•Nathaniel• Lumapit ako kay Maureen na nakaupo sa may lilim ng punong kahoy. Nakayuko ang ulo nito sa kanyang tuhod at pataas-baba ang kanyang balikat, halata ang kanyang pag-iyak. "Nerd, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong ko sa kanya. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa kanyang mukha, kaya hindi ko maibigay ang dala kong burger. "Babawi tayo sa susunod, nerd. Huwag ka nang umiyak." Hinaplos ko ang likod nito para gumaan ang kanyang pakiramdam. Tumingala naman ito sa akin sabay tingin sa aking mga mata. Kumikislap ang bawat gilid no'n dahil sa luhang namumuo. "Ngayon lang ako bumagsak sa ganoong ranko, Nate. May mali ba akong ginawa?" Ang bilugan nitong mata ay nakatingin sa akin nang seryoso at naghihintay nang sagot. "Ginawa ko naman ang lahat. Palagi naman akong nagbabasa ng notes

