what I'm wearing pero nanatili lang akong nakatayo roon at hindi ko alam 'yong gagawin ko. After that night, Caeden kept on changing. Lalo akong nahirapan dahil wala si Cielo sa tabi ko kasi pinauwi siya sa ibang bansa ng family niya dahil namatay 'yong grandmother niya. It was hard for me. Pawala-wala si Caeden at sa tuwing nagse-send siya sa akin ng text messages o hindi kaya ay tatawag siya, kung saan-saan niya ako dinadala o pinapapunta. He keeps on getting into my nerves pero hindi ako nagrereklamo. Iniisip ko na lang parati na babalik din siya agad sa dating siya dahil kilala ko si Caeden, he respects me. But one day, everything changed. "Caeden, stand up properly," sabi ko sa kaniya habang akay-akay ko siya. Lasing na lasing kasi siya kahit pa alam niyang kasama niya ako. Dinala ko siya kaagad papunta sa kotse niya at napabuntong hininga. If this goes on, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at kauusapin ko na si Caeden tungkol dito. Gabi-gabi siyang lasing, kung saan-saan niya ako dinadala at kung ano na lang ang ipinapagawa niya sa akin without asking me if I'm okay about it. Gusto kong magreklamo sa kaniya pero iniisip ko parati 'yong kalagayan niya. Pero paano naman ako? I drove towards his apartment at bago pa kami makarating doon ay dumilat siya at napatingin sa akin. "Reese? Where are we?" I sighed. "Pauwi na tayo sa apartment mo. Huwag ka nang gumalaw masyado dahil baka maisuka mo na naman 'yong mga kinain at ininom mo." Hindi siya sumagot at umayos lang siya ng upo. "Caeden, what's happening to you?" Hindi ko na siya napigilang tanungin. Gusto kong malaman 'yong totoo, gusto kong sabihin niya sa akin kaysa binubuhat niya 'yong problema niya nang mag-isa. I want to help him from the burden of being alone. "It's nothing. Don't worry," aniya na lalo kong kinainis. Don't worry? I can't help but to feel worried about him. Ilang linggo na siyang ganito pero kada tatanungin ko kung ano ba ang nangyayari sa kaniya ay paulit-ulit lang ang sinasagot niya sa akin. "But I'm worried," sabi ko. Ayaw ko nang manahimik katulad nang parati kong ginagawa. Hinahayaan ko siya sa mga ginagawa niya pero sobra na akong nag-aalala. He's unstable and his actions are too reckless. Ni hindi ko mabasa 'yong iniisip niya kasi tinutulak niya na ako palayo. I don't know what to do when he's like that. "You're worried?" tanong niya na ikinatango ko. "Then, follow me on my room. May gagawin tayo." Hindi ko alam kung ano 'yong tinutukoy niya sa sinabi niyang 'yon. Kaya nang makarating kami sa apartment niya ay sumama ako sa kaniya hanggang sa kuwarto niya sa second floor. Mag-isa lang siya sa napakalaking apartment na 'to kaya nabalot kami ng katahimikan. "Come here," hinila niya ako pahiga sa kama at sinimulan niya akong halikan. I'm not an idiot to not know what he's trying to do now. Hindi na bago sa akin ang kissing and touching niya, but what's new to me is that he's trying to touch my private parts as well. "Caeden..." Itinulak ko siya palayo pero hindi man lang siya natinag. "What are you doing?" "If you really love me, then let's have sex." Natigilan ako at diretso na tumingin sa mata niya. s*x? What the hell? Wala 'yon sa usapan namin. In fact, he clearly told me that he wants to do that once we're settled and married. So. Why is he opening up this topic now? "Caeden, mali 'to." Itinulak ko siya ulit pero hinawakan na niya 'yong dalawang kamay ko at hinalikan ako. "Come on, Reese. If you really love me, you'll let me." Nagtatalo 'yong isip ko nang mga oras na 'yon. Of course I love Caeden, walang magsasabi na hindi ko siya mahal dahil alam niya 'yon at araw-araw ko 'yon pinaparamdam sa kaniya. So, why is he saying this now? "You know how much I love you--" he cut me off before I could even finish what I had to say. "Prove it. Have s*x with me," aniya. That moment, I felt like I had to do something. I had to say yes, para lang hindi niya ako iwan. Para lang hindi siya masaktan kapag itinulak ko siya palayo. I set aside the fear I was feeling that moment. Ang nasa isip ko lang ay pasayahin siya. We had s*x that night. It hurts so much that it was beyond tolerable. Of course, it'll hurt. He's my first time. Pero binalewala ko 'yong sakit para lang ma-satisfy siya dahil nakikita ko kung gaano niya kagustong gawin 'yon. It was intoxicating and at the same time painful. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na gusto kong tumigil, kasi gusto kong makita 'yong expression ng mukha niya habang ginagawa namin 'yon. "Caeden..." I was about to touch him when he avoided my touch and sighed. Tapos na siya kaya pabagsak siyang humiga sa tabi ko. "Go home, Reese. We're done here," aniya. Hindi ko alam kung dahil lang ba lasing siya kaya niya 'yon nasabi pero alam kong aware siya na nasasaktan niya ako. What he said was much more painful than what I felt with our s****l i*********e. In fact, I didn't feel any love for every action he has done. It didn't feel like making love, more like just plain s*x. Nahirapan akong kumilos kinabukasan pero nilakasan ko pa rin ang loob ko para pumasok dahil kailangan kong pumasok. But what I didn't know was that everything in my life would turn upside down just because of that one night. "Reese, is there something wrong?" tanong ni Ramiel pagkapasok na pagkapasok namin sa University. "There's something off," sabi ko at napatingin sa paligid. All the other students are looking at me as if I did something immoral. Hindi ko na lang 'yon pinansin at pagkapasok ko sa classroom ay napatingin silang lahat sa akin. "Reese, bakit ka pumasok?" tanong ni Janna sa akin. She's one of my friends kaya naman nagtaka ako sa sinabi niya. Halatang aligaga siya at hindi niya alam kung sasabihin niya ba sa akin 'yong bumabagabag sa isip niya o hindi. "Why? Exam week na next week kaya kailangan kong pumasok kahit wala si Cielo--" she cut me off. "It's you in the scandal, right?" aniya na ikinatigil ko. "Someone recorded a s*x tape and passed it to almost all the students in this University. The face of the girl is hidden because it's too dark, but the guy mentioned your name." Scandal? Teka, hindi ko na alam ang nangyayari. Nanginginig 'yong kamay ko sa takot nang ipinakita sa akin ni Janna 'yong video. The moment the video played, tears kept on flowing down from my eyes. What is this? Who took this video? "Reese!" sigaw ni Janna nang nagtatakbo ako palabas ng room. I quickly called a cab and went straight to where Caeden is. I'm sure he didn't go to school after drinking that much kaya nang makarating ako sa apartment niya ay kumatok ako kaagad. Walang patid sa panginginig 'yong buong katawan ko sa takot. "What are you doing here?" tanong niya pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto. "Did you record us doing it?" Hindi siya nakasagot. Tiningnan niya lang ako nang walang emosyon ang mukha na para bang wala siyang balak na sagutin ako. Roon ako tuluyang napaiyak. He's not denying it too. "Why did you do that? More importantly, why did you pass it to everyone around campus?! Anong pumasok sa isip mo?" Galit na galit ako nang mga oras na 'yon. Hindi lang isa o dalawa ang nakakita ng video namin. It hurts and I feel like my body and my mind are falling apart. "I want the broken you, Reese. The messy you, the wrecked you. I want everyone to see how broken you are so that no one will dare to still you away from me," he said those words with a poker face. What happened that day wrecked my life. Nakipaghiwalay ako kay Caeden, hindi ako pumasok sa school, nagkulong ako sa loob ng condo at gabi-gabi akong hindi makatulog dahil binabagabag ako ng kaisipan na paano na lang ang mga nakakita sa akin na ganoon ako? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung paano ako makaaahon mula sa sakit na ibinigay ni Caeden sa akin. I tried to file a case against Caeden but his family took care of him and he's too powerful. Ginawa namin ni Ramiel ang lahat pero umabot pa sa point na na-bankrupt kami kaya naisip namin na tumigil na lang. His father promised me that he will take Caeden to the States kaya napanatag 'yong loob ko. But after that, my life was broken into pieces. Hindi ko alam kung paano ko aayusin ang sarili ko but I tried. I moved to a different school, I cut all of my ties to those people who judged me because of that video, and I recovered from that after a year, pero ganoon pa rin. Masakit pa rin hanggang ngayon. The pain Caeden inflicted on me was too much to handle that I almost gave up. What lies within me is this. I'm broken, I'm an entangled mess and my past will forever haunt me no matter where I go.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD