"Gabril!" Masayang tawag ko sa aking anak na ngayon ay tila may hinahanap. Agad siyang tumakbo nang makita ako saka yumakap at humalik sa akin. Inayos ko ang kaniyang bahagyang gusot na uniporme saka pinasadahan ang kaniyang buhok. "How's school, anak?" Tanong ko. "Fine, Momma." saad niya at muling luminga sa paligid. "May hinahanap ka?" Tanong ko. Tumango siya at napakamot sa pisngi. "I'm looking for Nana!" Aniya. Agad na kumunot ang aking noo at lumuhod sa kaniyang harapan. Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at tinitigan sa mata. "Who's Nana?" tanong ko. He smiled at me. "She's my lady friend. Lagi niya ako kausap kapag uwian na at wala ka pa o kaya Papa." Naalarma naman ako sa kaniyang sinabi. "She's a student here? A teacher?" Malumanay kong tanong. Agad siyang umiling.

