•Nathaniel• Mabilis lumipas ang mga araw sabi nga ng iba hell week ngayon dahil sa sunod-sunod na projects at exam. Nakakasira ng utak, 'yung gusto mo na lang matulog dahil sa pagod, tsk. Matalino naman ako, tamad nga lang minsan hahaha. Mula sa kinauupuan kong sahig kaagad akong tumayo nang makita si Maureen na nakatayo sa pintuan namin at tila ba may hinanap. "Nerd," tawag ko rito. Napangiti ito nang namataan niya ako. "Anong ginagawa niyo rito? Wala ka bang projects na gagawin?" Umiling ito at may ibinigay na lunchbox. Inabot ko naman kaagad iyon at hinila ang kamay niya papalapit sa akin. "Nate, may mga taong nakatingin sa atin," usal nito sa nahihiyang tono. Kinurot ko ang pisngi niya at dinampian ng halik ang kanyang pisngi. "Wala akong pakialam sa kanila. Mahal naman kita, eh—

