Chapter 6

2807 Words
Selina POV "Saan kaya napunta ang cellphone ko. Hindi pwede mawala iyon dahil iyon lang ang meron ako," saad ko sa aking sarili. Naka ilang tawag na ako pero hindi nag ring ang cellphone ko. "Ano na, anak?" tanong ni Nanay sa akin. "Nay, ilang tawag na ako pero naka off lang ito?" malungkot kong turan. "Selina, alalahanin mo, kung saan mo nilagay ang cellphone mo. Baka naman naiwan mo sa bahay ni Miss. Sofia," untag nito sa akin. "Imposible kung doon ko naiwan. Eh dala ko lang ito pauwi dito?" sagot ko dito. Ayaw ko rin bumalik sa bahay ni Miss. Sofia. Umupo ako sa upuan plastic dahil pagod na ako naka tayo. Bigla ko, na-alala naglinis pala ako sa kwarto ng pamangkin ni Miss. Sofia, baka nga naiwan ko ito roon. Kailangan ko kunin ito sa bahay ng ginang dahil importante ito sa akin. May mahalagang bagay ako roon. Nagtungo mu na ako sa kusina upang uminon ng tubig. "O, nakita mo, na ba? Ang cellphone mo, Selina?" tanong muli ng aking ina. "Na-alala ko na, po. Naiwan ko pala sa kwarto ng pamangkin ni Miss. Sofia, noong naglilinis ako," pahayag ko dito. "O bakit hindi mo kunin doon. Sayang naman kung hindi mo kukunin wala naman iterasado sa ganun klaseng cellphone," wika ni Nanay sa akin. Tama naman ito walang sino man interesado dahil luma na ito. Hindi gaya ngayon malaki at touch screen pa. "Nay pupunta lang ako saglit sa bahay ni Miss. Sofia pagnakuha ko na ang cellphone ko babalik rin agad ako dito," wika ko sa aking Nanay. "Sige mag-ingat ka?" untag nito sa akin. Kumuha ako ng jocket ko. Pagkatapos lumabas na ako sa bahay. Muli ako sumakay sa tricycle patungo sa bahay ng Ginang. Kahit ayaw ko pinilit ko na lang ang sarili ko. Dahil malang mawawala sa akin kung hindi ko kukunin ang cellphone ko. Kahit luma na ito mahal ko pa rin dahil ito ang unang bigay ng aking ina. Kahit palitan pa ito ng bago hindi ako papayag. Maraming alala ang cellphone na ito sa akin. Tahimik lang ako sumakay. Panay rin ang tingin sa akin ng driver dahil sa suot ko pero wala akong pakialam dahil ang gusto ko lang maka rating sa bahay ni Miss. Sofia, yun lang. Sampung minuto lumipas nakarating rin ako sa bahay. Bago ako bumaba nagbayad muna ako sa lalaki. Lumapita ako sa gate. "Kuya, paki buksan naman ako may naiwan lang ako sa loob," pahayag ko dito. Agad naman nya ako pinagbuksan walang alinlangan pumasok ako sa loob ng bahay. May CCTV naman ang bawat sulot kung naghihinala sila sa akin makikita lang naman nila ako sa CCTV. Narinig ko nag-uusap ang mga katulong. Ngunit nilampasan ko lang sila. Kailangan ko maka usap si Miss. Spfia upang makuha ko na ang cellphone ko. Hindi ako pwede magtagal dito baka dumating na ang pamangkin nito. Maya-maya nakita ko na ito na may kausap sa cellphone. Hindi ko pa tinawag dahil tila seryoso ang usapan nila sa cellphone. Hindi nagtagal binaba na nito ang cellphone. Kaya lumapit ako sa ginang. "Miss. Sofia?" tawag ko sa pangalan nito. Lumingon naman ito sa gawi ko. "O, ikaw pala Selina anong kailangan mo sa akin?" tanong nito sa akin. "Ah? May nais lang po, ako kunin sa kwarto ng pamangkin mo?" pahayag ko dito. "Yun lang ba, kaya naparito ka?" muling saad nito. "Opo, may mga mahalagang bagay po, ako doon na nais tingnan," mahinang sabi ko dito. "Sige kunin mo, na," saad nito sa akin. "Salamat po, pangako pag nakita ko na ito aalis na apo ako," magalang na sabi ko dito. Ngumiti lang ito sa akin sabay upo. Umakyat na ako tamang-tama hindi pa pala naka uwi ang pamangkin nito. Ngunit habang patungo ako a kwarto bigla akong kinabahan. Bigla kasi na-alala ko ang panaginip ko. Pagbukas ko ng kwarto madilim ito. Iniwan namin naka bukas ang ilaw. Hindi kaya pumasok si Miss. Sofia upang tingnan kung maayos lang ito. Hinanap ng aking mata kung saan switch on ng ilaw. Dahil wala akong nakita. Pero bigla may bumahok sa akin patungo sa kama. "Sino ka? Magnanakaw ka?" seryosong sabi nito sabi sa akin. Takot ang bumalot sa aking sarili. Hindi nagtagal bumukas nag ilaw. Tumandad sa akin ang mukha ng isang lalaki. Tila galit na galit ito sa akin. Dahil sa klaseng anyo ng kanyang mukha. "Naku? Po, hindi ako magnanakaw nais ko lang kunin ang cellphone ko dito," mahina kong turan sa lalaki. "Nagsisinungaling ka, alam kong ganitong klase ng tao. Kung hindi ka magnanakaw bakit hindi ka kumatok sa labas ng pinto," muling sabi nito sa akin. Namangha ako sa gwapo nitong mukha. Makisig rin ito kaya hindi ko mapigilan matulala sa lalaking ito. Parang naka kita ako modelp sa harap ko. Marami ako nakita modelo sa magazine ganito klaseng katawan ang nakita ko. "Pwes kung ayaw mo, maniwala eh di' wag? Hindi naman kita pinipilit na maniwala sa akin," sagot ko dito. Dahil napupuno na ako sa mga sinasabi nito. Hindi pa ba, malinaw na kukunin ko lang dito ay cellphone ko. Kung magnanakaw ako matagal ko na ginawa yun,"mahabang salaysay ko dito. "Oras na mapatunayan ko magnanakaw ka tanggal ka na sa pamamahay na ito," saad nito sa akin. "Sige pero kapag napatunayan ko rin na inosente ako. Magsosory kansa akin," wika ko dito. Perp hindi sumagot ang lalaki. "Ayaw mo naman pala," sabi ko dito. "Dyan, ka na nga?" wika ko dito. Hindi nagtagal nakita ko na ang cellphone ko. Sinamaan ko lang ito ng tingin sabay sarado ng pinto. "Lokong sinabihan pa, ako magnanakaw?" saad ko sa aking sarili. "Selina, nakita mo na ba ang hinahanap mo?" tanong nito sa akin. "Opo, salamat po," ngiting sabi ko dito. "Mabuti naman kung ganun," tungon nito sa akin. "Sige po, kailangan ko na umuwi sa bahay," paalam ko dito. "Teka, may ibibigay ako sa' yo?" pigil nito sa akin. Hinintay ko mu na kung ano na naman ang ibibigay sa akin ng ginang. "Ito, kainin nyo, sa bahay nyo? Marami kami dito kaya sa inyo na ito," untag nito sa akin. Pagtingin ko dalawang kahon pizza. Tila mainit-init pa ang pizza na bigay nito sa akin. "Salamat po," muling sabi ko dito. Tuloy-tuloy lang ako lumabas ng bahay. "O, Miss. Selina bakit nagmamadali ka?" tanong nito sa akin. "Kailangan ko na po, umuwi baka pagnakita ako ng lokong iyon hindi nya ako pauwiin," sagot ko dito. "Sino ang tinutukoy mo?" muling tanong nito sa akin. "Ah, wala po, sige aalis na po ako?" wika ko dito. Hindi ko na hinintay sumagot ang lalaki. Bagkus umalis na lang ako sa harap nito baka magsumbong pa ito sa lalaki. Dali-dali ako pumara ng tricycle. Galit ang namutawi sa aking puso. Sa buong buhay ko ngayon lang ako tinawag na magnanakaw. At lintik na lalaking pa ito ang nagsabi sa akin. Hay mababaliw ako kapag na isip ko ang hinayupak na iyon. "Ma'am, nandito na po tayo," pukaw ng driver sa akin. Dahil sa pag-iisip ko hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa bahay namin. "Sorry, Kuya, ito pala bayad ko," saad ko sa lalaki. Napa iling na lang ito sa aking tinuran. Hanggang ngayon kasi mukha ng lalaki ang na-alala ko. Kaso ang sama naman ng ugali nya hindi taga ayos ito ng kuryete sa bahay ni Miss. Sofia o di ' kaya taga karga sya ng bigas. "Erase -Erase, bakit yun pa rin ang nasa isip ko," sabay gulo ng aking ulo. "Anak? Ano nangyari sa'yo," saad ng aking ina. "Ah? Wala po, Nay?" tanggi ko dito. Nahuli na nga ako pero nagdinay pa ako. "Ano pa, tinatayp-tayo mo, dyan bakit hindi ka pa, pumasok sa loob. Nga pala nakita mo na ang cellphone mo?" wika nito sa akin. "Opo, Nay?" sagot ko dito. "Nay? Bakit bihis na bihis ka, saan ang punta mo?" tanong ko dito. "Naku? Pumunta dito ang kaibigan ko sa kabilang kanto. Birthday daw ng anak nito kaya inimbitahan nya ako pumunta sa bahay nito!" seryosong sabi nito. "Sige po, mag-ingat kayo," turan ko dito. Kahit ganito si Nanay marami rin ito kaibigan. Minsan nga pumunta dito ang kaibigan ni Nanay magdala ng pagkain. Ako lang ang naiwan sa bahay pero ayos lang dahil sanay naman ako naiwan mag-isa dito. Pagpasok ko, tumunog naman ang cellphone ko. Nakita ko si Mercy ang tumawag kaya agad ko ito sinagot. "Hello?" bungad ko sa kabilang linya. "Hay? Selina, anong ginagawa mo ngayon?" tanong nito sa kabilang linya. "Wala nasa bahay lang ako,"tungon ko sa kabilang linya. "Alam mo, kaya ako napa tawag dahil boring ako sa bahay, nais lang kita isama sa labas. Kung papayag ka akin," pahayag nito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Kung hindi naman ako papayag naka magtampo ito sa akin. Kilala ko naman ang babaeng ito dahil kasama ko rin ito sa trabaho. Hindi ko rin naintindihan mayaman na nga sila pero pilit pa rin pinatrabaho sa hindi nito kumpanya. May sarili naman silang kumpanya perp bakit hindi sya roon magtrabaho. Sige, magbihis lang ako tawagan mo ako kapag sa labas ka na?" sang-ayon ko sa babae. ""Sige hintayin na lang kita sa labas hanggang sa matapos ka," tungon nito sa akin. Kung ako sa babaeng ito magpapakasal na lang sya sa lalaking gusto ng magulang nya. Baka doon nya makita ang forever nya. Ako nga hanggang ngayon wala pa rin ako jowa. Gusto ko bago ako mag-asawa makuha ko mu na ang pangarap ko. Karamihan kasi ngayon kapag wala kang maayos na trabaho hindi ka, nila rerespetuhin ng ibang tao. Nilagay ko sa taas ng kama ang cellphone mo para hindi na ako maghanap muli. Mahirap pa naman maghanap kung hindi mo natandaan kung saan mo nilagay. Nagsuot lang ako simpleng damit, hindi naman sa party ang punta namin kaya ayos lang kung naka t-shirt lang ako at pantalon. Pulbo at lipstick lang ang gamit ko. Kinuha ko ang maliit na shorter bag ko naglagay rin ako ng konting pers sa loob nito. Mahirap na kung mabusan ako baka maglakad ako pauwi sa bahay. Nang matapos ako lumabas na ako sinarado ko ng maayos, ang pinto ng kwarto namin. Nilagay ko rin sa gilid ang susi ng bahay. Huminto sa tabi ko ang sasakyan ni Mercy. "Selina, pasok ka na?" aya nito sa akin. Agad naman ako pumasok sa loob. Mamaya na lang ako tatawag kay Nanay kung nakarating na ako. Baka kasi istorbo ako kanila. "Mercy, saan ang punta natin bakit agad-agad," saad ko dito. "Paumanhin Selina. Paano ka si umalis si Papa at Mommy, kaya ako na lang ang naiwan sa loob ng bahay," untag nito sa akin. "Bakit? Hindi ka man lang sinama nila," wika ko dito. "Ayos lang dahil, malaya naman ako kahit saan ko gusto pumunta?" ngiting sabi nito. Akala ko, malaya ito umalis, pero hindi pala. Dahil ayaw na ayaw ng magulang nito umalis ng bahay. Okay na ngayon dahil wala naka sunod na bodyguard sa likod nito. Hindi gaya ko kahit saan ko gusto malaya ako. Minsan tinatanong pa ako ng aking ina kung bakit nasa loob lang ako nang bahay. Bakit hindi raw ako lumabas paminsan-minsa. "O, bakit? Bigla ka natahimik dyan?" pukaw ni Mercy sa akin. "Wala, sige ipagpatuloy mo lang magmaneho?" wika lo dito. Tumingin ako sa labas ng bintana. "Selina saan mo gusto pumunta?" tanong ni Mercy sa akin." "Hindi ko, alam kung saan wala naman ako alam magandang lugar sa paligid," sagot ko dito. "Okay, akong bahala, pumunta kung saan maraming lalaki," wika nito. "Ano? Sa maraming lalaki. Hindi ako sasama kung doon tayo pupunya Mercy dahil magagalit ang Nanay ko sa akin," sagot ko dito. "Joke lang, ano ka, ba? Ang nega mo naman," untag nito sa akin. "Ikaw ha, wag ko ako pagtripan kung ayaw mo ilaw lang ang pupunta?" banta ko dito. Ang gaga tumawa lang ito sa akin. "Sus ang sabihin mo, dalagang bukid ka. Parang hindi ka naman naka kita ng lalaki?" ngiting sabi nito sa akin. "Sige kapag hindi ka pa tatahimik dyan baba ako dito," muling wika ko. "Okay-Okay, sorry na?" paumanhin nito sa akin. Nakarating kami sa coffee shop. "Magkape muna tayo, Selina," aya nito sa akin. "Sige mukhang kailangan ko nang kape," sagot ko dito. Sabay kami bumaba ng sasakyan nito. Mahilig talaga manlibre ang babaeng ito kahit sa kumpanya ganun rin ito. "Welcome ma'am," saad ng guard sa amin. Ngumiti lang ako sa lalaki kahit panay ang pa cute nito sa amin. O di' kaya assuming lang ako. " Dito na lang tayo. Teka dito ka, lang order lang ako," anya nito sa akin. Tumango lang ako sa babae. Tumingin ako sa paligid magada ang lugar marami rin nagkakape dito. Tampukan ito ng maraming tao ang swerte naman nang may-ari ng coffee shop na ito. Hindi nagtagal dala ni Mercy ang order nito "Salamat,"saad ko dito. "Your welcome?" malambing nitong tono sa akin. Ang sabi nila masarap magkape dito pero ngayon lang ako naka punga dito. Humigop ako ng isang beses. Totoo nga ang sarap ng kape dito. "Ano masarap ba?" tanong nito sa akin. "Oo, super sarap nga, paanokaya nila nagawa ito," saad ko dito. "Ano, ka' ba? Sempre galing ibang bansa ang ingredients nila," sagot nito sa akin. "Kaya pala ganito ka, sarap ang kapeng ito. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naka inom kasing sarap nito?" untag ko sa kasama ko. "Ito ang paborito kong kape noon sa Moroccan pa ako," wika nito. "Wow? Talaga ang sabi nila maganda raw roon. Ako wala pa akong napuntahan ibang bansa," anya ko dito." "Bakit, kasi hindi mo, sinubukan umalis ng bansa. Alam mo ba, magada kapag marami kang nailibot na bansa," saad bito sa akin. Totoo naman ang sinabi nito pero hanggang Pilipinas lanh ata ako. Hindi naman pwedeng iwan ko si Nanay dito. Dahil matanda na ito at walang katuwang sa buhay. "Selina-Selina?" pukaw nito sa akin. "Ah, ano yun, Mercy," taranta kong sabi. "Huy? Saan ba, ang isip mo? Ako nga ang kasama mo, iba naman ang laman ng isip mo," pahayag nito sa akin. "Sorry, Mercy may inisip lang ako,pero hindi naman tungkol dito," paumanhin ko dito. "Lalaki yan, no? Naku, wag ka na magpa-uto sa mga yan. Alam mo, ba kapag nakuha ka na nila iiwan ka rin nila. Kaya kung ako sa' yo, mas okay na single ka na lang. Tulad ko walang problema sa love life. Masakit kasi sa bangs kung pati sila ini-isip natin," mahabang pahayag nito sa akin. "Ang dami mo naman sinabi. Sempre hindi mo na ako mag jowa dahil problema lang sila sa' yo. Sa umpisan lumilipad ang I love you. Pero kapag mag-asawa na kayo lumilipad na ang kaldero," prosta ko dito. "Big check, Selina!"seryoso nitong sabi sa akin. Ang dami talagang alam ang babaeng ito. Muli kong hinigop ang kape ko hanggang sa matapos ito. Maya-maya may nakita kami nag propose. Tumingin ako sa dalawang nagmamahalan. Tila ang saya-saya nila. "Walang forever," mahinang sabi ni Mercy. Kaya pinalo ko ito sa braso. "Hoy? Tumahimik ka, baka marinig ka nila?" saway ko dito. "Ano ba? Totoo naman, sa una pangingitiin ka. Pero kapag nagtagal na paiiyakin ka," muling sabi nito. "Tara na nga, sa labas baka maka hanap pa tayo ng gulo dito," aya ko kay Mercy. "Ano pa ang ginagawa mo, mag drive ka na," muling sabi ko dito. "Saglit hindi pa tapos dito," protesta nito sa akin. Inalalayan ko ito palabas ng coffee shop. "Selina bakit? Ba, tayo lumabas. Sayang naman ang kinain ko hindi ko naubos ito. "Sa ibang coffee shop tayo pupunta," nahinang sabi ko dito. "Tara sa ibang lugar tayo pupunta," aya ko dito. Walang nagawa si Mercy ng ipasok ko sa loob ng sasakyan nito. Huminto ang sasakyan sa plaza kung saan maraming taong naroon. "Bakit? Dito tayo akala ko,sa ibang lugar," protesta nito sa akin. "Dito mo na tayo," saad ko dito. "Sayang wala tayong dalang sapin. At hindi rin tayo naka bili ng pagkain," saad nito sa akin. "Naku? Ayos lang gusto ko lang magpahinga dito," wika ko. Maraming naka ang iba nahahalikan pa sila. Hindi naman sila nahiya ang daming tao dito. Paano na kung nakita ng mga mata sempre gayanin nila yun. "Hoy? Bakit bigla ka tulala nyan ano nangyari sa' yo,?" muling tanong nito sa akin. "Wala, may konting problema lang ako,"tanggi ko sa babae. "Selina tumingin ka sa bandang roon may naghahalikan. Ano kaya ang lasa nito bakit tila sarap na sarap sila maghalikan," saad naman ni Mercy sa akin. "Aba, ewan ko, hindi rin ako naka subok maghalikan no?" protesta ko dito. Tumawa lang si Mercy sa akin. "O, bakit tila ang saya-saya mo?" saad ko dito. "Hindi natatawa kasi ako sa itsura mo," untag nito sa akin. "Hoy? Tigilan mo ako, Mercy," anya ko dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD