•Maureen• Pagkatapos ang last contract ko sa pagmo-modelo sa Paris, ay kaagad akong umuwi sa Pilipinas. Na-miss ko si mommy at daddy dahil minsanan lang din naman silang bumisita sa akin dahil marami ring inaasikaso sa business namin. Ngunit kakarating ko pa lang sa site kung saan sila nakadestino ngayon ay inutusan naman ako nitong tawagin daw si Engineer Morse dahil may pag-uusapan silang importante. Nakasimangot kong tinungo ang kinaroroonan nito, mas lalong nasira ang araw ko nang makita ko si Lucil na malagkit ang tingin dito. "Engineer Morse," tawag ko rito. Kaagad naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Maipaglilingkod ko sa inyo, Miss Maureen?" pilyo niyang tanong. Inirapan ko muna siya bago tiningnan ang iba niyang mga kasamahan. "Pinapatawag ka ni daddy. May pag-uusapan d

