TLYA 07:

2012 Words
•Maureen• Tumayo na ako nang matapos ang game nila ni Nathaniel, tumatakbo naman itong lumapit sa akin at kahit pawisan na ang mukha nito ay hindi pa rin maipagkakaila ang taglay niyang ka-gwapuhan. "Aalis na ba tayo?" Itinaas niya ang kanyang kamay at ginulo ang aking buhok. Tumawa pa ito bago itinuro ang kanyang sarili. "Bakit ka tumatawa d'yan? Baliw ka ba?" "Ang cute mo lang tingnan." Tinaasan ko lang siya nang kilay at hindi na nagsalita. "Hintayin mo lang ako rito, Maui, magbibihis muna ako para hindi naman ako mabaho kapag tumabi sa'yo." Tinanguan ko lang siya at bumalik na sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung bakit ako napapasunod ng lalaking 'to, baka nababaliw na rin ako. Halos trenta minutos din ang hinintay ko bago dumating si Nathaniel. Hindi naman ako nag-reklamo dahil mas malala pa rin naman d'yan ang oras na ginugugol ko. "Sa parking lot mo na lang ako ihatid, Nate, may susundo naman sa akin," saad ko rito habang naglalakad na kaming dalawa. "Ah, okay." Iyon lang naman ang sinagot niya sa akin at muli nang namayani ang katahimikan. "Ayaw mong ihatid kita sa inyo?" Natawa ako sa sinabi niya, kahit naman gusto ko ay hindi ko naman pwedeng pauwiin ang driver nang ganoon na lang. Pinaghintay ko rin ito ng ilang oras dahil sa kanya. "Next time. Naghihintay kasi ang driver ko," nakangiti kong tugon sa kanya. Pareho kaming huminto nang narating na namin ang puting kotse na pagmamay-ari ng parents ko. "Thank you, Nate, ngayon lang ako nakanuod ng basketball pero natuwa ako—" "Dahil sa mga gwapo ang mga kasamahan ko?" taas-kilay niyang tanong. Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago pinitik ang kanyang noo. "Aray naman, Maui, ang ganda mong babae pero sadista ka." Napangiti ako sa sinabi nito at tumingkayad para abutin ang kanyang noo, ngunit sa mga mata naman nito tumama ang aking paningin. Mabilis akong lumayo sa kanya at baka marinig nito ang t***k ng aking puso. "A-alis na ako. Thank you ulit!" Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot at pumasok na sa loob ng sasakyan. — "Miss Maureen, maraming salamat po," nahihiyang saad ng isang staff nang matapos kaming mag-photoshoot. Ngumiti ako at lumapit sa kanila. Mabilis kaming natapos dahil sa kanila kaya nagbigay din ako ng kaunting pasasalamat. "May pinabili akong food and drinks sa inyo. Maraming salamat sa pag-aalaga sa akin today." Nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman kailangan na ilibre sila kapag natatapos ang shoot. Aalagaan pa rin naman ako nila bukod sa isa akong De Silva, ay malaki rin ang tulong ko sa company nila dahil puro sold-out ang mga magazine na nagiging cover ako, at ang mga damit na isinusuot ko. Pero hindi rin naman kawalan sa akin na magbigay sa iba, lalo na at hindi naman mauubos ang pera ko kapag ibinabahagi ko iyon sa kanila. "Maraming salamat po, Miss Maureen," pasasalamat ni Lizzy. "My pleasure. I hope to work with you again," nakangiti kong saad. Napatingin ako sa may pintuan nang bumukas iyon at pumasok ang manager ko na may dalang pizza at maiinom. "Mauuna na ako sa inyo, guys. May pupuntahan pa kasi akong importante." Tumingin silang lahat sa akin kahit ang iba sa kanila ay may nakapasak na pagkain sa kanilang mga bibig. Kinuha ko muna ang bag ko na nakapatong sa mesa, bago lumapit sa kanila. "Aalis na ako, guys." Pagkatapos kong magpaalam sa lahat ay bumaba na ako. Gusto sana akong ihatid nang manager ko ngunit pinigilan ko na siya. May dala akong kotse at papupuntahin ko rin naman dito si Josh dahil magpapasama ako sa club. "Josh, tapos na ang shoot. Sasamahan mo ba ako? Pwede ka bang magpahatid na lang sa driver mo? May sasakyan kasi akong dala," mahaba kong lintanya nang sinagot na niya ang tawag. "Woah, calm down, young lady!" Natawa ako sa tinawag niya sa akin. Mabilis ba ang pagkakasabi ko ng mga salitang iyon? "Pero gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo, Reen-ren. May kailangan kasi akong tapusin sa lab, baka umaga na akong matapos." Mapait akong napangiti nang marinig ang sinabi niya. Alam ko naman na busy si Josh lalo na at pagiging doctor ang kinuha nito. Kailangan maglaan ito ng oras sa studies niya. "Reen-ren, nandiyan ka pa ba? Galit ka ba sa akin?" tanong nito. Kinamot ko ang aking ilong habang nag-iisip kong sino ang pwede kong isama, lalo na at wala naman akong ibang kaibigan. "Nope, it's fine, Josh. Mag-iingat ka sa pag-uwi. Ibababa ko na muna itong tawag at aalis na ako," pagpapaalam ko sa kanya. "Ingat ka rin." Tapos nitong sabihin iyon ay kaagad ko nang pinatay ang tawag. Sumakay na ako sa kotse at pinaandar na iyon. Malapit ko nang marating ang Fresy Club nang may makita akong lalaki na nakatungo sa bisikleta nito. Kumunot ang noo ko nang makilala siya. Inihinto ko ang kotse at ginamit ang ilaw ng kotse ko para mailawan ang ginagawa niya. Bumaba ako sa kotse at kaagad siyang nilapitan. Ano kaya ang ginagawa niya rito? "Mauie? Bakit ka nandito? Pupunta ka rin ba sa kanila Cheska?" tanong nito nang makalapit ako sa kanya. "Sa ganyang damit?" Naningkit ang mga mata niya habang sinusuri ang kasuotan ko. Tumango naman ako at tiningnan din siya. Simple lang ang suot nito, isang puting damit na may tatak na monster at men's jeans na kulay itim. Mula sa kanyang katawan ay ibinaling ko naman ang paningin sa kanyang mukha. Puno ng pawis ang noo nito, dahil na rin siguro sa pag-aayos niya ng kanyang bisikleta. "Sabay na tayong pumunta? Wala rin kasi akong kasama." Tumango naman ito ngunit natigil din nang maalala ang kanyang bike. Nagkamot ito sa kanyang batok bago bumaling sa akin. "Paano ang bike ko? Hindi ko naman ito pwedeng iwan dito, lalo na at ito lang ang tanging ginagamit ko kapag may pinupuntahan ako," usal nito. "Pero hindi rin naman kita hahayaan na pumunta sa club na iyan lang ang damit na suot mo." Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi dahil sa sinabi niya. Kinagat ko muna ang aking ibabang labi at iniwas ang tingin sa kanya. Naaapektuhan ako sa bawat salitang binibitawan ni Nathaniel. Hindi ko alam pero natataranta ang puso ko sa tuwing kinakausap ako nito. "Ilagay mo na lang muna iyan sa likod ng kotse ko. Tapos sakay ka na lang sa kotse ko," suhestiyon ko naman. Kumunot ang noo ko nang itinaas niya ang dalawang kamay at sininghot ang kanyang kili-kili. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil sa itsura nito. "Anong ginagawa mo?" "Tinitingnan ko lang kung nababagay ba ako sa loob ng magara mong sasakyan." Pinitik ko ang noo niya at napailing. Makulit si Nathaniel ngunit mababa ang tingin nito sa sarili niya, lalo na at yaman ang pinag-uusapan. "Bakit mo naman pinitik ang noo ko? Masakit kaya," reklamo nito. "Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi mo naman kailangan na maging mayaman para makasama ako. Tara na nga at baka hinahanap na tayo nila Cheska." Nauna na akong naglakad at nagtungo sa driver seat. Binuksan ko ang likuran ng kotse bago siya binalikan. "Ilagay mo na lang doon sa likuran, Nate, bilis!" Hindi umimik at nakatingin lang sa akin. "Anong problema mo, uy?" naiinis kong sita sa kanya. "Na-realize ko lang na hindi na Nathaniel ang tawag mo sa akin," nakangisi niyang saad. Ngumiwi ako at inilagay ang dalawa kong kamay sa harapan ng dibdib ko. "Malapit na ba ako diyan sa puso mo—" "Baliw ka ba? Mahaba 'yung pangalan mo, kaya iniksian ko lang," pagbibigay nang ekplenasyon ko sa kanya. "Aysus! Hindi na ako maniniwala d'yan mahal mo na talaga ako—" Naputol ang sasabihin niya nang bigla ko siyang binatukan. Nakuha pang mang-asar, tsk. Natatawa naman nitong dinala ang bike patungo sa likod ng kotse ko at pinasok ito roon. — Kanina pa ako naririndi sa mga sinasabi ni Nathaniel. Sino ba naman ang hindi? Ilang beses na niyang inulit sa pagmumukha ko na mahal ko na raw siya. Hanggang sa makarating na kami sa club ay iyon pa rin ang sinasabi niya. Kapag nabatukan ko siguro ito ay matatauhan na siya. "Hindi ka ba talaga titigil, James Nathaniel Morse—" Nakagat ko ang aking ibabang labi nang inilapit nito ang kanyang ibabang labi at inilagay sa bibig ko ang kanyang hintuturo. "Hindi ako titigil hanggat hindi ko makukuha ang matamis mong oo." Tumaas ang sulok ng aking labi dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang baso ng alak at inisang lagok iyon bago pumunta sa dance floor at sumayaw kasama sila Cheska. "Maureen, salamat sa pagpunta!" sigaw nito dahil hindi na kami nagkakarinigan. Maingay ang musika at nakakahilo ang ilaw na minsan ay tumatama sa aking mata. Kung hindi dahil kay Nathaniel hindi naman ako pupunta rito sa dance floor. "Ikaw pa ba?" sagot ko naman sa kanya. Pareho kaming natawa ngunit natigil din nang may humawak sa bewang ko. Nilingon ko kung sinuman ang may gawa no'n. Tinaasan ko ito ng kilay nang di ko siya makilala. "Who are you?" "Miss, be my pair tonight?" nakangisi niyang sambit. Kumunot ang noo ko at tinanggal ang kamay niya na mas hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.  "I'm not here for you. Hindi mo ba alam na may kasama ako?" naiinis kong turan. Kinakabahan ako sa pinanggagawa nito, kaya agad na hinanap ng mata ko si Nathaniel ngunit wala na ito sa kinauupuan niya. "Pwede ba umalis ka na rito? Hindi kita kailangan at wala akong pakialam sa'yo—" Nanlalaki ang mata ko nang bigla nitong hinaplos ang mukha ko. Tiyak kong lasing ito dahil namumula na ang kanyang mata at mukha. Mas lalo akong natatakot at pinipilit na ilayo ang aking katawan sa kanya. "Ang kinis at ang ganda mo naman. Sarap mong halikan—aray!" "Kapag sinabing ayaw sa'yo tigilan mo na." Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ang boses ni Nathaniel kahit hindi ko pa siya nakikita, tila ba kahit isang salita lang ibigkas nito natitiyak ko ng protektado ako. "She's my woman." Napalunok ako nang biglang may humila sa akin palayo sa lalaking nakahawak sa akin kanina. Kumalma lang ako nang maamoy ang pabango ni Nathaniel. "N-Nate," usal ko sa nanginginig na boses. Iniharap ako nito sa kanya na kahit sa madilim na lugar na iyon ay nakita ko pa rin ang maamo at gwapo niyang mukha. "I'm sorry." Hinalikan nito ang noo ko bago bumaba ang mukha niya at tiningnan ako sa aking mga mata. "Huwag kang humingi ng tawad di mo kasalanan—" "Pare, ako ang unang nakakita d'yan—" Nanlalaki ang mata ko nang biglang lumingon sa kanya si Nate at sinapak ito sa mukha. Nagsisigawan na rin ang mga tao sa loob at pinalibutan kaming tatlo. Tumaas-baba ang dibdib ko dahil sa sitwasyon na nangyayari. Ngayon ko lang ito naranasan kaya halos manigas ako sa aking kinatatayuan. "Anong tingin mo sa babaeng 'to? Isang bagay na paunahan sa pagkuha at paunahan sa pagbili? G*go ka ba?!" galit na galit na sigaw nito. Nakikita ko na rin ang litid ng ugat sa kanyang pisngi. "Nathaniel, tama na iyan," awat ko sa kanya. Ayaw kong masaktan ito at baka madala pa ito sa school at maging issue sa pagiging dean's list niya. "Sir, Ma'am, anong nangyayari rito?" tanong sa amin ng bouncer. Hindi ako nakapagsalita kaya hinila ko ang damit ni Nate. "Siguraduhin niyong mananagot ang lalaking 'to sa pambabastos sa kasama ko," mariin na saad ni Nate at hinila na ako palayo sa dance floor. Dinala ako nito sa labas sa may ilalim ng puno ng narra. Masarap ang simoy ng hangin dito nakakagaan ng pakiramdam. "I'm sorry, Mauie. Pasensya ka na at nabastos ka nila dahil hindi kita nabantayan—" "Thank you," usal ko sabay halik sa pisngi niya. Napangiti ako nang makita ko ang nanlalaki niyang mata habang nakatingin sa akin. "Mahal mo na ako?" natatawa niyang saad. Tinapik ko ang pisngi niya at ngumisi rito.  "Wake up, Nate, marami ka pang gagawin para mangyari iyon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD