•Nathaniel• "Nate," tawag sa akin ni Maureen at mabilis na tumabi sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Umiyak ka ba? Bakit namumula iyang mga mata mo?" Ngumiti ako sa kanya para pakalmahin ito. Hindi naman niya kailangan pang mag-alala dahil nakuha ko na naman ulit ang tiwala ng ama niya. "Tito, tita, uuwi na po ako at baka hinahanap na ako ni nanay. Gabi na rin po kasi baka nag-aalala na ito." Tumango naman sila bago tumingin kay Maureen na hanggang ngayon ay puno pa rin pagkalito ng kanyang mukha. "Salamat sa pagpunta, hijo. Maui, ihatid mo na si Nathan para makauwi na siya," saad ni tita. Hinila naman nito ang asawa palayo sa amin at pumasok na sa loob. Hinawakan ko ang kamay ni Maureen at maglalakad na sana palabas nang hinila niya iyon pabalik na nagpatigil sa akin sa paglalaka

