•Maureen• Napangiti ako nang maubos ko ang pagkain na inilagay ng mama ni Nathaniel sa aking plato. Lalagyan pa sana nila ulit iyon nang pinigilan ko sila. Masarap ang luto ni nanay ngunit hindi naman ako pwedeng kumain nang marami bukod sa ayaw kong tumaba ay ayaw ko rin na sumakit ang t'yan ko. "Nay, Nate, aalis na ako," paalam ko sa kanila nang makalabas na kami sa bahay. "Nak, ihatid mo si Maureen sa kanila para hindi ako mag-aalala kung maayos ba itong makauwi." Umiling ako sa sinabi ng ina ni Nathaniel at hinawakan ang kamay nito. Kanina ko pa tinawagan ang driver namin na sunduin ako para hindi ko na maabala si Nathaniel malayo pa naman ang bahay namin sa kanila. "Naghihintay na po sa akin si Manong Raol sa may labas, nay, pero salamat po sa pag-aalala. Pumasok na po kayo sa l

