New beginning Hindi na ako nakapagpaalam kay Siana at Simon. Matapos mabasa ang sulat sa akin ni Makheus ay halos ilang oras akong tulala at lumuha sa lugar na 'yon. But after that, I stood and planted on my heart and mind to be strong. Babalik si Makheus. At kailangan ko ng ayusin ang lahat. Hindi ko alam kung paano naging posible ngunit tila hinanda na ng kung sino, dahil inisip ko lamang ang silid ni Gabril ay napunta na ako roon mula sa kabilang mundo. At nadatnan ko ang aking anak na nakaupo sa sulok ng kwarto at mahinang humihikbi. Agad na kumirot ang puso ko at tinakbo ang aming distansya. Niyakap ko siya nang mahigpit at alam kong nagulat siya. "Momma? Are you real?" namamaos ang kaniyang boses. Inilayo ko nang bahagya ang sarili at nakita ang mukha niyang punong-puno ng luha. H

