•Maureen• "Uy, Maureen, club tayo later?" Tumatakbo kami ngayon para sa P.E namin. Napaisip ako sa tinanong ni Laarni, sabi nila ito raw ang dapat gawin kapag naghiwalay kayo ng jowa mo. "Wala ka na namang gagawin 'di ba?" "I'm sorry, Laarni. May gagawin kasi ako mamaya—" "Wala na naman kayo ni Nathaniel 'di ba? Ano pa gagawin mo—" Natigil ito sa pagsasalita nang sinamaan ko siya ng tingin. "Oops! My bad, pero totoo naman iyon 'di ba? Sabi pa nga nila habol nang habol ka pa rin daw—" "Miss Maureen, let's go! Huwag mo nang pakinggan ang mga tsismosa." Hinila ako ni Cheska palayo kay Laarni at sumabay na sa akin sa pagtakbo. "Ay, huwag mo akong tingnan ng gan'yan, Miss Maureen—" "Maui na lang, Cheska. Ang haba na ng Maureen. Salamat pala sa ginawa mo." Tumigil ito sa pagtakbo, kaya naap

