"Cadmus Del Rosario?"
Nasa lobby ako ng hotel ng isang sikat na beach resort at nagchechek in ng marinig ko ang sobrang pamilyar na pangalang iyon. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ilang taon akong nangulila sa taong nagmamay ari ng pangalang iyon.
Mabilis akong lumingon sa pinanggalingan ng boses at napakunot ang nuo ng makita ang isang magandang dalaga na kausap ang naka tuxedong lalaki. My heart beats so fast to the point na pasimple ko iyong hinawakan. Parang lalabas na iyon sa rib cage ko!
Nakatalikod ang lalaking tinawag niyang Cadmus Del Rosario kaya hindi ko makilala iyon. I looked at the girl at nakita ang gulat na gulat niyang mukha, may halo iyong admirasyon kaya mas lalo akong nacurious.
"Excuse me?"
halos matumba ako sa kinatatayuan ng marinig ang baritonong boses ng lalaking iyon.
That's.....
Kilalang kilala ko ang boses na yon! Hindi ako pwedeng magkamali! Ilang hakbang lang ang layo nilang dalawa mula sa kinatatayuan ko. Gusto kong lumapit at iconfirm mismo ng mga mata ko kung tama ba ang aking hinala. Nanubig ang mga mata ko.
Impossible!
I thought he's dead already?!
Cadmus Del Rosario is dead! My boyfriend was reported dead 5 years ago!
Nanginginig ang buong katawan ko at tuluyang hinarap ang dalawa. Humakbang ako ng isang beses papalapit ngunit natigil din ng muling magsalita ang babae.
"Oh come on! It's me Diana? Wow! How can you afford this hotel? Sobrang mahal dito! And look at you! Sobrang laki ng pinagbago mo mas lalo ka atang gumwap—"
"Stop it, miss." pagpuputol niya sa sinasabi ng babae. Halos hindi na ako humihinga mula sa aking kinatatayuan. I am anticipating what's next.
Gusto kong lumapit pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Hinihintay ko padin ang sunod na sasabihin nila.
God!
My curiosity is killing me!
"I don't know what you're talking about." baritono at masungit ang boses nitong sambit. I shivered because of that. Nanindig ang balahibo ko sa batok dahil sa lamig ng buo niyang boses.
"Oh come on! I don't believe you. Nagkapera ka lang hindi mo na ako kilala!" naging mataray ang boses ng babaeng iyon.
Narinig ko ang nang uuyam at sobrang lalim na tawa ng lalaking nakatalikod sa akin.
"Miss, I'm on a hurry. Please leave me alone." masungit nitong tugon at maglalakad na sana palabas pero humarang ulit ang babaeng nagpakilalang Diana.
"Sinong sugar mommy ang pinatos mo Cadmus? To the point na naka afford ka sa ganito kamahal na hotel? Well, hindi na ako magtataka. Kapit sa patalim yarn?" nang uuyam na sambit ng babae.
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
Seriously?
Tama bang sabihin iyon? What an insecure person!
"Hindi ka talaga titigil? Yes, I'm Cadmus, Cadmus Montenegro. Hindi ko kilala ang taong sinasabi mo. At wala akong pinatos na sugar mommy because I own this f*****g place. So get lost, bitch."
madiin niyang sambit at bahagyang tinabig ang babae at nagpatuloy sa paglalakad palabas.
"Hah! Ang sama ng ugali yumaman lang! Hmp!" rinig ko pang singhal ng babae.
Natulala ako habang nakatanaw na lamang sa kaniyang likuran. Ng mabalik sa huwisyo ay mabilis akong tumakbo at sinundan siya papalabas.
"Cadmus!" sigaw ko ng nasa labas na ako ng hotel. Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo dahil ang lalaki ng biyas niya!
"CADMUS!"
kunot ang nuo siyang napalingon sa direksiyon ko, ilang hakbang lang sa kinatatayuan niya. Tuluyang tumulo ang masagana kong luha ng makitang ang kabuoan ng kaniyang mukha.
It's him..
Siya nga! Cadmus Del Rosario.. my boyfriend 5 years ago. Natigilan siya ng makita ako. Mabilis akong naglakad papalapit sa kaniya, I immediately cupped his face while my tears won't stop falling from my eyes.
"Cadmus.. Cadmus.. H-How? Y-You're alive!" umiiyak kong sambit at mahigpit siyang niyakap.
Natigilan ako ng mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong palapulsuhan at tinanggal iyon sa pagkakayakap sa kaniya.
" Who the f**k are you?" madiin niyang sambit at bakas sa gwapo niyang mukha ang iritasyon. Parang umurong ang luha ko at umayos ng tayo. Napaawang ang labi ko ng bahagya siyang umatras na parang nandidiri sa akin.
"B-Bakit.. hindi mo ako kilala? Anong nangyari sayo?" naguguluhan kong tanong. Inis siyang bumuntong hininga at nameywang.
"Look miss, ngayon lang kita nakita kagaya nung babae kanina sa lobby. I don't have any f*****g idea what's going on. Kung sinasabi mong ako si Cadmus Del Rosario, well you're mistaken because I'm not. Kaya pwede bang tigilan niyo ako? Nakakaistorbo na kayo."
sumigid ang sakit sa puso ko ng marinig iyon. Realization hits me so hard. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at nag iwas ng tingin.
"I-I'm sorry. Akala ko kasi, i-ikaw ang boyfriend ko. Y-You look exactly like him.." garalgal kong sambit. He looked at me with disgust in his face kaya nanliit ako sa aking kinatatayuan.
"Tsk."
sambit niya at tinalikuran ako. Bumuhos ulit ang luha ko at napasalampak sa buhanginan. I cried my heart out, pinagtitinginan ako ng mga taong dumadaan pero hindi ko sila pinansin.
Ng kumalma na ay dahan dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Huminga ako ng malalim at bumalik na sa lobby ng hotel habang mugto ang mga mata.
"Oh! Nandito na pala si ma'am!"
salubong sa akin ng babaeng nasa front desk kanina.
Muli kong binalik ang tingin sa labas ng hotel, umaasang makita siyang muli pero wala kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Here's your key card ma'am, room 214."
Nakangiti niyang saad at inilahad ang key card ng room ko.
"T-Thank y-you!" nauutal kong saad at laglag ang balikat na naglakad ako papunta ng elevator, nakalimutan ko pa ang maleta ko kaya dali dali ko iyong binalikan. Hindi na ako nag hire ng bell boy since isang maleta lang naman ang dala dala ko.
Tulala ako habang nasa loob ng elevator. Sobrang daming tanong ang naglalaro sa aking isipan. Gulong gulo ako. Muling nanumbalik ang mga alaala namin ni Cadmus sa aking isipan, kasabay nun ay ang muling pagbukas ng mga sugat sa aking puso.
They're identical. Kahit nga boses ay parehong pareho sila. Pero hindi arogante ang kilala kong Cadmus. Palangiti iyon at sobrang down to earth. My Cadmus would never make me cry.
Napagitla ako nang mag ring ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha sa aking bulsa at agad na sumilay ang ngiti sa aking mga labi ng makita kong sino ang tumatawag.
"Hey baby!" pilit kong pinapasaya ang boses dahil ayaw kong mahalata niya ang lungkot doon.
"Mommy, who makes you cry?"
nakagat ko ang ibabang labi ng mapansin niya pa rin iyon.
Oh god! Lahat na lang talaga napapansin ng anak ko na to. Parang gusto ko ulit umiyak.
"Baby, I thought I saw your d-daddy.." garalgal ang boses kong sambit.
"Mom, daddy is dead na po. Please don't cry. Hurry, because I want to see and hug you po.."
napahagulgol ako dahil sa sinabi ng aking anak.
Kung patay na siya, bakit magkamukhang magkamukha sila nung Cadmus Montenegro?
Even their voices are the same!
I can feel it. My heart can tell na iisang tao lang sila. I don't know what happened to him at hindi niya ako nakikilala. I will found out, soon. I'll try my best to know the truth. Para sa anak ko, para sa anak namin, gagawin ko ang lahat.