KABANATA I

2282 Words
UNANG KABANATA Ishan “How did you know that yung adopted talaga ang pumatay sa bioligical children at sa mag-asawa?” tanong niya sa kabilang linya. She was asking about the case that I recently handled. Tungkol ito sa isang adopted na mina-sa-cre ang pamilya na kumalinga sa kanya. I turn my steering wheels on the left“H side avoiding the traffic and I fill her with some information. “Well, let's say she shows her true color. Habang ine-en-terrogate ko siya ay napansin ko na hindi focus ang kanyang mga mata at nung tinawag ko muli ang kanyang pangalan ay bigla niyang dinenay na hindi daw siya si Via,” I answered and I could hear her gasped on the other line. I waited for a few seconds before talking again, “Tinanong ko kung sino siya at ang sagot niya siya daw Rhian. Inamin niya rin na siya ang pumatay sa pamilya ni Via. ” I tap the break when I saw a two students walking in the pedestrian. “So, that Via or Rhian has a multiple personality disorder?!” bakas sa kanyang boses ang pagkagulat. “Bingo!” I clicked my tounge enthusiastically. Kahit ako hindi makapaniwala na makaka harap ako sa ganitong mga kaso kahit magdadalawang taon palang ako bilang isang detective. “Woah babe that was intense, I wonder how are you holding up?” A small smile escape from my lips. “Don’t worry about me, hindi ako matitibag ng basta - basta. How bout’ you?” pagbalik ko ng tanong sa kanya. Mag iisang linggo na siyang naka-isolate sa kanyang bahay dahil sa lagnat na nakuha niya. Even though she’s sick she didn't stop scooping some news. “I'm fine - achoo!” Naudlot ang kanyang sinasabi dahil bigla siyang humatsing. “Come on sweetie you're not in good shape. I’ll visit you there tomorrow and I'll hung up the phone so you can rest,” I tried to make my voice stern and serious as possible. “Wait! I still wanna talk with you - achoo!” Napailing-iling ako ng humatsing siya uli. Kahit isa siyang matalinong journalist and katigasan ng kanyang ulo ay hindi talaga magpapatalo. “See that? I'll call you later sweetie, bye,” pagpaalam ko sa kanya. “Fine!” she took the honor of ending the phone call. That girl was Ashleigh Lopez a journalist and TV reporter. We may call each other with endearing words but we're not a thing. Don't think I can explain it, what can I say it's complicated? I care for her but I can't say I love her. We play as couple but I hang out with other girls. Habang nag-da-drive ako papunta sa Golden Crest Academy kung nasaan nag-aaral ang bunso kong kapatid na si Mahalia Rivera. A scene caught my eyes, on the left corner of the street where you can find an alley. A familiar police car and crowded people piqued my interest. Pinark ko ang sasakyan sa katabi nitong convinient store at bumaba ng sasakyan. I squeezed myself between the crowd and I saw a yellow line with a pharase 'POLICE LINE DO NOT CROSS'. Pinuntahan ko ang pinakamalapit na pulis na nagsusulat sa kanyang memo pad. I tap his shoulder and show him my identity card. “I'm Detective Ishan Azure Rivera, anong nangyari dito?” tanong ko at napansin ang babae na naliligo sa kanyang sariling dugo. May mga galos siya na sobrang talim. She looks like she's been slaughtered. “Hindi pa po namin natutukoy kung ano ang nangyari sa biktima,” tugon ng pulis. Napasinghap ako ng hangin na hindi kaaya-aya. Okay,duty calls. “Bigyan mo ako ng surgical gloves?ipakuha niyo na agad ang bangkay ng biktima,” tugon ko sa kanya pero napabalik-balik ang mata niya sa akin at sa mga kasamahan niyang pulis na nagpi-picture nang crime scene. “Sir you know the protocols...” nag-aalangan niyang saad. Holy crap right, I can't interfere the investigation that's not been given on me. I reluctantly nod my head and toss my eyes on the victim, “Alam ko ang protocols officer pero hahayaan niyo lang ba ang biktima na nakaganyan. Sino ba nakahandle dito?” Bago paman maka sagot ang pulis ay may isang black sedan ang tumigil kasunod nito ang mgavan ng media. Lumabas sa black sedan ang lalaki nakasuot ng leather jacket at white t-shirt. Naka slid-back ang kaki niyang buhok. “Ishan?!” gulat niyang tanong sa akin. Sumuot siya sa yellow line at kumuha ng surgical mask sa isang pulis. “Nash? ikaw pala ang naka- assign dito, permission to investigate?” a sly grin formed in my face. Randrick Nash Guzman is my bestfriend and co-worker. Napatingin siya sa mga media at sa bangkay bago sa akin. “Suit yourself idiot,” he muttered before answering the queries of the media. Idiot huh? what a sweet callsign. My lover maybe a part of media but I don't wanna dealt with them. Lumuhod ako sa tabi ng at mas nakita ko ng malapitan ang galos. Parang kamot ng hayop ang nakikita ko, pero impossible naman na may hayop dito na nakawala. Habang inusisa ko ang bangkay ay may dumating na isang van ng ambulansya. They're always late in movie and reality. Kinuha nila ang biktima para sa autopsy. Ilang saglit lang ay bumalik si Nash sa crime scene. “Eh, ano? kumusta?" tanong niya sa akin at niready ang kanyang notebook at ballpen para maglista. “Parang dinumog siya ng isang hayop eh, maybe may mga CCTV dito, let's just wait for the autopsy," sagot ko. Napatigil siya sa pagsulat at tumango-tango. "ASWANG!ASWANG ANG MAY GAWA NIYAN!" We almost jumped from our space when a woman in rouge clothes and messy hair started to shout. Kinumpas ni Nash ang kamay niya at inilayo ng mga pulis ang babae. Mga tao talaga mahilig sa mga kuno-kuno at kung ano-ano na wala naman katotohanan. “Bat ba sila naniniwala sa mga aswang?" lumabas sa bibig ko ang aking kuryosidad. “Malay mo ikaw na susunod,rawr!" he formed his hands into a cat's claw and imitate the sound of the lion. “Asa ka!" balik ko sa kanya. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko at napalaki ang aking mga mata. “Shoot, alas singko na!" I was so pre- occupied by the scenario that I forgot about picking up my sister. "Pre, alis na ako!" hinubad ko ang surgical gloves na suot ko at binigay sa kanya. “Ha?hindi mo ba hihintayin ang resulta? bat ka nagmamadali?” sunod-sunod niyang tanong at sinundan ako maglakad papunta sa kotse ko. Bumaling ako sa kanya at kinuha ang susi sa bulsa ko. “Pwede mo naman ako i-email about sa result at hwag mo nga iaasa sa akin yung trabaho mo, naghihintay sakin yung kapatid ko!” Binuksan ko ang pintuan ng driver seat at umupo doon pero hindi ko pa isinara ang pinto sapagkat naka sanding siya doon. “Aba, sino ba satin nagsabi nang, permission to investigate?” he crossed his arms and mimicked my voice. “Lucky you, andyan ako para tulungan ko.I'll be heading now.” I motion my hand into a 'shoo' so that he will leave me. Umalis rin siya sa pagkakasandig at sinamaan ako ng tingin. “Anong lucky me?! pakialamero!” hindi ko na tinapos ang kanyang pang mga sasabihin at sinara ang pinto saka pinaharurut Ang sasakyan. Magka-klase kami ni Nash mula highschool hanggang collage, magkatrabaho pa kami ngayon kaya hindi na big deal sa amin ang mga biruan na ganoon. You can say a Love-hate relationship. Ilang minuto lang nang marating ko ang waiting shed sa labas ng Golden Crest University. Agad ko nakita ang babae na nakasuot ng white blouse, golden crabat, at above the knee golden skirt with black criss cross. Kasama ang tatlo niyang mga kasamahan. Ilang saglit lang ay nakita niya ako at agad na tumakbo sa direksyon. Kinatok niya ang bintana ng passenger seat kaya ibinaba ko yon. “Kuya? pwede ba silang makisabay sa atin?” tanong niya at napalingon sa tatlong babae. Tumango ako at pinagbuksan siya ng pinto mula sa loob. “Sige, pasakayin mo sila,” sagot ko . Agad naman niyang sinenyasan Ang kanyang mga kaibigan na naglakad papunta sa dirkesyon namin at sumakay sa likuran. Hinintay ko sila na makaupo ng komportable bago pinaandar Ang sasakyan. “Saan kayo?” nakangiti kong tanong at tiningnan sila sa rear-view mirror. “Ah pwede mo lang po kami ibaba sa 7/11 bibili muna kami ng pagkain," mahinhin na sagot ng babae na nakasuot ng eye glasses. “Alright,” iyon lang ang tanging naging sagot ko. Napatingin ako sa kapatid ko na nagsusuklay ng kanyang buhok at nakatingin sa malayo. Ano kaya iniisip ng batang ito? “Hoy Lia, nakita mo ba ang balita kagabi na may nakita daw na manananggal sa sitio siete?!” may pagkagulat na tanong ng babaeng nakaupo sa gitna at pinakita Ang picture sa kapatid ko. Strike two! nang mga taong naniniwala sa mga kababalaghan. Nakita kong umikot ang mata ni Lia at bumalik sa pagsusuklay ng buhok niya. “Hindi kana bata Lizzie ano kaba, naniniwala parin kayo diyan?” lumanay ngunit may pagkasarkastiko nitong sagot. “Oo naman, sabi nga nila age doesn't matter noh!” sagot ng isa na nakaupo sa pinakagilid. “Kung totoo nga yung mga multo aswang at manananggal pa kaya,remember na ghost ka?” biglang napukaw ang espirito ng pagkatsismoso ko ng marinig ang salitang iyon. Wait,si Lia na ghost?! Abay sinong walang hiyang kaluluwa naman iyon. Out the corner of my eye, I saw she stopped combing her hair and glances at me before darting an eye to her friends. “Ay,sorry secret lang pala yon," mahinang saad ng babaeng pangalan ay Lizzie ngunit sa linis ng tenga ko ay dinig na dinig ko parin. Nang makita ko na ang 7/11 na tinutukoy nila ay agad akong pumwesto sa gilid. “Girls, you're here," pag-papaalala ko sa kanila. Agad naman sila nag siayos at ngumiti.“Salamat kuya pogi!” hindi ko mapigilan na matawa sa kanilang pasasalamat bago bumaba sa sasakyan. Kumaway sila aa amin bago ko pinaharurut ulit ang sasakyan. “Nagbibiro lang sila kuya Hanzu kaya wag mo na akong pagdudahan.” Napataas ang kilay ko sinabi niya, nanahimik lang ako dito bat may padududa na? Naksanayan niya na, na tawagin ako sa palayaw na Hanzu o pinagsamang pangalan kong Ishan at Azure. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon kahit ang lola namin o sina Nash at Ashleigh ay hindi tumatawag sa akin ng ganyan. “Alam mo wala akong pakialam sayo kaya tumahimik ka diyan," I jokingly said. Tumingin siya sa akin ng masakit at nag pout. “KUYA!” my shoulders jerked up when she shouted. Ang tinis naman ng boses niya. Mala Magic flute ni Mozart. I shake my head and laughed. “Just kidding, come on I know how to make that lips smile." I glance at her and give her a brotherly wink. After our heavy food trip on our childhood restaurant. I gave her a liberty to do shopping and currently we're inside a grocery store. I might spoiled my sister a little too much but I just wanna gave her the things I didn't experience when I was at her age. Kumukuha ako ng cereal ng bigla siyang tumakbo sa akin dala-dala ang cart niya na puno ng mga matatamis. “Kuya, doon lang ako sa beverage area!” hindi niya na hinintay Ang sagot ko at tinulak ang cart niya papuntang beverage area. Umiling-iling na lang ako at tinulak rin ang cart papunta sa Meat and Fish area para bumili ng ista-stock sa refrigerator. Habang pumipili ako ng isda ay may ale na kuba-kuba na lumapit sa akin habang nakatingin sa isda. Napa lunok ako ng laway, I don't but I get this eerie feeling from her. “Sariwa ang isda diba,iho?” tanong niya at tumingin sa akin. I reluctantly nod and smiled even my lips begins to tremble. “Ah oo nga po,” tipid ko g sagot at nilagay na sa kiluhan ang napili ko. “Dadating ang araw na ang mga sariwa ay maaagnas rin.” Napatigil ako sa aking ginagawa at napatingin sa gilid ko ngunit wala na ang matanda. Alas-syete na ng gabi nang makauwi kami sa bahay. Agad ko kinuha sa sasakayan ang mga pinangbili namin habang dumiretsong pumasok si Lia sa loob para gawin ang homework niya. “Aber iho, tulungan na kita!” pagbungad sa akin ni Tasha ang caregiver ni lola. Umiling lang ako at dinala agad sa counter sa kusina. “Wag na po,yakang-yaka ko naman,” sagot ko at inayos ang pagkakalagay ko. “Si Lola kamusta?” tanong ko sa kanya at nilagay ang mga can foods sa pangtaas na drawer. Binuksan niya ang kanyang abaniko at pinaypayan ang sarili habang nakapamewang. “Syempre nakakalerki parin yung lola niyo bat gandang tiis lang love na love ko yon eh!” Pareho kaming natawa sa sinabi niya at pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili namin ay nakita ko si lola sa sala nanood ng tv. Nakaupo siya sa kanyang wheel chair at tutok na tutok. “Magandang gabi sa maganda kong lola!” yumuko ako sa tabi niya at nagmano. Isang lalaki natagpuang patay sa ilog di umano inatake ng aswang. Napakunot nag noo ko sa headlines, usong-uso talaga ang mga ganyan ngayon. “Andito na sila muli.” Napatingin ako kay lola na hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Andito na sila muli?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD