4

1471 Words
Umuwi na ko sa bahay matapos ang sandaling pakikipag-usap sa mga kaibigan ng pamilya namin. Nando'n din ang pamilya ni Latrelle na abalang nakikipagtawanan kay Papa. Napagpasyahan kong maidlip sandali. Matapos nito ay kumuha ako ng tinapay sa itaas ng ref at pinalamanan iyon ng peanut butter. Bumalik ako sa kwarto saka naglagay ng headphones habang nagbabasa. Walang sound ang headphones ko kaya rinig ko pa rin ang ingay ng mga taong nasa ibaba. Magulo dahil sa paglalaro ng dalawang pinakabata sa amin. Mayamaya ay umilaw ang cellphone ko. Nakareceive ako ng text galing kay Wyn. Wyn May bisita tayo. Binaba ko ang cellphone ko sa side table. Hindi ako interesado kung sinuman 'yon. Naglagay ako ng unan sa mga hita ko upang pagpatungan ng libro. "Ikaw 'yung nakita ko sa lugawan!" Bulalas ni Latrelle. Kumunot ang noo ko. Masyado na silang maingay kumpara kanina kaya napagpasyahan kong bumaba para sawayin sila. Pagkababa ko ay tumambad sa akin ang babaeng gusto kong makitang muli matapos ng ilang taon. Ilang segundo bago niya ko napansin. Lumunok ako ng magtagpo ang mga mata namin. Lumakas ang kabog ng puso ko. Parang tumigil sandali ang paligid. Magulo ang buhok niya. Pugto ang mga mata. Isang bagay ang hindi nagbago sa kanya kung paano siya ngumiti. "T.H, si Kaoree bago nating kasambahay." Aniya Latrelle matapos na mapansin ako. Hindi ako makapagsalita ng ayos. Gusto ko siyang tanungin kung nakikilala niya ba ko pero may bagay na pumigil sa akin. Huminga ako ng malalim saka sumagot. "Ah. Sige" Bumaba ako ng tuluyan sa hagdanan at pumunta ng kusina. Uminom ako ng tubig para mawala ang kaba ko. Hawak-hawak ko ang dibdib ko. "Ano T.H? Mukhang aatakihin ka yata sa puso." Biro ni Latrelle matapos kumuha ng pitcher ng juice sa ref. "Aatakihin ako sa binabasa ko." Sagot kong matipid. "Ganda nu'n saka mukhang ayos kasama." Aniya saka naglagay kumuha ng dalawang baso. Kumunot ang noo ko. Tinitigan ko siya ng masama. "Bakit? Hindi ka nagagandahan?" Sandaling tumawa si Latrelle saka dinala ang tray ng juice sa sala. Tumaas ako ng kwarto upang tignan kung anong ginagawa ni Kaoree kasama sina Wyn at Jez. Mukhang nagtatawanan sila. Kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin at kumikislap ang mga mata niya kay Wyn. May binulong siya kay Jez na pinagkatuwaan nilang dalawa. Nang mahagip niya ang tingin ko ay sinamaan ko siya ng tingin. Nagsalubong ang kilay niya na para bang nagtataka. Kinagabihan ay sabay-sabay kaming kumain. Habang nagtatawanan sila sa pagkwe-kwento ng buhay ni Kaoree ay tahimik lang akong nakikinig. "Mahilig ka pala sa pandesal?" Tanong ni Wyn matapos i-kwento ni Kaoree ang talambuhay niya. Pero hindi niya binanggit kung bakit nga ba siya nandito. Base sa mga mata niya mukhang may problema siya at kung hindi ako nagkakamali siya ang babaeng nakita ko kanina. Malakas ang kutob ko. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na nandito na ulit ako. Gusto kong sabihin na hindi na siya malulungkot. Gusto ko siyang tanungin kung mga sulat at bulaklak ko bang binigay noon ay tinabi niya, o binasa manlang? Kinain niya ba ang mga tsokolate na pinapadala ko sa kanya kada linggo? Higit sa lahat gusto kong sabihin sa kanya na ako si Taddy, ang batang patpatin na kilala niya noon. Ang binatang humahanga sa kanya mula noon hanggang ngayon. Araw-araw ko siyang dadamayan katulad ng pagdamay niya sa akin noong panahon na kailangan ko ng totoong nagmamahal sa akin. Pero may bagay na nag-uudyok sa akin na hindi ko pwedeng pairalin ang puso ko. May bagay na kailangan kong unahin. "Oo! Paborito namin ng parents ko." Lumungkot ang mukha nito. Tinitigan ang pagkain saka tinago ang luhang nagbabadyang pumatak. "Sorry. Hindi ko na lang tatanungin ang nangyari." Hinagod ni Wyn ang likod niya. Halos mag-usok ang ilong ko. Patago kong kinuyom sa ilalim ng mesa ang kamao ko. Tinapos ko agad ang pagkain ko saka pumunta sa kwarto. Lumipas ang mga araw naging malapit si Kaoree sa aming lahat na kahit si Latrelle ay nagkaroon ng pagkukusa ng maglinis ng sarili niyang kwarto at naghuhugas ng pinggan na dati ay hindi niya naman ginagawa. Naging routine ko sa umaga ang paghatid kila Kaoree, Jez at Marcus kapag pareho ng oras ng klase ko sa klase nila. Madalas si Wyn ang sumusundo sa kanila sa hapon dahil abala ko sa academics at pagbabasa ng series. Kailangan kong libangin ang sarili ko sa ibang mga bagay para makapagpigil na makaamin sa kanya. Kailangan ko munang unti-untiin hanggang siya na mismo ang mahulog sa akin. Hahayaan ko muna siyang palihim na magkagusto kay Wyn dahil maging sila man—hindi rin sila magtatagal. Nakatingin ako ng malayo sa kanya habang pinagmamasdan siyang lumakad papunta sa kanyang classroom. Wala akong klase ngayon kaya gusto kong malaman kung anong ginagawa niya sa eskwela. Nakiusap ako sa guard tutal may kilala naman akong teacher sa campus na ito. "Hi, T.H! Anong ginagawa mo rito?" Nakangiti ang babaeng naka-apple cut ang buhok. Namumula ang pisngi niya. "Napadalaw ka." Sambit nito habang nakalagay ang parehas na kamay sa likuran. Nakatingin ako sa malayo—nakikipagtawanan si Kaoree sa dalawa kong kaibigan baka breaktime nila. Bumaling ako sa babaeng nasa harapan ko. "May tinignan lang." Sagot ko saka nilagay ang parehas kong kamay sa bulsa. "Tanda mo pa ba ko? Ako yung kaibigan ni Rosella. Nagbigay sayo ng panyo nu'ng final game niyo sa soccer. First year ka pa no'n." Pagkwento niya. Tinitigan ko siya. Tandang-tanda ko ang mukha at pangalan niya dahil alipores siya ni Rosella. Magkakabata silang dalawa. Kung hindi ako nagkakamali siya rin 'yung nagbigay sa akin ng confession letter matapos ng pagkapanalo namin sa basketball noon. Nagkataon lang na injured noon ang captain namin at kulang ang players kaya isa ako sa lumaro. "Tanda ko pa naman." Tumalikod ako saka lumakad papunta ng main gate. Tumigil ako sa paglakad ng hinigit niya ang T-shirt ko. Inayos niya ang hibla ng kanyang buhok saka nilagay sa tenga. "Baka hindi ka busy. Pwede bang kumain tayo? Bonding na rin natin tutal close kami ni Rosella dapat close rin tayo." Huminga ako ng malalim at tinignan ang oras. "Hectic schedule." Binilisan ko ang aking lakad. Naririndi ako sa boses niya. Alam ko ang gusto niya at wala akong balak na pumatol sa dalawang magkaibigan. Makakasira pa ko ng samahan. "I-add kita sa Picturegram!" Sigaw niya. Hindi ko siya nilingon. Sumakay ako ng kotse at nagpaharurot sa isang flower shop. Bumili ako ng lilies para kay Mama dahil paborito niya ang mga ito. Birthday niya ngayong araw kaya bumili rin ako ng cake. Kinagabihan ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta lang ako sa mansyon dahil birthday ni Mama. Nagpasabi na lang sila ng pagbati at sinabihan akong nando'n ang mga magulang nila ngayong araw. Kaya ayon daw ang proxy nila. Nagkatinginan kami ni Kaoree pero umiwas siyang tingin. Mukhang na i-intimate siya sa akin. Balang araw, hindi ka na matatakot tumingin sa akin. Hanap-hanapin mo ko kahit pati ang anino ko. Nang makarating ako sa mansyon ay lumapit sa akin si Mama saka hinalikan ako sa pisngi. "My son, Amiga." Wika nito sa isang babaeng perlas ang hikaw at nakaputing tube dress na may maliit na wallet na parang tela. "Napakagwapo ng anak mo. Manang-mana sayo." Aniya saka ako ngumiti. Inabot ko kay Mama ang mga dala nito saka siya tumawag ng isang serbidor upang kunin ito. Naghintay ako ng pasasalamat pero wala siyang inuntag kahit isang bulong. "Ang tagapagmana ko. Ang kaisa-isang lalaki kong anak." Pagmamalaki ni Papa saka ako niyakap. Ngumiti lang ako ng pilit saka tinanggap ang wine na inabot niya sa akin. Ininom ko iyon kasabay ng pait na nararamdaman ko. Maraming lumapit sa akin at tinanong kung may girlfriend ako. Pero bago ako makasagot ay inunahan ako ni Mama. Sinabi niyang may babaeng para sa akin at iyon ay si Rosella. Nagpaalam akong uuwi na ko ng nagsayawan ang mga bisita. Tahimik akong lumabas at naabutan ko si Thylene na nakakrus ang mga braso. Nakataas ang kilay niyang ginuhit ng napakalinis. "Ang lakas mong dumalo ng party pero hindi ka naman invited." "Nanay ko ang may party." Iiwan ko sana siya roon pero ang hilig niyang ngumawa. "Magpa-party ka pa kaya kung sabihin ko sayong malapit ng bumalik si Rosella?" "Ah. Ganon pala. Ikaw, nag-party ka rin ba nu'ng pina-call off ni Xavier ang engagement niyo?" Nagkasukatan kami ng tingin at dahan-dahan akong ngumisi. Lumapit ako sa kanya at bumulong. "Hindi mo kailangan makipagkumpitensya. Alam ko ang bawat kahinaan mo, Thylene." Naawa man ako sa kapatid ko pero walang timbang ang awa para lang matanggap ako ng pamilya ko at maipagmalaki. Mga bata palang kami naranasan niya ng maramdaman na maging anak. Ngayon ako naman. Sisiguraduhin kong ipagsisigawan ng mga magulang ko na anak nila ko at hindi lang ako isang bastardong anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD