TLYA 06:

1956 Words
•Maureen• Papasok pa lang ako ng cafeteria nang bigla akong kinawayan ni Nathaniel. Kasama nito ang mga ka-team niya sa basketball, kaya agad kong iniwas ang aking tingin. Ayaw ko isipin ng iba na may namamagitan sa aming dalawa. Marami siyang tagahanga at hindi maiiwasan na may mainggit sa akin kapag nagkalapit kaming dalawa. "Reen-ren!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Hindi naman niya ako tinawag sa nickname ko na 'yan, kaninang nag-aaway sila ni Nathaniel. "Libre kita. Pili ka lang ng gusto mo." Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi niya. Mga mahal ang pagkain dito sa SIS. Minsan gumagastos ako ng 500 sa isang kainan, hindi ko alam kung ano ang ginagamit nilang ingredients at ganito kamahal ang mga pagkain nila. "Sigurado ka ba d'yan? Baka maubos ang isang buwan mong allowance," pang-aasar ko sa kanya. "Naman! Pero kapag naubos mo nga ang laman ng wallet ko manghihingi na lang ulit ako kay daddy tapos sasabihin ko na nilibre kita kaya naubos, paborito ka naman niya." Kinurot ko ang tagiliran niya at pumila na. Palagi akong nasa bahay nila kahit noong bata pa kami ni Josh dahil kaibigan ni daddy ang papa niya. Malapit ang pamilya namin, pero hindi naman naisipan ng parents namin na ipagkasundo kaming dalawa kaya magaan ang loob namin sa isa't-isa. Pareho naman kasi naming gusto na magkaroon ng partners na mahal namin. "Maureen, ibibigay ko sana ito sa'yo." Muntikan na akong mapatili dahil sa biglang pagsulpot ni Nathaniel sa gilid ko. May hawak itong kulay lavender na lunchbox at nakalahad iyon sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago ibinalik sa kanya ang aking paningin. "Alam mo ba na pili lang iyong kinakain ni Mauie?" seryosong saad ni Josh. Mapili naman talaga ako sa pagkain, pero hindi pa naman namin nakikita ang laman ng box na iyon. "Kung ako sa'yo, Morse, itago mo na iyan. Huwag mong pakainin si Maureen ng mga nakasanayan mo—" Tinakpan ko ang bibig ni Josh dahil sa sinabi nito. Below the belt na iyon, ayaw kong may masaktan na ibang tao dahil sa mga salitang hindi pinag-isipan at bibitawan na lang bigla. "I'm sorry," dissapointed at malungkot na usal ni Nathaniel. Tatalikod na sana ito nang hinawakan ko ang lunchbox na nasa kamay niya. "Mauie?" Ngumiti ako at inilipat iyon sa aking kamay. Mayaman lang ako pero hindi naman ako maarte, kumakain ako ng bigay ng kakilala ko, basta naaayon lang sa panlasa ko. "Kakainin ko 'to. Thank you, mas okay ito dahil makakatipid ako," marahan kong saad. "Saan kayo banda? Doon kami pupunta mamaya ni Josh. Right, Josh?" Nanlalaki ang mata nito na tumingin sa akin, hindi makapaniwala sa narinig. Nginitian ko lang siya, kung ayaw niyang sumama mamaya sa akin ay di ko siya pipilitin. Alam ko ang alitan nilang dalawa, pero mas mabuti iyong magkasundo na sila dahil pareho lang naman kaming mga estudyante. "Okay," simpleng sagot lang nito sa akin. Nagpaalam naman si Nathaniel at bumalik na sa kanyang kinauupuan. "Anong sa'yo, Reen-ren?" Narinig ko pa rin ang pagmamaktol sa boses nito. "Huwag mong sabihin na hindi ka na bibili dahil binigyan ka na ni Nathaniel? Magtatampo talaga ako." Malakas akong tumawa at kinurot ang ilong niya. Ano nga ba ang kakainin ko? Hindi ko pa naman alam kung ano ang laman ng lunchbox na 'to. "Rice, special chicken adobo, fried chicken and soda, please?" Sinabi muna nito sa cashier ang order namin bago ako binalingan muli. "Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan? Libre mo 'yan." "Masaya lang ako dahil hanggang ngayon iyan pa rin ang paborito mong pagkain?" naiiling nitong turan. Napangiti na rin ako sa sinabi niya. "Mabuti na lang at hindi ka pa rin nagbabago. Pakiramdam ko ay kilalang-kilala pa rin kita." "Hindi naman talaga ako magbabago, baliw!  Atsaka masarap naman kasi ang chicken. Let's go?" aya ko sa kanya nang ibinigay na ng server ang tray ng ini-order niya. Kinuha ko ang isang tray at ipinatong doon ang lunch box at nauna nang maglakad. "Hi!" bati ko sa mga taong naroroon. Bumati rin naman sila pabalik at nahihiya pang tumingin sa akin. Marahan akong tumawa at umupo sa isang vacant chair na katabi ni Nathaniel at pinaupo ko naman sa aking tabi si Josh. Binuksan ko kaagad ang lunchbox para tingnan ang laman nito. "Fish?" usal ko nang makita ang hindi kalakihang isda. Kumakain naman ako ng isda pero iyong mga malalaki. Sa ngayon ay bago sa paningin ko ang isda na ito kaya hindi ko alam kung ano ang tawag dito. "Maliit pero mukhang fresh naman siya." Napalingon ako sa mga estudyanteng nagbubulungan dahil dito. Lahat sila ay nakataas kilay habang nakatitig sa akin. Anong mali sa isdang 'to? Basi sa reaksyong nakikita ko ngayon para naman silang mamamatay kapag nakita nila ito. Atsaka hindi naman sila ang kakain kundi ako. "Ms. Maureen, kakain po kayo n'yan?" tanong ng isang estudyante na nasa kabilang mesa. "Ang baho! Ang lansa ng amoy, eww," nakakunot pa ang ilong nito habang sinasabi iyon ng isang estudyante na medyo malayo na sa akin. Napahanga naman ako sa taglay nitong pang-amoy. Pati yata utot ko ay maaamoy nito, tsk. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa aking naisip, baka bigla na lang akong matawa rito at mapa-utot nga. "Huwag mo na lang kainin 'yan, Reen—" Itinaas ko ang aking kamay para patigilin sa pagsasalita si Josh. Kumuha ako ng isang isda at inilagay iyon sa plato ko katabi ng fried chicken. Inuna ko iyong tikman para matigil na ang lahat sa kabubulong. Hindi ako makakain nang maayos dahil para silang bubuyog sa ingay na ginagawa nila. Alam kong mayayaman ang mga narito, pero hindi naman nila kailangang mamahiya ng tao dahil lang sa ulam na hindi nila kinakain. "Masarap." Lumingon ako kay Nathaniel na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin. Nahihiya na yata sa mga narinig sa kapwa namin estudyante. "Anong pangalan nito?" Tumingala naman ito sa akin at puno nang pagtataka ang kanyang mukha. Tinaasan ko siya ng kilay para masagot niya ang tanong ko. "Tuyo iyan, dinalhan kita dahil paborito ko iyan sa mga luto ni mama. " Tumango ako sa sinabi nito at bumalik na sa pagkain. "Maureen, be careful sa pagkain n'yan." Lumingon ako kay Josh dahil sa sinabi nito. Pinahiran nito ang mukha ko at nagsimula na ring kumain. Tumigil naman sa pagbubulungan ang mga estudyante at nagpatuloy na sa kanilang ginagawa. "Hindi ka nandidiri?" tanong ni Nathaniel sa akin. Nagdikit ang dalawa kong kilay dahil sa tanong niyang iyon. "Masarap naman siya. Atsaka huwag kang yumuko d'yan, luto ito ng mama mo dapat ipagyabang mo iyon. Huwag kang mahiya, Nathaniel, hayaan mo lang sila dahil hindi naman nila ito matitikman." Kinuha ko ang isang fried chicken sa plato ko at inilipat ito sa kanya dahil puro gulay ang laman ng sa kanya. "Thank you sa pagkain." "Hindi lang pagkain ang ibibigay ko sa'yo pati puso ko!"  "Di ko naman makakain 'yan," sabay kaming nagtawanan at ibinalik na sa pagkain ang atensyon. Hindi naman pala masamang tao ang lalaking 'to. Siguro hindi lang talaga kami nagkakilala nang maayos. Gusto ko pa siyang kilalanin ng mabuti.  — Dahil walang teacher na pumasok sa last subject ko ay napag-desisyon kong pumunta sa library, ngunit dahil sa ingay nang mga babae kanina sa hallway ay dumeretso ang paa ko patungo sa sports gym, kung saan din sila papunta. Natampal ko ang aking noo nang makita ko si Nathaniel na naglalaro ng basketball. Ngunit sa halip na umalis ay marahan ang ginawa kong hakbang patungo sa may bench. "Excuse me," mahina kong saad sa mga taong nasa daan. Ayaw kong mahalata ni Nathaniel na nandito ako at pinapanuod siya. "Miss Maureen De Silva?" Naipikit ko ang aking mga mata sabay kagat ng aking labi, dahil sa pagtawag sa akin ng lalaking nasa harapan ko ngayon. "Ah, hehe." Pilit ang ibinigay na tawa ko rito. Natataranta na ako, gusto kong bumaba at lumabas na lang, ngunit hindi naman gumalaw ang mga tuhod ko. "Ngayon lang kita nakita rito sa sports gym, Miss Maureen." Itinangala ko ang aking ulo para tingnan ito ngunit nakita ko naman ang lahat na nakamasid na sa akin. Binibigyan ako ng mga nanunuring tingin, pwede bang magpalit ng mukha hanggang sa makaalis ako rito. Marahan kong nilingon ang pwesto ni Nathaniel kanina kung nakuha rin ba namin ang atensyon niya, pero mas mabuti sana kung hindi ko na lang ginawa iyon dahil nakita ko itong titig na titig sa akin. "Miss Maureen?" tawag nito sa akin kaya bumalik ako sa reyalidad, muli ko itong binalingan ng tingin bago binigyan nang pilit na ngiti. "Bakit po kayo narito? Akala ko po ay library lang ang alam niyong tambayan." "M-may ipinag-utos lang sa akin," nauutal kong sagot sa kanya, at inilibot ang paningin tila ba may hinahanap. "Maureen!" Pamilyar na sa akin ang boses ni Nathaniel kaya hindi ko na ito nilingon dahil ramdam ko na ang pag-iinit ng aking pisngi sa sobrang hiya. Hahakbang na sana ako pabalik nang may humawak sa balikat. Pagtingala ko ay kaagad na nagtama ang mga mata naming dalawa. Napalunok ako sabay iwas ng tingin sa kanya, hindi ko mapigilan ang bilis nang pagtibok ng aking puso. "Hindi mo ba ako narinig kanina?" Pinalakihan ko ito ng mata nang muli kong ibinalik ang aking tingin sa kanya. "Ah? Ha?" Marahan kong pinalo ang kanyang dibdib dahil wala na akong mahagilap na sasabihin dito. "May lagnat ka ba? Bakit sobra kang namumula?" nag-aalala niyang tanong. Kaagad kong tinabig ang kamay niya dumapo sa aking noo. Hindi lang naman ako namumula, buong katawan ko na yata ay namamawis sa sobrang kaba. "Aalis na ako. May kukunin—" "Dito ka na lang muna malapit na naman kaming matapos sa paglalaro. Ihahatid na lang kita mamaya," nakangiti niyang saad. Hindi na ako nakatanggi nang bigla niya akong hinila patungo sa mga upuan. "Wait for me, okay?" Tumango naman ako kaagad kaya bumalik na siya sa mga kasamahan niya. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ang iba niyang ka-team na tinataas ang mga suot nitong jersey. Kinagat ko ang aking ibabang labi para hindi mahalata ang ngiting pilit kong pinipigilan. Hinanap ng mga mata ko si Nathaniel para tingnan din ito kung ginagawa niya rin ba iyon, ngunit ibang reaksyon naman ang natanggap ko rito. Halata ang pagka-disgusto sa mukha nito habang nakatitig sa akin. Galit ba ito sa akin? Ayaw niya bang narito ako? Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla itong naglakad palapit sa pwesto ko. "Problema mo—" Napatigil ako sa pagsasalita nang sa gilid ko ito dumeretso at kumuha ng tubig. Nahihiya kong ibinalik ang tingin sa may mga atletang naglalaro. Ngunit ilang sandali lang ay humarang na naman ang katawan nito. "Maureen," seryoso niyang sambit sa pangalan ko. Tinaasan ko siya nang kilay dahil wala naman akong maintindihan sa mga pinanggagawa nito. "I'm watching, Mr. Morse, please excuse—" Nanlalaki ang mga mata ko na tumitig sa kanyang katawan nang bigla niyang tinaas ang kanyang jersey na suot. Maganda ang katawan nito, hindi kalakihan at hindi rin naman payat. Ito ang mga katawan na gusto ko sa isang lalaki. Napailing ako sa aking iniisip at yumuko dahil sa hiya. Rinig ko pa naman ang mga tilian ng mga estudyanteng nanunuod sa laro. "I can lift my shirt for you, Miss De Silva, you don't need to watch another men." He winked and run back to the court. Napahawak naman ako sa aking mukha dahil sa pag-iinit no'n. Mas lalo pa yatang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa ginawa nito. "Crazy, Morse," mahina kong sambit bago ito hinanap ng aking mga mata. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD