Selina POV Hanggang ngayon narito pa rin kami sa plaza. Masarap ang simoy ng hangin. "Selina, hindi ka, ba? Nilalamig?" tanong ni Mercy sa akin. "Medyo," tipid na sabi ko dito. "Tara na umuwi na tayo baka hinahanap ka na nang Nanay mo, " saad nito sa akin. "Patay? Nakalimutan ko tawagan si Nanay yari ako dito pag-uwi ko," bulong ko sa aking isipan. Mabuti na lang pina-alala sa akin ni Mercy. "Tara na, baka hinahanap na ako ng Nanay ko, hindi ko kasi ito natawagan," saad ko dito. "Sinasabi ko na ba, eh?" wika nito sa akin. Ngumiti lang ako sa babae. "Next time na lang tayo lumabas," saad ko dito. "Sure? Kapag may free time ako?" malambing nitong sabi sa akin. Muli kami sumakay sa sasakyan nito. Hindi lang malayo mula sa bahay namin. Mabuti na lang dito naisipan ni Mercy pumunta

