•Maureen• "Seryoso ako, Maui." Nilingon ko si Nathaniel at ngumiti rito. Hindi ko pa rin alam kung maniniwala ba ako rito o hindi. " "Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi mo." Sa tuwing maririnig ko ang matatamis na salita na nanggagaling sa bibig ni Nathaniel napapa-isip rin ako kung ginagawa niya ba ito sa ibang babae. Tinitigan ko nang mabuti ang puno ng sinseridad nitong mga mata, habang hawak-hawak nito ang aking mga kamay. "Handa akong maghintay at ipakita sa'yo na seryoso ako sa sinasabi at nararamdaman ko para sa'yo, Maui." Bumilis na naman ang pagtibok ng aking dibdib. Wala na yatang katapusan ang pagpintig nito kapag kasama ko si Nathaniel. Napahawak ako sa aking braso at hinaplos iyon nang makaramdam ako ng ginaw. Pumikit ako para na

