Marco POV Panay ang tawag ni Tita sa akin. Kung saan na raw ako. Nasa airport na kami hindi rin ako nagpasundo sa mga tauhan ko. Bukas na lang ako pupunta sa bahay ni Dion. Nangako kasi ako kapag uuwi ako galing Australia sya ang unang pupuntahan ko. Kasama ko sa team si Dion doon kami nagkakilala at naging kaibigan ko. May sarili rin akong bahay. Gusto ni Tita doon ako sa bahay nya tumira. Sya at si Tito na lang ang natira sa pamilya ko. Dahil ang mga magulang ko patay na at ganun rin ang magulang ni Frank. Agad ako sumakay ng sasakyan. Mabilis ang takbo nito patungo sa bahay ni Tita. Gusto ko magpahinga dahil pagod ako sa byahe. Dahil sa bilis ng takbo ng aking sasakyan mintik na naka banga ng tricycle. Hindi ako huminto tuloy-tuloy lang ako. Hanggang sa nakarating ako sa b

