•Maureen• Maaga akong nagising at pumunta sa paaralan, baka magkita kami ni Nathaniel dahil gusto ko itong kausapin. Baka hindi lang niya sinasadya na sabihin iyon kahapon. Gusto ko marinig ulit ang paliwanag niya. Napangiti ako nang makita si Nathaniel sa may school garden. "Nate—" Hindi ko na napunan ang aking sasabihin nang tumakbo palayo sa akin si Nathaniel. Mapait akong napangiti sa ginawa nito, tila ba may nakakahawa akong sakit kaya niya ako iniiwasan. "Reen-ren!" Napalingon ako kay Josh sabay ngiti sa kanya. "Bakit ka nandito? Hinahanap mo ba siya?" "Ha? Sorry, akala ko nandito iyong way patungo sa first class ko," mahina kong saad at muling ibinaling ang tingin sa dinaanan ni Nathaniel. "Hindi ka na ba busy?" Umiling ito at hinawakan ang kamay ko. Tatanggalin ko na sana iy

