Tunog ng pinto na pabagsak na isinara. Naalimpungatan si Paige dahil dun kaya bumangon siya para buksan ang lampshade na nasa tabi ng kanilang kama. Si Adam. Pakurapkurap na tinignan ni Paige ang orasan, alas tres na ng umaga. "Umaga na ah." wika niya kay Adam. Hindi lang ito umimik. Halatang lasing ito dahil pauga-uga siya habang tinatanggal ang kanyang pang-itaas. "Nakatulog ka na ba?" utal na tanong niya sa asawa. "Oo. Hindi na kita mahintay kanina eh kaya natulog na lang ako." sagot naman ng asawa habang patayo sa kama para alalayan siya. Pati pantalon ni Adam ay tinanggal na din niya. Lasing siya pero hindi sobra, kaya pa rin niya kontrolin ang kanyang sarili kahit na ramdam niya ang hilo sa katawan. "Bakit mo ako hindi hinintay?" "Sabi mo naman kanina huwag ka na namin ikaw hi

