•Maureen• Napatingin ako sa papalubog na araw. Ang sarap sa mata ng kulay pink na humahalo sa bughaw na kulay ng langit. Nasa dalampasigan ako ngayon, dahil gusto kong makahinga ng preskong hangin. Wala akong balak na makipag-away kay Nathaniel para palabasin ako rito. Hindi rin naman ito nakikinig sa akin, at sa sobrang taas ng gate ay wala ring tsansa na makatakas ako rito. Simula nang umalis ako sa Pilipinas at pumunta sa Paris ay ngayon na lang ulit ako nakapanuod ng sunset. Bukod sa busy ako sa pag-aaral, ay ayaw ko rin na manuod nito. Nakakapanghina ang kulay ng mga ulap, tila ba nag-iisa ka at walang karamay. "Ahh!" Napatili ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa aking likuran. Ramdam ko ang mainit na hininga nito na bumubuga sa aking pisngi. "Bitiwan mo ako, Nathaniel."

