•Maureen• Patalon-talon ako habang naglalakad papunta sa classroom ni Nathaniel. Nakita ko ito sa labas at kausap ang isa sa mga kaklase nito. Hindi naman ako madaling mag-selos kaya hinayaan ko na lang muna silang mag-usap, ngunit nang makita ko ang paghawak ng babae sa braso ni Nathaniel at kakaibang kislap sa mga mata nito ay kaagad akong naglakad palapit sa kanila. "James Nathaniel Morse," mariin kong tawag sa pangalan niya. Nakangiti siyang tumingin sa akin at tinanggal ang pagkakahawak ng babae sa kanyang kamay. "Nerd, good morning," bati nito sa akin at hinalikan ang aking noo. Nakita ko ang pagtaas kilay ng babaeng kasama nito kanina bago pumasok sa loob. "Sino iyon, Nate?" tanong ko sa kanya. Nilingon niya muna ito bago umiling, tila ba walang pakialam sa taong binibigyan ko n

