Roses No one knows how many chances we can receive on this life. Kaya tumatak sa isip ko na sa tuwing makatatanggap noon ay hindi dapat sayangin. Lalo na kung panibagong buhay ang ibinigay sayo. Hindi na dapat ito hayaan na maging walang halaga. Make it to the fullest. Malaki ang paniniwala ko na muntik na 'yon ikatapos ng buhay ko. What that creature did is near on ending my life. Nagawa nilang pigilin ang paggamit ko ng aking kakayahan at pakiramdam ko ay alam nila na hindi ako basta-basta kaya ang ginamit sa akin na latigo ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay ko. Kung hindi dumating si Dmitri. Nakatatawa man isipin dahil mamamatay rin naman ako sa mga kaniyang kamay ay nagpapasalamat pa rin ako na iniligtas niya ako mula roon. Ibig sabihin ba noon ay namimili ako ng papatay sa a

