•Nathaniel• "Bago matulog mag-half bath ka muna, Maui, para payapa iyang nararamdaman mo," utos ko rito nang makapasok na kami sa kwarto. Tumango ito ngunit humiga rin naman sa kama niya. Walang balak na sundin ang ipinag-uutos ko. "Maui." Almost eleven nang dumating kami sa kanila kaya lahat nang tao maliban sa guard ay natutulog na. Hindi ko na rin ginising ang mga magulang niya at baka mag-alala ito kay Maureen at ipinagkatiwala na naman nila sa akin ito. "Dito ka na lang matulog, hmm?" paglalambing nito. Marahan ko itong hinila sapat lang para mapaupo siya, bago lumuhod sa kanyang harapan. "Nate, gisingin mo sila mommy sabihin mo dito ka na lang matulog!" Napailing ako sa sinabi nito bago hinubad ang sapatos niya. Malaki ang respeto ko kay Maureen at sa mga magulang niya, kaya kahi

