Chapter 2

1317 Words
"Hello Miss, Pumasok na lang ako kahit na may nakalagay pa na CLOSE sign sa pinto,” wika ng isang lalaki kay Carol na ikinagulat niya. Nakalagay pa kasi ang signage na CLOSE sa pintuan ng resto. "Yes, what can i do for you? Alam mo pong hindi pa kami bukas bakit po pumasok na lang kayo, aber?" may pagsusupladang sagod ni Carol. Hindi kasi niya nagustuhan ang pagpasok na lang ng lalake. "Wow! Is that how you deal with your costumers? And FYI miss, hindi nakalock, what if magnanakaw na iyon?" may himig galit at pagtataka ang lalake sa inasal ng kaharap. May point nga naman siya. "Whatever! Ano nga pala ang kailangan natin?" biglang binaba ni Carol boses. "Martin sent me here to be the chef for this day," wika niya. "Aaaahh.. Ikaw pala 'yun. Okay just go straight to the kitchen and i will call my boss,” wika niya saka tinawag ang isa sa waitress nila. "Amy, paki-assist naman si Mr.?” Napatigil siya dahil hindi pa pala niya alam ang pangalan ng lalaki. "Ano nga pala pangalan mo?" baling niya sa lalake "Adam." "Okay. Amy, paki assist si Adam sa kitchen," pagpapatuloy niya. Agad na giniya ng staff nila si Adam sakitchen area at mabilis namang tinawag ni Carol si Paige sa kanyang opisina. Kumatok muna ito saka bahagyang binuksan ang pinto. "Paige nandiyan na 'yung Chef,” wika niya kay Paige na kasalukuyang nagchecheck ng inventory sa oras na 'yun. "Okay, i'll be there,” sagot naman niya at tumayo na sa kanyang kinauupuan.. Agad siyang dumiretso sa may kitchen area. Iginala niya ang kanyang mata to see kung sino ang ipinadala ni Martin. Agad niyang nakita ang medyo katangkaran rin na lalaki na nakatalikod sa bandang kinaroroonan niya. Inaayos nito ang suot na toque, ang chef hat. Agad lumapit si Paige dito. Dahil sa busy sa pag-aayos sa suot ay 'di namalayan ng lalaki ang paglapit niya. "Ilang minuto ba ang kailangan natin para ayusin ang sarili?" nakahalukipkip na wika niya. Agad na napaharap si Adam pagkarinig ng sinabi ni Paige. Ngumisi muna ito saka nagsalita. "Doesn't take five minutes," may himig sarkastikong sagot niya. "By the way i'm Adam, if i'm not wrong you’re the manager here?" dagdag niya. "Yes. Please kung tapos ka na sa pag-aayos sa uniform mo, may we start na sa work?" patuloy niya. "And Carol, open up now and instruct all the staff to go to their own designated post," baling niya kay Carol "Okay,” sagot naman ng isa. Bumaling ulit siya kay Adam. Ngumiti dito na parang sinasabi na sumunod na din siya. "Yes ma'am!" mabilis na wika ni Adam na parang nabasa ang ibig sabhin ng tangin na iyon ni Paige at bahagyang sumaludo pa. "By the way i'm Paige and your name?" "Just call me Adam Ma'am," ngiting wika niya. Sa isip ni Paige ay may pagkasarkastiko at mayabang ang lalake ngunit may itsura. Maganda ang mata saka kung ngumiti ay lumalabas ang dimple sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. Kahit na ayaw na ayaw niya sa may bigote ngunit sa lalaking ito ay bagay. "Okay Adam, alam kong alam mo na ang mga dapat mong gawin dito sa kusina. Hindi na kailangan pang ibrief kita sa mga kailangan mong gawin. Ang gusto ko lang sabihin ay, treat this kitchen as your own." "Okay boss, i will. So pa'no yan, i have to start na." "Okay. Hope you work hard,” ani ni Paige tsaka ngumiti at tumalikod na. Sa pagngiting iyon ng babaeng kaharap ni Adam ay bigla siyang nabuhayan ng loob. Infairness maganda ang manager nila at ang ngiti niya ay sobrang tamis. Kahit na may pagkasuplada ata niya ay natatanggal iyong ng ngiti niya.Napapangiting Inayos niya ulit ang toque niya saka siya nagsimulang magtrabaho. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating unang pagkain na iluluto niya. Dahil sa bihasa na din naman siya sa lutuan at marami na din siyang experiences dito ay wala siyang naging problema. Kahit mini restaurant lang itong pinaglulutuan niya ngayon ay marami din pala silang costumer. Nagseserve sila ng lunch and dinner. Pagdating ng Lunch ay mas naging busy na siya. Wala siyang tigil sa pagluluto at tumatagaktak ang mga pawis niya na paminsan-minsan ay pinupunasan niya ng towel. Nang matapos ang oras na busy siya ay bahagyang umupo siya para magpahinga. Tinanggal niya ang hat sa ulo niya at ginawang pamaypay. "Hooo! Hindi pala biro ang maging cook dito. Marami din pala silang mga costumer, not like 'dun kay Martin," wika niya sa sarili niya habang nagpapaypay. Natigil siya sa ganung sitwasyon nang biglang bumukas ang pinto ng kusina. "How's work going?" tanong niya nang makalapit siya kay Adam na kasalukuyang nakaupo sa may silya sa gilid ng kusina na pinapaypayan ang sarili. Halatang pagod ito at pinagpawisan sa init ng apoy sa kalan. Magpaganun pa man ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan nito kahit na exhausted na siya. "Well, it's okay. Hindi ko inakalang ang dami pala ninyong costumer,” sagot niya at bahagyang itinigil ang pagpaypay sa sarili. "Lunch talaga ang busy hour namin dito kasi malapit kami sa mga nag-oopisina. Had your lunch?" biglang tanong ni Paige. Nagulat siya kung bakit niya natanong 'yun dahil hindi niya gawaing kumain kasama ang mga staff niya kung hind ito special occasion. Bawiin sana niya ngunit nasabi na niya. "Hindi pa nga eh. Ikaw?" "Not yet. Gusto mo kumain muna tayo?" "Sige ba! Ako magluluto ng food natin. Kahit na ako ang tagaluto nagugutom din pala ako," pabirong wika niya. "What's on your menu? Dapat yung hindi namin sine-serve dito ang lutuin mo, huh." "Aaaaah. You mean nagsasawa ka din sa mga pagkain ni'yo?" ngising biro ni Adam na animo'y nangangantyaw. "Hindi naman sa ganon.. Para maiba naman tutal bago ka dito, so dapat tikman ko din ang specialty mo." "Okay, then i will start na. I will call you Ma'am if i'm done," biro pa niya. "Sige. Dapat pumasa sa standards ko yang luto mo huh, para i-hire kita ulit next time." Agad na sinimilan ni Adam ang pagluluto. Paminsan-minsan ay may mga orders pa rin na dumadating kaso panaka-naka na lang. Pinagsasabay niya ang pagluluto sa orders at ang kakainin nila ni Paige. Samantala nakangiting lumabas naman itong si Paige sa kusina. Natutuwa siya sa bagong chef nila. Hindi niya maintindihan ngunit may something siyang nararamdaman kapag nakikita niya ang lalake. Nasa ganung itsura siya ng bigla siyang tawagin ni Carol. "Paige! Tumawag si sir Bob, pupunta daw siya dito mamayang hapon to check," wika niya. Si Bob ang may-ari ng restaurant. "What time daw?" "Hindi niya sinabi eh basta sinabi lang mamayang hapon daw." "Okay. Tell to the others para makapaghanda sila kapag dumating siya." Minsan ang may-ari ng restaurant ay strikto kaya naman ayaw na ayaw ni Paige na palaging may sita ito. Gusto niya kapag dumating siya ay maayos ang lahat. Kapag may nakita kasi itong 'di kaaya aya ay siya ang nasasabon nito. Hindi na pumasok si Paige sa kanyang opisina. Nilibot niya ang buong restaurant para icheck ang mga dapat na ayusin dito. May mga costumers pa rin sila kahit na panaka-naka na lang. Tapos na kasi ang lunch break ng mga nag-oopisina. "Carol!" tawag niya sa receptionist nila. "Please, make sure all the chairs are properly fixed and all the tissue holders have tissues on it. Yung isang mesa dun sa dulo kokonti na lang ang tissue do'n,” utos niya sabay turo sa mesang sinasabi niya. Biglang nagring ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Si Sander ang tumatawag. Pagkakita sa pangalan ng kinakasama ay naalala niya, Hindi pala niya natawagan kanina. 'Hello Sander, sorry hindi na kita natawagan. I'm a bit busy kasi dito." paliwanag niya. Nakasanayan kasi nilang dalawa to check on each other kapag breaktime or lunch time. "It's okay. Have you eaten?" tanong ni Sander sa kabilang linya. "Hindi pa nga eh, pero kakain na maya-maya ng konti. Ikaw kumain ka na?" "Heto, kakain pa lang. Medyo busy din kanina that's why now pa lang din kakain. Better eat na okay?" "Yes hon. Eatwell. Bye!” Paalam niya. Umiling-iling na pinatay niya ang cellphone. Bigla siyang naguilty kasi first time na hindi niya natawagan ang kinakasama sa oras ng tanghalian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD