Chapter 24: What Should I Do?

1268 Words
Reese's POV After all those years of facing everything alone, I managed somehow. Or that's what I believed in. Naniwala ako na kaya ko, while inside I was falling apart. Wala rin naman kasi akong magagawa. All those traumas, I didn't do it to myself, yet I'm the one who's suffering. "Teka, bakit parang pa lagi kang may pinagtataguan? Nangutang ka ba sa bumbay?" tanong ni Cielo dahil pansin niyang panay akong lingon sa paligid. "I just don't want to see Gideon," sabi ko at naglakad na nang maayos. Para akong tanga. Dahil gusto kong magtago kay Gideon ay nagmumukha na akong tanga, kahit wala naman akong dapat ikatago. I just feel like when I see him, I might do something embarassing like running away. "Ano kamo? Ayaw makita? E, ayan nga siya!" Itinuro ni Cielo 'yong likod namin kaya nagtatakbo ako pero narinig ko siyang tumawa kaya napatigil ako at sinamaan siya ng tingin. "Not funn!" sigaw ko pero tawang-tawa lang siya. Bakit ko nga ba 'to kaibigan? Dapat na talaga akong maghanap ng bago, e. "Sorry na! Ikaw naman kasi masyado kang--" Napatingin siya sa harap namin kaya napalingon ako at may nabunggo 'yong noo ko. Pagtingala ko ay natigilan ako nang makita si Gideon. He's wearing his scrub suit at seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "What? You're avoiding me now?" sarkastiko niyang tanong kaya napaiwas ako ng tingin. Napakaaga pa para makita ko siya. Kapapasok ko pa nga lang ng school tapos ito na kaagad. Why is it that nothing in my life is going along according to my plan? Damn it. "I-I'm not," pagsisinungaling ko. Akala ko magsasalita pa siya pero natigilan ako nang lagpasan niya ako at naglakad na siya paalis. "Ayan tuloy, hindi ka na kinukulit. Ikaw naman kasi," pang-aasar sa akin ni Cielo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Come to think of it, I shouldn't feel bad about this yet I feel worse than earlier. Pakiramdam ko ay galit sa akin si Gideon dahil sa mga ginagawa ko sa kaniya but at the same time, I feel like I have to do this. Wala naman akong dapat pakialam, hindi ba? So, why am I feeling this way? Nang nilagpasan niya lang ako kanina, hindi ko alam pero hindi ko gusto 'yong naramdaman ko. I feel like s**t. "Ayos ka lang?" tanong ni Henry pagkapasok na pagkapasok namin ni Cielo sa classroom. "Did something happened ba?" I sighed. "Wala--" I was cut off when he messed my hair. "Sabihin mo lang sa akin kung sinasaktan ka ni Gideon, I'll gladly take his place," aniya pero mayamaya lang ay tumawa na siya. "I'm sorry, I'm still in the process of moving on, you see." Henry is a good person. Kahit pa napakatagal niya akong niligawan at hindi ko siya sinagot ay tinatrato niya pa rin ako katulad ng dati. Hindi ko alam kung bakit napakabait niya sa akin pero alam kong hindi siya nagpapanggap, he really cares. "It's about your brother," sabi ko kaya napangiti siya at napayuko. "You know, he's trying his best to stay away from you just like you wanted him to do. But I know my brother. In spite of his ways and cold attitude towards people, I know that he's genuine about you. He really likes you, Reese." Umalis na si Henry kaya napapikit na lang ako sa frustration. I know to myself that Gideon's feelings for me are genuine and that he's willing to wait for me no matter what. But the one who has a problem here is me. Ako 'yong problema kasi kahit anong ipakita sa akin ni Gideon kung gaano niya ako kagusto at kahit anong buti ng tao sa akin, I can't bring myself to trust anyone anymore. I feel like people will eventually break my trust and hurt me. Ayaw ko na 'to isipin, gusto ko na ayusin ang buhay ko. I want to heal from what happened in my past. Sino ba naman kasing may gusto na pa lagi na lang naka-stuck sa nakaraan? Of course, I want to move forward, but every time I try to do so, may pilit na humihila sa akin pabalik. I don't want this, I want to be free. "Nabasa mo 'yong text ni Bryan?" tanong sa akin ni Cielo pagkatapos ng first subject namin. "Mamaya raw sa Publiq, inuman. Sama tayo?" I checked my phone at nag-message nga si Bryan, inviting us to Publiq at free drinks daw dahil nagkaroon ng bagong branch 'yong family business nila. I don't feel like going, but I want to erase these thoughts in my mind. Baka kapag pumunta kami roon, kahit papaano ay makapag-isip ako nang maayos. "Okay, let's go." Nanlaki naman 'yong mata ni Cielo na para bang nagulat siya sa sinabi ko. "Teka, totoo ba? Hindi mo ba ako jino-joke time?" aniya kaya umiling naman ako na lalong ikinagulat niya lang. "This is the first time you easily said yes. May problema ba? May sakit ka?" Binatukan ko naman siya. "Manahimik ka kung ayaw mong mag-back out ako." Mabuti na rin 'to. Para naman mawala na pansamantala sa isip ko 'yong nangyayari, is what I thought. Pero bakit nga ba hindi ko naisip na kung inimbitahan kami ni Bryan ay sigurado akong inimbitahan din niya si Henry at Gideon. Pagkapasok na pagkapasok namin sa VIP room ng Publiq ay si Henry kaagad ang bumungad kasama si Gideon na napalingon pa sa amin pero nilagpasan lang ako ng tingin. I already expected he'll avoid me, pero ngayong ginagawa na niya, hindi ko alam pero naiinis ako. I want to get out of here as soon as I can pero iniisip ko rin si Cielo. Ayaw ko siyang iwan mag-isa rito. "Gusto mo, Reese?" Inabutan ako ni Cielo ng beer pero umiling ako at umupo sa sofa. As usual, mayroon kaming mga kasama na hindi ko kilala kaya naman nanatili na lang akong nakaupo sa gilid. Hindi ko na pinoproblema si Cielo dahil alam ko namang madali lang siya makipagkilala sa mga tao dahil lahat naman ay nakasusundo niya. Well, except my brother. "Teka, I thought you like Gideon?" tanong ng isang babae sa kaibigan niya at itinulak siya kay Gideon na nagulat dahil doon. "Hi, Gideon. This is my friend, Samantha. She likes you." Naghiyawan naman sila Bryan dahil doon pero ako ay nanatili lang na nakatingin sa kanila. Honestly speaking, Samantha is beautiful. Maputi siya at hindi ganoon kaliit at hindi rin naman ganoon katangkad. Singkit siya at mukha namang mabait kaya hindi ko maiwasang maisip na, ano ang laban ko sa kaniya? They are a perfect match. Samantha looks so pure and genuine. Napakalayo sa akin na walang ibang ginawa kung hindi itulak palayo si Gideon. Kung mai-in love siya kay Samantha ay hindi na ako magtataka dahil bagay naman talaga sila. "Samantha, right?" Napabalik 'yong tingin ko kay Gideon nang magsalita na siya. I don't know why but I feel so f*****g out of place. I want to leave now. Hindi ko 'to kayang makita. Tumayo ako at umiwas ng tingin. "Reese, what's the matter?" nag-aalalang tanong ni Cielo. "W-Wala. Uuwi na ako." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at nagtatakbo na ako palabas doon. Hindi ko na kayang mag-stay pa roon because I feel suffocated. I don't want to feel this way but I can't help it. What should I do? Habang tumatagal ay mas lumalalim 'yong nararamdaman ko. Nang makatakbo na ako palabas ng Publiq ay may humila ng braso ko at nang pagtingala ko sa pumigil sa akin ay tuluyan na akong natigilan. There I saw Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD