Nakatulog si Paige dahil sa sakit ng kanyang katawa. Nagising siya ng tumunog ang doorbell sa bahay ni Carol. Bumangon siya agad at binuhat ang anak saka pumasok sa loob ng banyo. Kitang kita ang takot sa kanyang mga mata. Yakap yakap ang anak habang nakatago sa loob ng banyo sa kwarto. Agad naman napinagbuksan ni Carol ang dumating. Si Martin. "Anong nangyari?" "Pasok ka muna." alok ni Carol. Nang makapasok si Martin ay dinala niya ito sa kwartong kinaroroonan ni Paige. Pagbukas nila ng pinto ay wala ang mag-ina. Biglang natakot si Carol. "Paige? Paige?" tawag niya ngunit walang sumasagot. Walang ibang pupuntahan ang mag-ina kundi sa loob lang ng banyo. Tinungo niya ito sa binuksan. Pagbukas niya ay nandun nga ang mag-ina. "Sabihin mo wala kami dito." sabi ni Paige kay Carol nang m

