•Maureen• Napatingin ako kay Nathaniel nang hinapit nito ang aking bewang at binalik ako sa pagkakaupo. Pababa na sana ako ng sasakyan nang pinigilan ako nito. "Anong kailangan mo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Pinaglandas nito ang kanyang hintuturo sa kanyang mapupulang labi, bago tumingin sa aking mga mata. "Where's my kissed?" tanong nito nang hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan. "Halikan kita sa lips, nerd. Gusto mo?" Ipinag-cross ko ang aking dalawang kamay at tiningnan siya nang maigi. Tinaasan ko pa siya ng kilay nang hindi man lang ito nagpatinag at hinila pa ang aking kamay at katawan para mas mapalapit sa kanya. "Adik ka na sa halik, Nathaniel!" naiinis kung turan. Tumawa naman ito at kinurot ang aking pisngi. Tinanggal ko ang kamay nito nang maramdaman ko ang sakit

