3

1346 Words
"Pang-ilang kasambahay na natin 'yon." Problemadong sambit ni Wyn. Walang nagtatagal sa amin dahil kung hindi man magkagusto sa aming lima ay nagiging kaaway ni Jez. Mayroon pang nangyari na nawala ang ilan sa mga gamit namin kaya naging mahigpit kami sa pagpili. "Maghanap na lang ng bago. Madali lang naman." Sambit ni Latrelle. "O, kayo naman ang maghanap. Palagi na lang ako." Sambit ni Jez habang inaayos ang bb cream niya. "Hindi ako. 'Yung panglimang kasambahay natin. Ako ang humanap non saka yung pang-anim." Sabi ni Marcus. Kaming dalawa ni Wyn ay tinignan nilang tatlo. Alam nilang hindi ako magaling sa pakikipag-usap kaya bakit ako naisama sa pagpipilian. "Marami akong kakilala." Sa dami ng tahimik na nagkakagusto kay Wyn ay hindi malabong makahanap siya ng matinong tao na matutulungan kami rito. Baka makahanap rin siya ng ispiritwal na taong katulad niya at baka isang araw pagmulat ko biglang pari ang gustuhin na karera ni Latrelle. "Wala akong kilalang pwede." Sagot ko saka pumunta sa kwarto ko ng nakapamulsa. Linggo ang nakalipas ay bakasyon na at wala pa rin silang mahanap na bago. Matatapos ko na rin ang series ng Hunger Games bago sila makahanap. Nagbeep ang cellphone ko habang abala ako sa pagpapakain ng aso ko. Himala at nagtext si Mama. Mama Umuwi ka sandali rito at dadalaw tayo sa puntod ng Tita mo. Sige po. -Sent Death anniversary nga pala ni Tita ngayong araw. Himala at inimbitahan nila ako para pumunta. Nu'ng nakaraang mga taon ay ni-hi manlang ay hindi nila ako sinabihan na magpunta. Hindi ko man na kasama ng matagal ang nanay ni Thylene pero nasaksihan ko kung gaano siyang kabait na tao. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit magaspang ang ugali ng kapatid ko. Naligo ako at mabilis na bumaba ng kwarto. Walang ibang tao kung hindi si Wyn na abalang nagwawalis ng loob ng bahay. "Aalis lang ako." Paalam ko sa kanya. Hindi siya nagtanong kaya diretso lang ako sa kotse hanggang sa pinaharurot ko na ito. Bumukas ang dambuhalang gate at bumungad sa akin ang babaeng nakabestidang puti. Nakangiti siya habang nakalagay ang parehas na kamay sa likuran niya. Nang bumaba ko ng kotse ay sandali niya akong hinalikan sa pisngi. Pumunta kami sa pool area. Pasimple akong sumilip sa loob kung nandon si Papa. Nagmamadali ang mga maids kaya sigurado akong nandon siya. Nasilip ko rin si Thylene na galing sa kanyang kwarto at nagpr-practice sa pagbati nito. "Thaddeus, ito ang unang beses na makakausap mo ulit ang tatay mo kaya kailangan maging masunurin ka sa mga gusto niya." Ngumiti ang kulay nude na labi ni Mama. "Sige." Matipid kong sagot saka tinalikuran siya. "Thaddeus…" nilingon ko siya dahil nag-iba ang tono ng boses nito. "You are here to prove yourself na ikaw ang karapat-dapat na tagapagmana. Tandaan mong kailangan mong magpaka-Manzriel para maging katanggap-tanggap sa pamilyang ito." Umuna siyang maglakad sa akin saka ako sumunod. "In just a few months Rosella will be here. Also, kailangan mong unahan si Thylene." Parang hindi ko na makilala si Mama sa kung paano siyang umakto at magsalita. Kumikislap ang diyamante niyang mga hikaw at kitang-kita ko ang sarili kong repleksyon. "Thylene, will be engaged soon. Pero gusto ko unahan mo siya. I have a gut na bilang lalaking anak. Ikaw ang unang choice para maging tagapagmana." Paliwanag ni Mama bago kami tuluyang humarap sa hapagkainan. Humigop ng kupita si Papa bago ako tignan. Ang dati niyang buhok na halos clean cut ay kumapal at pumuti rin ang ilan sa mga hibla nito. Ang relo niyang kulay pilak ay napalitan ng ginto. "Good noon, Pa." Pagbati ko ng sandali ko siyang tignan. Ngumiti siya. Siguro ay kahit papaano ay nabawasan ang galit niya sa akin. "Mabuti at nandito ka. Bukod sa Death Anniversary ng Tita mo ay may dapat kang malaman." Nagsalin siya ng Chandon Rose sa wine glass ko at gano'n din ang ginawa niya sa baso nina Mama saka Thylene. "Malapit na ang engagement party ni Thylene. This is the advance greeting for her." Masayang sambit ni Papa. Pinagtaasan ako ng kilay ni Thylene at nakangisi siyang tumingin sa akin. "Thank you Pa but before that kailangan muna natin alalahanin ang pagkapatay ng orihinal kong Ina. Hindi ba Tita Teresita?" Mas lalong lumawak ang ngisi niya sa labi. "Tama ka Thylene. Ang totoong nanay mo." Ngumiti ng pilit si Mama at gano'n din ako. Ininom niya ang wine at kumuyom sandali ang isa niyang kamay. Matapos kumain ay pumunta kami sa sementeryo. Naabutan namin ang ilang business partners ni Papa maging mga kaibigan ni Tita pero sa sulok ng mga mata ko isang babae ang nakita kong umiiyak sa hindi kalayuan. Nakatalikod siya sa pwesto namin kaya hindi ko maaninag ang mukha niya. "Here's my son, Thaddeus." Nakipagkamay ako sa lalaking nakapormal na uniporme. "Ito pala ang tagapagmana mo. Katulad na katulad ka ng tatay mo." Sabi niya. Inakbayan ako ni Papa. "Syempre anak ko ito." May kung anong kumirot sa puso ko. Saka lang naman niya ko nagiging anak kapag kaharap ang mga ka-trabaho niya. "Uhmm. Hi! Ako po si Thylene. Eldest and legitimate child ni Marshall Manzriel at ni Tanya Ersecio, ang orihinal na asawa ng tatay ko." Saad ni Thylene sa usapan at nilahad ang kamay niya sa lalaki. Kumunot ang noo ni Mama sa sinabi nito. Pero ngumiti na lamang ng pilit ng marinig iyon. "Nice meeting you, Ija. Hindi ko alam na may babae ka palang anak Marshall." Sambit ng lalaki at nag-iba ang timpla ng mukha ni Thylene. Tumalikod siya at iniwan kaming tatlo. Pumunta siya sa mga kaibigan niya at kinausap niya ang mga ito habang nakatingin sa akin. Matapos ang pakikipag-usap ay naisip kong pumunta sa pwesto kung saan nakita ko ang babaeng pamilyar sa akin. Mukhang may bagong libing dito at wala pang lapida. Luminga-linga ako sa paligid. Isang nagwawalis na matanda ang nilapitan ko. Nakaberde siyang jacket at nakaslacks na asul. "Manang, nakita niyo ba 'yung babae kanina na nandon kanina?" Tinanggal niya ang saklob niya saka tinaas ang tingin sa akin. "Nakaalis na, Utoy. May kasama siyang lalaki." Garalgal ang boses nito. Nagmadali ako sa pagtakbo. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jez na nakahawak sa braso nito. Naghuramentado ang puso ko. Siya na kaya 'yon? Matapos ang ilang taon ngayon ko lang ulit siya makikita. Muntik ko na silang maabutan kung hindi lang siya agad sumakay ng jeep. Nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya. Hindi kaya siya na 'yon? Binalikan ko ulit ang matandang nagwawalis. "Manang kilala niyo ba 'yung babae? Kahit manlang 'yung pangalan ng kamag-anak niya, o 'yung lalaking kasama niya kanina." Kumamot siya sa ulo saka nagpunas ng pawis gamit ang face towel na nakapatong sa balikat nito. "Pasensya ka na, Utoy. Taga-walis lamang ako saka ngayon ko lang nakita ang dalagang iyon pati ang kasama niya." Huminga ako ng malalim. Nagpatuloy sa pagwawalis ang matanda. Habang ako ay tumitig na lamang sa lugar kung saan ko nakita ang pamilyar na babae. "Hindi ka pa ba aalis? Mamaya ay hindi mo kakayanin ang init dito." Imbis na umimik sa sinabi niya ay iba ang sinabi ng dila ko. "Ano pong nangyari sa nakalibing doon?" Tinignan niya kung saan ako nakatingin—doon pa rin sa pwesto kung saan hinila kong si Kaoree ang nakatayo. "Bali-balita namatay sa sunog ang karamihan dun sa kabilang barangay. Nadamay pareho ang mga magulang niya. Kawawa nga at nag-iisa na lang sa buhay. 'Yun lang alam ko, Utoy. Nasagao ko lang sa chismis." Naiinis ako sa sarili ko—nu'ng panahon na kailangan ko siya ay nandito siya para sa akin pero nu'ng kailangan niya ko ay wala akong nagawa. Ilang taon kaming hindi nagkita. Ilang taon kong binaon sa limot ang tungkol sa kanya dahil nawalan na ko ng pag-asa na makita siya. Nang hinanap ko siya ilang taon ng nakakalipas habang nagbabakasyon ako ay nabalitaan kong nasa probinsya siya ng mga oras na iyon. Pero ngayon, hindi ko akalain na nandito siya at higit sa lahat hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD