bc

Beauty and the Demon

book_age16+
346
FOLLOW
1.2K
READ
dark
forbidden
pregnant
dominant
manipulative
powerful
twisted
bxg
mystery
evil
like
intro-logo
Blurb

Bloodstone Legacy #2

Every girl wishes to be a princess. To live in a palace, to have the luxury, wealth and tons of servants. Patrisha Azriella Bloodstone has it all, as the vampire princess. She has everything... except of something. She craves for love. Love and attention that she didn't feel from her parents. And as well as the freedom.

At habang hinahanap ang mga bagay na iyon ay malalayo siya sa mga bagay na meron siya. She will be at the place where the secrets from the past will began to unfold. And she will meet a ruthless and merciless unknown creature that will have a big role in her life. Will she able to achieve the things that she crave for?

And how possible it is if the attention of the most dangerous creature is on her?

chap-preview
Free preview
Simula
Love Love is really mysterious. Ang bawat isa ay may kaniya-kaniyang paliwanag sa bagay na ito. Everyone has different perspective about it that sometimes, they clash. Ganoon talaga sa mundo, hindi mawawala ang mga tao o nilalang na hindi open sa paniniwala ng iba. But love is really amazing and devastatingly beautiful. Napapaisip ako kung paano nasasabi nang marami na ito ang pinakamakapangyarihan sa lahat. Napapaisip ako kung bakit sa tuwing makaririnig ng salitang 'love', puso agad ang papasok sa isip at ang kulay na pula. Bakit pula? Pula na kakulay ng dugo. Dahil ba minsan, ang pag-ibig ay dahilan ng pagdurugo ng damdamin? Dahil ba minsan, ang pag-ibig ay dahilan ng pagdanak ng dugo? At dahil ba minsan ang pag-ibig ay kondisyon kung saan handa kang mag-alay ng dugo na katumbas para sa nilalang na tulad ko ay buhay? At bakit ba puso? Puso ba ang nagbibigay ng palatandaan na ikaw ay nagmamahal? Puso ba ang nagdidikta ng nararamdaman? At paano kung walang puso ang nilalang? Ang ibig sabihin ba noon ay wala silang kakayahan na magmahal? Maraming tanong sa isipan ko na hindi ko alam ang sagot. At maraming tanong sa isipan ko na kapag nalaman ni Tatay ay tiyak na ikagagalit niya. I'm just really curious about it. At namamangha pa rin ako sa pag-ibig na meron sila ni Nanay sa isa't isa. Iyong pag-ibig na hindi natitibag at nasisira kahit maraming unos na ang dumating sa kanila. "Tulala ka na naman, prinsesa." Saad ni Kamila na abala sa pagsuklay sa buhok ko. Napanguso ako habang tinititigan ang sarili sa salamin. Ang maputla niyang balat ay masyadong matingkad laban sa itim na itim niyang buhok. Hindi gaya ng balat ko na bahagyang namumula lalo na sa bandang pisngi. "I'm just thinking about something," I answered and sighed. Maliit siyang ngumiti at marahan na sinikup ang halos kulay ginto na buhok ko. Nagsimula siya na itirintas ito. "Ano 'yon? Baka may maitulong po ako," marahan niyang sagot. Napangiti ako nang bahagya at muling bumuntong-hininga. Kamila is my personal maiden. Siya ang kasama ko sa maraming bagay. Siya ang nag-aayos ng mga isusuot ko na damit, ang paliliguan ko at iba ko pa na pangangailangan. She's a decade older than me. Ngunit halos hindi magkalayo ang agwat ng hitsura namin. Hindi siya mukhang lalampas na ang edad sa kalendaro. And it's not really surprising since she's a vampire. "Nagmahal ka na ba, Kamila?" tanong ko. Sa tagal ko siyang nakasama na nagsimula noong six years old ako ay hindi ko pa rin alam ang mga personal na bagay ukol sa kaniya. We are always talking about my boring day, about girly stuffs and nonsense things. And now, shock is evident on her face. Marahil sa pagtatanong ko sa kaniya ukol doon. Nawala ang pagkabigla sa mukha niya at maya-maya ay ngumiti. "Oo naman po, prinsesa. Hindi lamang iisang beses," aniya. Kumunot ang noo ko sa pagtatakha at hindi na ako nakuntento na tignan siya sa aming repleksyon. Nilingon ko siya at tinitigan mabuti. "Ha? Paano 'yon? Ang alam ko isang beses lang nagmamahal ang isang bampira? Iyon ay kung tunay ang naramdaman niya sa isang nilalang. Ano ang ibig mong sabihin?" sunod-sunod kong tanong. Bahagya siyang umiling at pinagsiklop ang kamay. Ang itim na itim niyang mga mata ay nakadirekta sa akin ngunit alam kong nasa ibang ibayo ang kaniyang isip. It's like she's reminiscing. "Prinsesa, tunay ngang wala ka pang gaanong alam sa mundo," panimula niya. Bahagya akong napasimangot ngunit hindi na umimik. Kasi tama naman siya. Tatay and Nanay almost caged me here inside the palace for they are afraid that I'll be lost like what happened to him. Minsan lamang ako nakalalabas dito at puro bantay pa. "Ang pagmamahal ay hindi lang naman para sa babae at lalake. Maraming uri ng pag-ibig. Katulad ng pagmamahal mo sa iyong ama, at sa iyong ina. 'Di ba?" She smiled tenderly reminding my Nanay's smile. Napanguso ako, "Kamila naman! Hindi naman kasi 'yon ang tinutukoy ko. I mean about the love that my parents have for each other," I eagerly said. She chuckled a bit and nodded. "Pinaliwanag ko lang naman, huwag kang mag-alala prinsesa. Ngunit upang sagutin ang tanong mo kanina, oo, nagmahal na ako. Kasama na roon ang ina ko at ama na magkasamang namayapa sa digmaan noon. At iyong tinutukoy mo na pagmamahal, naranasan ko na rin iyon," aniya. Nabahiran ng lungkot ang kaniyang mga mata. "Pero kasi, hindi lahat ng pagmamahal na nararamdaman mo ay masusuklian. Iyon ang batas ng buhay. Hindi lahat naayon sa gusto mo," saad niya at ngumiti. Mahina akong suminghap at nakadama ng lungkot. "Ang ibig sabihin niyo po.." hindi ko natuloy ang sasabihin dahil tumango na siya. Nakaramdam ako ng sakit at lungkot para sa kaniya. Hindi ko pa naranasan na magmahal nang ganoong uri pero habang nakikita ko ang bakas ng sakit sa kaniyang magandang mukha ay alam kong malalim ang sugat noon. "P-paano po 'yon? Paano nangyari 'yon Kamila? Bakit hindi? Did he rejected you? But if it's the case, then you should be weak now or worst, dead!" Nanlalaki ang mata ko at hindi makapaniwala. "That's only applied on some creatures. Like werewolves and vampires. Pero kapag iba ang minahal mo..." "Bakit po? Anong nilalang ang minahal niyo? Maaari po pala iyon? Werewolves and vampires are impossible but my Aunt Desteen happened, ngunit hindi madali ang lahat para sa kaniya. I know the difficulties she faced and until now... Pero ikaw Kamila, ano sa'yo?" There are many things running on my mind. Kaya pati ang pagbuo ng tamang tanong at mga salita ay naging mahirap sa akin. "I...I fell for...a forbidden creature," she whispered. Kumunot lalo ang noo ko. Forbidden creature? Is that even existing? And the world is that cruel to say that a particular creature is forbidden? Kailan pa naging mali at bawal ang mabuhay? "Ano? Anong nilalang Kamila?" tanong ko. Matagal kaming nagkatitigan ngunit sa huli ay umiling siya. "Kamila, please.. Don't start something on me and leave me hanging at the end," giit ko. Lumayo siya sa akin at bahagyang yumuko bilang paggalang. Nanlaki ang mata ko. "Kamila! No! Curiosity will kill me and give me fuckíng sleepless nights!" I shouted. Ngunit humalo na siya sa hangin at nang makita ko ang orasan ay panahon na niya para lumisan. "Azriella!" Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Nanay. In just a snap they are already inside my room. Sa tuwing sasapit ang alas sais ng gabi ay siyang paglisan ni Kamila. Iyon ang utos sa kaniya ni Nanay. Tapos na ang lahat ng responsibilidad niya sa akin at ako na lang mag-isa ang kikilos. "Nanay!" I called her. Tumayo ako para salubungin siya nang sabik na yakap. Nasa tabi niya si Tatay. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. Nothing changed. They are still beautiful and young as what they look like years ago. Si Tatay ay masyadong perpekto sa aking paningin. And Nanay too, she's so beautiful. At ang malaman na hindi iyon ang kaniyang tunay na 'itsura ay nagpapamangha sa akin. Dahil sabi ni Tatay, kay Nanay ko namana ang ginto ko na buhok at halos ng meron ako ngayon. She's just under a lifetime spell. Pero kahit ano pa man, I can say that they are the epitome of perfection. I pouted when I realized that Nanay is glaring on me. Yumakap ako kay Tatay at naglambitin sa kaniyang leeg. Even I'm already eighteen, I still act like this in front of them. Because I didn't enjoy my childhood around them. "I heard what you'd said," Nanay said. Napanguso ako lalo. Kahit mahinahon ang kaniyang boses alam kong galit siya sa 'kin. "Tatay, oh.." I used my sweetest voice, "si Nanay po inaaway ako." Pinapungay ko pa ang mata habang nakatingala kay Tatay at nakalambitin pa rin sa kaniya. He chuckled and kissed me on my forehead. "Wife, calm down." "Ayan ka na naman, Austin! You always spoil her! Narinig ko 'yon kanina. She said the word 'f'," pinanlakihan pa ako ng mata ni Nanay. Sinubsob ko ang mukha sa dibdib ni Tatay. "I'm scared, Tatay." "Baby princess, I told you that never cuss like what your Aunt does," he said gently. Niyakap ko naman siya sa bewang saka inihilig ang pisngi sa kaniyang dibdib. Tinignan ko si Nanay na nakangiti habang nakatitig sa amin ngunit napalis nang magkatitigan kami. Pinandilatan pa niya ako ng mata. "And you know, hubby? Minsan maldita iyang si Patrisha! Naa-adapt niya kay Desteen o sadyang namana niya na 'yan biologically! Sabi ng mga kasambahay," she said. Tila nagsusumbong pa siya. Humagikhik ako. "Biologically, I think. Minsan lang si Desteen dito," saad ni Tatay. "Hmmp, hindi man lang nagmana sa 'kin sa kabaitan ang bata na 'yan," saad ni Nanay. I heard Tatay laughed amusedly. Humiwalay ako kay Tatay at si Nanay naman ang niyakap. Halos magkasingtangkad na kami. Binaon ko ang mukha sa kaniyang leeg. I miss them, always. "Nanay.." I whispered. "Damn, wife. She shouldn't inherit your naughtiness," I heard Tatay said. "Aba't! Mabait ako. Anong naughtiness? Ni minsan hindi ako naging pilya at maharot!" Nanay denied. Tatay chuckled more. Niyakap ako ni Nanay pabalik and I thought I just melt. Paulit-ulit ko siyang hinalikan sa pisngi. "Oh, really wife? As far as I can remember you love to touch my..." "Austin nga!" "Don't mind your Tatay, Patrisha. Patay na patay 'yan sa akin pero binabaligtad lang niya ang katotohanan. Hmmp!" In a snap we are already on the dining table. Nagsimula kaming kumain. Marami kumain si Nanay. At siguro namana ko 'yon. Si Tatay ay hindi masyado kumakain. He prefer to drink a red wine. Napahinga ako nang malalim nang masulyapan ang bakanteng upuan sa tabi ni Nanay. Sa dalawang magkasunod na 'yon ay may pinggan at kubyertos pang mga nakalagay. Napatingin ako kay Nanay na nakangiti pati kay Tatay. I'm a little bit happy because she can smile like that even for today. I'm too tired to see her devastated. Nag-usap lamang kami ng kung anu-ano hanggang matapos. Umakyat din sila agad. Gusto na raw kasi magpahinga ni Nanay. Ilang sandali pa ako sa library at nagbasa-basa bago nagpasya na umakyat. I didn't use my ability upang makarating sa kwarto. I take time to walk upstair. Pinagmasdan ko ang mg nadadaanang mga litrato namin sa hallway. At sa ikaapat na palapag kung nasaan ang kwarto nila Nanay ay napatigil ako. Bumigat ang dibdib ko at maliliit ang hakbang hanggang sa tumigil sa harap ng pinto nila. I sighed when I'm able to hear their voices. My heart clenched as I heard her faint cry. "Dustin, baby. Bumalik ka na sa amin. I'm sorry...I'm sorry." Ang kaniyang hagulhol ay nagpahina sa aking sistema. Sumandal ako sa pinto at dahan-dahan na umupo. Behind her bright smile are those tears. Gabi-gabi ganito. Gabi-gabi siyang umiiyak sa pagkawala ng kakambal ko ilang taon na ang nakalipas at pagkawala ng bunso sana namin na hindi man lang napagbigyan na mabuhay. I gasped for air while my tears are clouding my vision. Napahawak ako sa dibdib sa sakit na nararamdaman. "Ssshh, hush baby. We will find him soon," Tatay tried to calm her. "Ang tagal na Austin! Ang tagal-tagal na. Bakit hindi pa rin natin siya mahanap? Nasaan na ba 'yong anak ko... Pagod na pagod na ako." "Don't lose hope, my love. Please my Queen. Stop crying, you need to sleep already," he whispered. Pinalis ko ang mga luha na walang tigil sa pag-alpas. At sa bawat gabi na ganito ay tahimik akong umiiyak. Wala akong kadamay kasi wala akong kaibigan. How would I have if I'm caged here? Sa sobrang takot yata nila na mawala rin ako ay kinulong nila ako sa loob ng palasyo. Hindi rin nila gusto na magkaroon ako ng mga kakilala sa labas. They'll get mad when they learn that I talk to someone outside. And it is suffocating.. Pero pilit kong iniintindi. Kasi ayoko na maging dahilan ng panibagong sakit nila. Ganoon ko sila kamahal. Na kahit hirap na hirap na ako, hindi ko sinasabi sa kanila. Na kahit nagluluksa pa rin ako sa pagkawala ng mga kapatid ko hindi ko na masabi sa kanila kasi panibagong problema lamang ako. I don't have friends and it feels like I lost my family. They forgot about me. I can't even open up with them because they are busy dealing with their own pain At ang nangyari kanina? It's just another happy and lucky moment of my life. Simula nang mawala ang kapatid ko, bilang lamang sa daliri sa kamay nangyayari ang ganoong pagkakataon. At ang iba pa ay kathang-isip ko na lamang. I'm still grateful to have the ability wherein I can enter my own imagination. Kasi sa tulong ng abilidad na 'yon nararanasan ko ang sumaya kahit kasinungalingan lamang. Bakit kasi wala akong kaibigan? Bakit hindi pwede? Paano naman ako na hirap na hirap na? Paano ako na sobrang bigat na ang damdamin? Kaya hindi na ako magtataka na kapag namatay ako, sila lamang ang nandiyan sa burol ko. "Ayoko na Austin, hindi ko na kaya! Miss na miss ko na ang anak ko. Dustin baby.." she cried. "Sssshh, don't worry wife. Makikita pa natin ang ating anak." Nanay, Tatay, may anak pa po kayo. Nay, Tay, anak niyo rin po ako. 'Di ba? Pero bakit tila nakalimutan niyo na? Bakit nakalimutan niyo na may anak pa kayo na natitira? Bakit sila lang? Bakit hindi ako kasali? Tumayo ako at pinalis ang lahat ng luha. They are my everything but I'm just something to their lives. But atleast I have a small part, kaysa naman nothing 'di ba? I tried to smile and nodded. Naglakad na ako patungo sa aking kwarto. I locked the door and walk towards the terrace. Binuksan ko ang pinto saka sumandal sa railing. Tiningala ko ang langit at napangiti sa dami ng bituin. At ang buwan ay siyang nakaagaw ng aking pansin. Well, I think I have a friend. "Can you be my friend, Moon? You're the one who's always there. Ikaw naman ang nakakakita ng lahat ng sakit at luha ko 'di ba? Can you be my friend? Please.." I murmured. Kung may makakita man sa akin ay alam kong pagkakamalan akong baliw. Sino ba namang nilalang ang kakausapin ang buwan? Napailing ako at napatawa sa sarili. Ngunit napawi iyon nang humampas ang marahan na hangin. It's warm and soothing. Napapikit ako at niyakap ang sarili. Pakiramdam ko tuloy ay may nakayakap sa akin. Tila hinahalikan ako ng hangin sa malambing na haplos noon. Pagmulat ko ay siyang pagtigil nito. Bumaba ang tingin ko sa railings kung nasaan ang isang tangkay ng rosas. It's dark red, so dark, that it is almost black. Napangiti ako at pinulot iyon. Napanguso ako at luminga. Lagi akong nakatatanggap nito sa tuwing gabi. Maybe I have a friend? Maybe he's just around and watching me. And maybe someone is around who really cares about me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Succubus Queen

read
27.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook