Master Nagising ako na yakap ang sarili. Marahas na dumadampi sa aking balat ang malamig na hangin. I shivered and tightened my hug. Ganoon pa rin, walang bakas ng liwanag sa kinalalagyan ko. Sumandal ako sa malamig na pader. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito ngunit mukhang hindi pa naman natatapos ang araw. Natigilan ako nang makarinig ng mahihinang kalabog. Sunod ay ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng dalawang lalake mula sa alagad ng tinatawag nilang Deliah na iyon. Pinanood ko silang lumapit sa aking kulungan at binuksan ito. Hinila ako patayo ng isa at walang pasabi na kinaladkad ako paalis. Wala silang imik dalawa habang naglalakad. Hindi na ako kumibo at nagpatianod na lamang. Nilakihan ang mga hakbang upang makasabay na at hindi makaladkad. Tinahak namin ang pamilyar

