"Hon, wake up. It's already six a.m. C’mon!" yugyog ni Paige kay Sander na nakahilata pa sa higaan niya. Nauna na siyang nagising at nakapagluto na din ng agahan nila.
Papasok ito sa trabaho kaya naman minamadali na niya itong pabangunin. Parang walang naririnig ang lalaki. Niyugyog niya ito ulit ngunit hindi man lang ito kumibo, kaya naman ay hinablot niya ang kumot na nakatalukbong dito.
"Alexander Castillio!" nakapamewang na tawag niya sa buong pangalan ng kinakasama.
Imbes na bumangon ay pikit matang iniabot ang kamay kay Paige na animo'y gustong pahila para bumangon.
"Eeeeehh.. Sander naman, eh," iritang tabig nito sa kamay ng lalaki.
Hindi ito dumilat. Nakataas pa rin ang kamay niya na parang walang narinig.
No choice si Paige kunti ang abutin iyon para hilahin. Ngunit pag hawak niya at akmang hihilahin na sana niya patayo si Sander ay bigla siyang hinila nito. Napasubsob siya sa ibabaw nito.
"Aaaaay!! Ano ka ba!" sigaw niya.
Nadapa siya sa ibabaw ni Sander.
"Good morning!" ngising wika ni Sander, tsaka ito pumaibabaw. Isang halik sa labi ang ibinigay niya dito.
"Ano ka ba! Ang dami mo pang gimik, huh. Male-late ka na po kaya mister."
"Malate man ako, wala namang sasabon sa akin, eh,” sagot naman niya.
"Aaaah ganun! Kaya sinasadya mo talagang magpalate dahil walang nagsusungit sayo?" sabay kurot niya sa tagiliran ng lalaki.
"Of course! Kaya give me ten more minutes,” wika niya saka sinimulang pupugin si Paige ng halik sa leeg.
"Pilyo ka talaga,” ngising sagot niya tsaka niyakap.
Dalawang taon na silang nagsasama pero hindi pa rin nawawala ang sweetness nila sa isa't isa. Kumbaga sa kuryente ay malakas pa rin ang spark sa pagitan nila.
Nagtatrabaho bilang isang manager sa isang restaurant si Paige samantalang isang Abogado naman sa isang sikat na law firm si Alexander na mas kilala sa tawag na Sander.
Maraming nagsasabi na perfect match silang dalawa. Hindi man sila 'yung tipong perpekto ang pagsasama ngunit nareresolba nila ang bawat 'di nila pagkakaintindihan na 'di nagtatagal.
Gwapo itong si Sander, matipuno at higit sa lahat mabait. Magpaganon pa man ay hindi niya kahit minsan niloko si Paige.
Tunog ng telepono ang nakapagpatila sa paglalampungan ng dalawa.
"Teka, teka. Sasagutin ko lang baka yung kliyente namin yan,” ani Paige. Cellphone niya ang kasalukuyang nagriring.
Agad namang binitawan ito ni Sander. Humilata ulit at pinagmasdan siyang tumayo sa kama.
"You better get up now, malelate na tayo,” bulong ni Paige bago sagutin ang phone.
Kinindatan lang siya ng lalaki sabay bangon na.
"Yes hello?" sagot ni Paige sa cellphone.
"Paige, we have an emergency here in the restaurant and you are badly needed!” natatarantang sambit ng nasa kabilang linya.
"Why? What happened, Carol?" tanong niya.
"Ang chef natin hindi daw muna makakapasok ngayon may emergency daw."
"Ano? So pano na yan?"
"Yun nga po ang problema ngayon eh."
"Bakit ngayon lang niya sinabi? My gosh!"
"Sorry."
"Okay, i'll see what i can do. I'll be there soon,” wika niya tsaka binaba ang cellphone.
Bumuntong hininga siya saka mabilis na bumaba sa kusina.
"Hon, I'll be going to work after a quick breakfast, may emergency daw,” aniya kay Sander, na nagbubuhos ng kape sa mug.
"Bakit daw?"
"Yung chef namin may emergency daw."
"Okay, then we have breakfast first before you go."
Nakahanda na sa mesa kanina ang mga pagkain kaya naman sabay na silang umupo at magkasalong nag-agahan. Hinding hindi kasi pwedeng lumabas ang isa sa kanila na 'di sila kumakain ng sabay.
Nakasanayan na nilang dalawa iyon at parang naging rules na nilang dalawa.
"Honey, i'm going. Please pakilagay na lang sa lababo ang mga ginamit natin and i will wash them later. Sorry, mau-unahan kita sa paglabas, huh?"
"No problem. Just go and see you later in the evening. I love you."
"Yes. I love you too."
Mabilis na tinungo ni Paige ang pinto ngunit 'di pa nakakalabas ay bumalik siya. Niyakap si Sander saka hinalikan sa labi.
“I thought you forgot,” ngising sabi ni Sander.
"Of course not!” ngiti niya tsaka ginawaran ng halik ang lalaki. "I'm going!" At umalis na nga.
Nangingising pinagmasdan ni Sander si Paige habang paalis ito. Kahit na simpleng simple ang kinakasama ay hindi maikakailang maganda siya kaya naman ay araw-araw din siyang lalong naiinlove dito.
Hindi perpekto si Paige pero para sa kanya ay siya na ang perfect wife. Maalaga at maasikaso, mahal siya at higit sa lahat ay napapasaya siya.
Mabilis na hinigop ang natitirang kape sa kanyang mug saka isa-isang niligpit sa lababo ang kanilang pinagkainan. Kailangan na din niyang pumasok sa opisina niya..
Habang nasa daan si Paige ay busy din siya sa kanyang cellphone. Sinusubukan niyang kontakin ang kaibigan niya kung maipapahiram niya ang isa sa mga chef niya.
"Hello Martin, can i have a favor?" ani sa kaibigan. Si martin ay kaibigan niya na nag mama-ari ng isa ding restaurant.
"What is it?"
"Can you, by any chance lend one of your chef? Sorry huh, nagka-emergency kasi sa restaurant eh walang aasahang magsosolve nun kundi ako. Kahit isa lang friend, kahit ngayong araw lang, please!" pakiusap niya sa kaibigan.
"Hay naku Paige! Why don't you ask the owner?"
"Naku naman! Siguradong sasabunin ako nun pag nagkataon. Sige na Martin, please?"
"Okay. Okay. I'll send one of my chef but ‘yung bago lang pero magaling naman siya."
"Oh my god! Thank you Martin. Hulog ka talaga ng langit!" masayang bulalas niya.
Laking pasasalamat niya dahil solve ang kanyang problema sa araw na iyon. Kung hindi ay siguradong masasabon siya ng boss niya.
Nagmamadaling pinark ni Paige ang kanyang sasakyan sa harap ng Bob's Resto kung saan siya ang Manager dito. Nagmamadaling pumasok.
"Good morning Paige!" bati sa kanya ng kanilang receptionist na si Carol na isa din niyang malapit na kaibigan, pagdating niya sa restaurant. Hindi pa sila nagbubukas sa mga oras na 'yun dahil maaga pa at hinihintay pa nila ang chef na papalit pansamantala sa kanilang cook.
"Ready niyo na ang mga kailangan, in any minute darating na yung bagong chef,” wika niya. "How come na hindi ninyo ako sinabihan about the emergency of Bryan?" sita niya sa receptionist nila. Si Bryan naman ang chef nila na umabsent sa araw na ito.
"Itinawag niya lang kanina kasi, namatay daw 'yung tatay niya kaya napauwi siya ng wala sa oras."
"Gosh! Sana nagsabi naman siya para hindi tayo nagkakaproblema ng ganito. Buti na lang mabait 'yung kaibigan ko and he lend one of his chef. In any minute nandito na siya, just call me sa office okay?"
"Okay. All things are ready na, siya na lang ang inaantay."
"Okay. Be at your post then," wika niya, tsaka dire-diretsong pumasok sa kanyang opisina. Ipinatong niya ang kanyang bag sa kanyang desk saka dinampot ang telepono.
"Hello Martin. Umalis na ba 'yung chef na sinasabi ko sa 'yo? Sorry for bothering huh, just want to confirm it,” tanong niya sa kaibigan sa kabilang linya.
"Yes! I guess he will be there by now. Next time kasi better hire two chefs para 'di ka nagkakaproblema ng ganyan," sermon pa ng kaibigan.
"That, i will talk to my boss. Minsan kasi hindi kami magkasundo ng boss ko eh kung ano ang gusto 'yun na lang kasi. Okay thank you Martin, again. Bye!"
Paalam niya sa kaibigan. Nakahinga siya ng malalim ng makumpirama na parating na ang inaasahan niya.
TBC