NATALIA'S POV
Kunot na kunot ang nuo ko habang binabasa ang address ng lugar kung saan ako inirefer ng kaibigan ko.
SITIO MAHAROT, BRGY. PUTOK
"Langya! Ano ba namang klaseng lugar to? Sino bang tanga ang nagpangalan sa lugar na to ang bantot!"
wala sa sarili kong bulalas. Kasalukuyan akong nakatayo dito sa ilalim ng punong acasia, nakikisilong dahil sobrang init ng panahon! Kakatext lang kasi ng kaibigan ko ang address at hindi ko alam kung saang banda iyon. Tatlong oras ang binyahe ko mula sa Maynila papunta sa islang ito tapos ang bigat bigat pa ng dala kong bag! Parang feeling ko nga malapit ng matanggal ang balikat ko eh.
Mahabaging lord!
May nakita akong tricycle na huminto hindi kalayuan sa akin kaya mabilis akong kumaripas ng takbo papalapit.
Magtatanong tanong na lang ako dahil hindi na nagreply ang kaibigan kong si Angela.
"Kuya! Kuya! Teka lang po!" sigaw ko at iwinagayway ko pa ang kaliwang braso, pinaandar na kasi ni kuyang driver ang tricycle niya at balak na atang umalis. Napatingin siya sa akin at pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko at parang nandiri pa sa suot ko.
"Anong kailangan mo ineng? Bilisan mo at may pasahero pa ako." kunot ang nuong tanong sa akin ni kuyang driver. Hinihingal akong tumigil sa kaniyang tabi at ipinakita ang address na nasa aking cellphone.
"Saang banda po ba ang lugar na ito?" habol ang hininga kong tanong. Sumilip siya sa cellphone at tumango tango.
"Wala akong makita ineng, mukha ko lang." saad nito at kumindat pa sa harap ng cellphone ko. Kinginang yan! Tumango tango pa siya kung wala palang nakikita! Mabilis kong itinodo ang brightness ng cellphone ko para may makita na si kuya.
"Ayan po, kuya. Malayo pa ba ang barangay na yan dito?" tanong ko.
"Ahhh! Alam ko yan. Kita mo yang kalsada na yan?" tanong niya at itinuro ang kalsadang nasa harapan namin.
"Opo, opo. Diyan lang po ba to?" nabubuhayan ang loob kong tanong. Nilingon ako ni kuyang driver at ngumiwi siya.
"Hindi ineng. Yang kalsada na yan, tapos kapag may nakita kang kalsada sa kaliwa, lumiko ka. Tapos kanan ka, tapos kanan ulit, tapos kaliwa ka tapos ayun! Welcome sa Sitio Maharot, brgy. Putok! Teka! Ang lapit ng mukha mo lumayo ka nga at baka magkapalit pa tayo ng mukha lugi ako neto!"
Napasimangot ako dahil hinawakan niya pa ang mukha ko at inilayo sa mukha niya. Siya pa talaga ang lugi?!
"Nahiya naman ako sa mukha niyo kuya! Ikaw pa talaga ang lugi eh no? Pero salamat.. ay diba bumabiyahe ka? Pwedeng pahatid nalang sa Sitio na yun?" Saad ko ng mapagtantong namamasada siya.
"Hindi ako pwede kasi may babalikan pa akong pasahero, ineng. Maghanap ka nalang ng ibang tricycle." sagot niya at pinatabi pa ako dahil lumiko na siya. Nakasimangot ako habang nakatayo sa gilid ng kalsada.
Bumalik ako sa pwesto ko kanina at muling sumilong doon, naghihintay ng tricycle na pwedeng maghatid sa lugar na iyon.
Tricycle ang pinaka main mode of transportation sa probinsiyang ito. Mabilis kong itinaas ang kamay ng may nakitang tricycle na dadaan sa pwesto ko.
"Saan ka ineng?" tanong ni manong sa akin ng huminto siya sa gilid.
"Sa Sitio Maharot, Brgy. Putok po manong. Magkano pamasahe papunta dun?" tanong ko at yumuko upang masilip siya.
"Naku medyo malayo pa iyon dito ma'am. Dalawang barangay pa ang dadaanan natin. Singkwenta po ang pamasahe." sagot niya kaya tumango tango ako.
"Sige po manong!" sambit ko at sumakay na sa tricycle. Nakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa nangangalay ang mga paa ko kakatayo!
"Ano bang gagawin mo sa lugar na yun ineng? Ang dami mo pang dala, titira ka ba doon?" kapagkuwan ay tanong ni manong sa akin.
Chismoso din pala ang isang to eh. Pero atleast hindi siya masungit kagaya nung isa hmp!
"Ahh opo heheh. May inoffer po kasing trabaho ang kaibigan ko sa isang public university eh." nakangiti kong sagot at pinagmasdan ang dinadaanan namin.
Ang init talaga ng panahon. Mabuti na lang at probinsiya itong pinuntahan ko kaya medyo mahangin.
"Magtuturo ka sa skwelahang iyon?" tanong niya ulit kaya tumango ako.
"Opo, manong. Magtuturo ako doon ng part time since hindi pa ako nakakapagtake ng board exam kaya part timer na muna." sagot ko naman habang nakatingin sa harapan.
"Ahh, doon nag aaral ang panganay kong anak ma'am eh heheh baka maging studyante niyo ang isang yun!" masayang sambit niya kaya napangiti ako.
Mabilis kong tiningnan ang cellphone ng mag ring iyon at nakitang si Angela ang tumatawag kaya agad kong sinagot.
nalukot ang mukha ko ng hindi siya masyadong marinig dahil sa ingay ng tricycle.
"Chat chat na lang tayo! Hindi kita naririnig ng mabuti, nasa tricycle na ako papunta sa mabantot niyong lugar!" medyo nilakasan ko ang aking boses para rinig na rinig niya. Naghintay ako sandali bago pinatay ang tawag at agad namang pumasok ang chats niya.
Mabuti nga at malakas ang signal sa islang ito eh. Hindi ako mabubuhay ng walang internet jusko po!
"Ma'am nandito na po tayo, kaninong bahay ba kita ihahatid? Medyo malawak kasi ang Sitio Maharot pero kilala ko po ang lahat ng may ari ng mga bahay dito." saad ni manong sa akin kaya nakahinga ako ng malalim.
"Nakuu manong! Hulog ka talaga ni mother earth sa akin! Sa bahay po ni Angela Cruz manong, kaibigan ko po siya eh." mabilis kong sagot at tiningnan si manong na tumango tango.
"Ahh, alam ko ang bahay ni ma'am Cruz hehe." sagot niya at agad na pinaandar muli ang kaniyang tricycle. Huminto kasi kami sa tapat mismo ng b****a ng barangay eh. Napapalakpak ako dahil sa sinabi ni manong.
"Maraming salamat po manong ah!" masigla kong sambit at nagbigay ng 100 peso bill. Lumabas ako ng tricycle at agad ipinalibot ang tingin.
"Manong saan po dito ang bahay ni Angela? Ito po ba?" taka kong tanong kay manong at itinuro ang simpleng bahay na nasa tapat ko.
"Ay hindi po ma'am! Sa mga Del Rosario po iyan. Yung katabi po." sagot niya naman at inilahad ang sukli ko.
"Ahh okay po, tip ko na po yan manong. Pasensya na kung maliit lang hindi pa kasi ako mayaman eh! Maraming salamat po sa paghatid ah?" nakangiti kong saad.
"Naku! Salamat po ma'am at walang anuman po." tinanguan ko si manong at pinanuod ang pag alis niya bago naglakad papunta sa tapat ng bahay ni Angela habang sinusubukang tawagan ang numero niya.
"Ahhhhh! Punyeta!"
napasigaw ako ng may biglang lumipad na plato mula sa tinuro kong bahay kanina. Muntik na akong matamaan sa mukha what the f**k! Napatingin ako doon habang napahawak sa aking dibdib na sobrang lakas ng kabog. Agad na tumaas ang leeg ko ng marinig ang iyak ng batang babae at sigawan ng mag asawa ata.
"Putangina! Lumayas kayo dito kung wala kayong maibigay na pera! Wala kang kwentang asawa!"
tumaas ang kilay ko ng marinig ang malakas at parang lasing na boses ng isang lalaki.
What the f**k?!
"Tama na Pablo! Aray!" daing naman ng babae. Napaharap ako ng tuluyan sa bahay nila at parang gusto ko ng pumasok ng marinig ang nasasaktang boses ng babae.
"Nasaan ang magaling mong anak na lalaki ha?! Ang putanginang yun sigurado akong may pera yun!"
napasinghap ako at muntik ng matumba ng may biglang tumulak sa akin papunta sa gilid.
"Aray!" bulalas ko at tiningnan ang taong tumulak sa akin. Nakita ko ang lalaking nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Magagalit na sana ako pero ng makita ang taranta niyang kilos ay agad na nagbago ang emosyon ko.
Maybe pamilya niya iyon.
"Huyy! Nat!"
napatingin ako sa tumawag sa akin at nakitang si Angela iyon. Nag aalangan akong naglakad papalapit sa kaniya habang ang mga mata ko ay nandoon padin sa katabing bahay.
Oh my god! I hope they're okay, lalo na ang nanay. It seems like sinasaktan siya eh tapos mukhang lasing pa ang boses ng lalaki. Hays..