Selina POV
Ang bait talaga ng matandang ito.
Bakit walang lalaking nagtangkang ligawan ito.
Kung ganda ang basehan maganda naman ito.
Pero bakit tila walang naglakas loob ligawan o pakasalan ito.
Pinagmasdan ko lang ito kumain.
Hanggang sa natapos ito.
"O bakit, bigla ka huminto sa pagkain marami pa," wika nito sa akin.
"Busog na po, ako nga pala Miss. Sofia ano po, bang klaseng kulay na gusto ng pamangkin nyo, ilagay natin sa kwarto nito," pahayag ko dito.
"Black ang gusto nyang kulay," saad nito sa akin.
"Naku? Bakit black, marami naman kulay maganda bakit yun pa, nakakatakoy kaya. Hindi kaya demonyo sya kaya yun ang gusto nyang kulay. Naku po, nakaka takot naman kung ganun?" bulong ko sa aking isipan.
"Selina may sinasabi ka ba?" muling anya nito sa akin.
"Naku? Wala po, tara na po tulungan na kita mag-ayos ng kwarto ng pamangkin mo," aya ko dito.
Hindi ko alam matalas ang pandinig nito kahit sa isipan lang naman nito kung ano ang sinasabi ko.
Tumayo ito at nagtungo sa sala.
Sumunod naman ako dito sa likod nito.
"Miss. Sofia, naayos ko na po, ang damit mo sa cabinet," sabat naman ni Nanay dito.
"Salamat, ito," sabay abot nito ng pera sa Nanay ko.
"Salamat po, " tungon nito sa ginang.
"Selina halika sa taas ituro ko lang sa' yo, ang kwarto ng pamangkin ko," wika nito sa akin.
Sumunod ako dito akala ko sa dati namin pinuntahan pero hindi pala iba pala yun.
Nasa dulo ang kwartong pinuntahan namin.
"Nandito na tayo," pukaw nito sa akin.
Binuksan nya ang kwarto at bumungad sa akin ang magulong kwarto.
"Ano, ba? Ito ilang taon na hindi nilinisan. Bakit ang dami naman alikabok," saad ko sa aking sarili.
"Dalawang taon na ito hindi nilinisan. Wala rin kasi gumagamit nito dahil nasa ibang bansa ang may-ari ng kwartong ito," pahayag nito sa akin.
"May makakasama ka naman naglinis dito, sa kwarto, Selina?" muling sabi nito sa akin.
"Sige po, kukuha muna ako ng walis," sagot ko dito.
Nagtungo ako sa baba upang kumuha ng walis.
Nadatnan ko ang katulong na may ginagawa.
"Miss. Saan dito ang mga walis nyo?" tanong ko dito.
"Anong gagawin mo, sa walis Miss. Selina?" balik na tanong nito sa akin.
"Maglilinis lang ako sa taas," tungon ko dito.
"Naku? Kami na lang doon, sa taas," pigil nitong sabi.
"Hindi tulungan mo na lang ako maglinis doon," wika ko dito.
"Sige," anya nito sa akin.
Sabay kami nagtungo sa taas.
Pagdating roon kinausap ko ito na tanggalin mu na ang kurtina.
Tinanggal ko rin ang lahat ng damit dito para mabilis kami maglinis.
Nagwalis ako, sa kapal ng alikabok kung apakan mo ang sahig maiwan ang bakas ng iyong mga paa.
"Naku? Sobra naman alikabok naman nito," wika ng kasama ko sa kwarto.
"Wag na lang tayo magreklamo tapusin na lang natin ang trabaho natin. Upang mabilis tayo matapos.
Lumipas ang mahabang oras sa wakas tapos na kami. Ang kulang na lang pintura sa pader.
Kapag napinturahan na ito maayos na ito.
"Miss, Selina. Paano ang sapin ng kama at unan," wika nito sa akin.
"Labahan natin muna bago natin ilagay sa lalagyan nito," wika ko sa babae.
"Nga pala Miss, Selina bakit pumayag ka sa trabahong ito. Hindi ka naman katulong dito kahit Nanay, mo taga laba lang sya ng damit ni Ma'am. Sofia?" wika nito sa akin.
"Ano ka ba, baka marinig ka ni Miss. Sofia, ayos lang sa akin. Malaki na ang natulong nya sa akin kaya tatanggi pa ba ako," saad ko dito.
"Sabagay, pero pwede ka naman pumasok bilang modelo sa magazine bakit dito ka pa nagtrabaho," muling sabi nito sa akin.
Napa iling na lang ako sa babae may pagkadaldal rin ito.
"O sya bilisan na natin dito paki tulungan na lang ako magdalawa sa baba pagkatalos ikaw na ang maglaba nito," pahayag ko dito.
Sabay kami lumabas ng kwarto hindi namin mu na sinara dahil papasok ulit kami upang pinturahan ito.
Nilapag lang namin ang dala namin sa labas dahil doon kasi sila naglalaba ng mga malalaking kumot at sapin ng unan.
Muli kami bumalik sa taas sinimulan namin magpintura ng kwarto.
"Miss, Selina hindi ka lang pala maganda marunong ka rin magpintura. Alam mo ang swerte ng lalaking mamahalin mo?" ngiting turan nito sa akin.
"Hindi naman siguro, sino naman magkakagusto sa akin eh ang hirap-hirap ko," tungon ko dito.
"Naku kapag sa probinsya ka namin pinag-aagawan ka, lalo na kapag dayo ka roon," wika nito sa akin.
"Grabe naman ang lugar nila bakit wala ba silang babae roon. O sadyang mapili lang sila sa mga babae," sagot ko dito.
"Pumanhin kung marami akong sinabi," mahina nitong turan sa akin.
"Ayos, lang hindi naman masama kung nadaldal ka.
Nga pala sino pala ang pangalan mo mukhang bago ka dito?" saad ko sa babae.
"Ako pala si Tia, taga Panggasinan," pakilala nito sa sarili.
Hindi ko na kailangan magpakilala sa babaeng ito dahil alam na nya ang pangalan ko. Siguro narinig nya kay Miss. Sofia ang pangalan ko kaya naki gaya rin ito.
Lahat kasi ng katulong dito kilala ko. Ito na lang ang hindi, may itsura naman angbabae.
Lumipas ang mahabang oras batapos rin kami sa aming gawain.
"Anong oras ba,dating ng pamangkin ni Miss. Sofia, bukas Tia?" tanong ko dito.
"Bandang umaga raw ang sabi ni Ma'am, Sofia?" tungon nito sa akin.
"Ganun ba? Tanungin mo, nga si Miss. Sofia kung may ibang kurtina ba ang kwartong ito. Panigurado hindi matutuyo ang dati nitong kurtina ," saad ko sa babae.
"Sige," tungon nito sa akin.
Umupo, mo na ako sa kama.
Malaki ang kwarto kahit sampo ang matulog dito kasya ito.
"Sana balang araw magka kwarto rin ako nang kasing laki ng kwartong ito," bulong ko sa aking sarili.
Hay kung ano-ano ang na iisip ko.
Maya -maya bumalik na ang babae ba may dalawang kurtina.
"Ano? Pati kurtina itim rin," mahina kong sabi.
"Eh ito, kasi raw ang gusto ng pamangkin ni Ma'am, Sofia," wika nito sa akin.
"Hindi kaya bampira ang pamangkin ni Ma'am," muling sabi nito sa akin.
"Baka hindi naman, tara na ilagay na natin para matapos na ito," aya ko dito.
"Sige Miss. Selina," tungon nito sa akin.
"Ano ka, ba? Selina na lang," protesta ko dito.
Ngunit tuwama lang ito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng babaeng ito.
Bigla na lang ito tumawa sa akin.
Nang matapos kaming magsabit ng kurtina sinarado na namin ang kwarto.
Nagtungo ako sa sala upang hanapin ang aking ina.
Nakita ko nag-uusap sila ni Miss. Sofia tila ang saya-saya nila.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila.
"Nay?" tawag ko dito.
"O, Selina nariyan ka na pala," sagot nito.
"Opo, " ngiting tungon ko.
"Nga pala, Miss. Sofia natapos na po, namin ang pinag-uutos mo?" mahina kong sabi dito.
"Salamat, ito kunin mo, " sabay lahat ng sobre sa aking kamay.
"Salamat po," ngiting turan ko dito.
"Ano ka, ba? Ako ang dapat magpasalamag sa' yo, kung hindi dahil sa' yo, hindi pa natapos ang kwartong iyo," ngiting sabi nito sa akin.
Nagpaalam na kami dalawa ni Nanay dahil gumabi na.
Hindi pa ako nakapagluto.
Pakiramdam ko nabiyak ang aking katawan sa pagod.
Kailangan ko uminom ng gamot upang mawala ito.
"Selina, ayos ka lang ba?" tanong ni Nanay sa akin habang nasa tricycle.
"Medyo, na pagod lang ako Nay?" tungon ko dito.
Hindi nagtagal nakarating kami sa bahay namin.
"Anak? Magpahinga ka muna dyan," wika ng aking Ina.
"Sige po, " mahina kong sabi.
Agad ako pumasok sa loob upang matulog.
Hindi na ako bumili ng gamot dahil tinamad na ako lumabas ng bahay.
Pagpasok ko sinarado ko muna ito pero hindi ko ni lock para maka pasok si Nanay dito.
Nagtalubong ako ng aking kumot.
Kalaunan naka tulog na ako.
Nakita ko ang isang lalaki naka tayo sa tabi ko. Pero madilim naman ang paligid ko.
"Saan ako bakit ang dilim dito," wika ko sa aking sarili.
"Bakit? Nandito ka, sa kwarto ko!" pribadong boses narinig ko.
Pero hindi ko nakita ang mukha nito.
Dahan-dahan ito lumapit sa akin sabay sakal sa aking leeg.
"Wag po," sigaw ko.
Agad naman ako nagising.
Panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
Akala ko totoo na pinagpawisan ako ng malamig.
Nakita ko may pagkain na ako sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko. May gamot na rin naka lagay sa tabi ng baso.
Kumain ako dahil nakaramdam ako ng gutom.
Naubos ko ang inihanda ng aking ina.
Pagkatapos uminom rin ako ng gamot.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang maka inom ako ng gamot. At muli ako humiga sa kama.
Sana naman hindi ko na pamanaginipan ang lalaking ito.
Kinaumahagan naging ako sa boses ng aking ina.
"Anak? Gising ka," wika nito sa akin.
Nagmulat ako nakita ko nga ito nasa tabi ko.
Naka upo at sapo ang aking buhok.
"Magandang umaga' Nay?" bati ko dito.
"Anak kamusta ang lagay mo, kagabi mainit ang ulo mo, hindi na kita ginising dahil natutulog ka pa," pahayag nito sa akin.
"Salamat na sa pagkain at gamot," tungon ko dito.
"Alam ko, napagod ka, sa iyong ginagawa," untag nito sa akin.
"Ayos, lang Nay, ito pala kumuha lang ako dalawang daan pamasahe ko," anya ko dito.
"Hindi, sa' yo, na yan may pera rin ako," tanggi nito sa akin.
Kahit anong pilit ko ibigay sa kanya ang pera. Ngunit ayaw nyang tanggapin.
"Sige Nay, kapag kailangan mo nang pera sabihan mo lang ako," wika ko dito.
Hindi ko pa nakita kung magkano ang perang natanggap ko mula kay Miss. Sofia pagkabigay kasi nito agad ko nilagay sa loob ng bulsa ko.
Kahit paano may kita rin ako sa pamamagitan ng pag-ayos ng kwarto. Kahit hindi ako marunong pwede na rin.
Pero hindi ko alam kung nagustuhan ba ng may-ari ng kwarto ang ayos non.
Hay bahala na si batman siguro tatawagin lang naman ako ni Miss. Sofia kapag hindi gusto ng pamangkin nito ang ayos.
Mabuti na lang nawala na ang sakit ng aking katawan.
"Anak? May lakad ka ba, ngayon?" tanong ni Nanay sa akin.
"Wala po, Nay?" malambing na tungon ko dito.
"Gusto mo, ba? Sumama sa palengke," untag nito sa akin.
"Sige po, para may kasama kayo magbibit ng pinamili nyo?" magalang na sabi ko dito.
"Tara na habang maaga pa, kasi kapag tanghali na tayo pupunta roon dagsaan ang mga tao pupuna roon," wika nito sa akin.
Tumango lang ako sa Nanay ko.
At kinuha ko ang basket.
Madalas nag-iisa si Nanay pupunta sa palengke. Kahit gusto ko sya samawa wala rin naman dito dahil maaga ang pasok ko sa kumpanya.
Minsan nagagalit na rin ito dahil super strekto nito sa mga empleyado.
"Para po, Kuya?" kaway ko sa lalaki
Wala itong pasahero dumaan sa tabi namin.
"Sa palengke," sagot ni Nanay sa driver.
"Sige po," tungon nito.
Maaga pa naman siguro alas singko pa ng umaga.
Nasanay ako maaga gumising dahil bawal ang tamad. Walang pwedeng asahan si Nanay kundi ako.
Kaya kahit pagod kayod lang hanggang sa maging successful ako.
Sabi nga nila kung may tanim may aanihin.
Nakarating kami sa tapat ng palengke.
Nagbayad mo na ako bago ako lumabas.
"Nay? Pakihintay naman ako ang bilis mo naman maglakad," protesta ko sa aking ina.
"Ang bagal mo, bilisan mo dyan," sagot nito sa akin.
Bigla nagsitingin ang mga tindero ng isda at gulagy sa akin.
Ang iba nagpa kuha pa ng litrato. Hindi naman ako, artisa upang kunan nila ng litrato.
"Ang ganda mo, naman Miss, sana akin ka na lang rinig, kong sabi ng mga ito. Ngunit hindi ko pinasin naka focus lang ako sa dinaraanan ko.
"Anak, akala nila artista ka hindi na mahirap lang tayo," bulong ni Nanay sa punong tenga ko.
"Si Nanay,talaga kahit mahirap tayo atlis hindi tayo katulad ng iba manghihingi pa ng pagkain sa ibang bahay?" protesta ko dito.
May mga nakita ako kumple naman ang kamay at paa nila bakit hindi sila nagtrabaho.
Hindi yung umaasa sil sa ibang tao.
"Manong magkano ang baboy mo?" tanong ni Nanay sa may edad na lalaki. Awa ang naramdaman ko dahil matanda na ito nagtrabaho pa.
Kung tutuusin hindi na sila pwede magtrabaho dahil matanda na sila. Dapat sa kanila sa bahay lang nagpapahinga.
"Naku mura lang ito, kung kukuha ka ng dalawang kilos bigyan kita ng discount," wika nito kay Nanay.
"Sige, kukuha ako," masayang sabi nito sa matanda.
Pagkatapos Namin bumili ng baboy pumunta naman kami sa bilihin ng isda.
Ganun rin ang ginawa ng tindero sa aking Nanay.
Ang huling pinuntahan namin bilihin ng hipon. Ito ang paborito kong pagkain.
Nang matapos kami bumili buhat ng kardador ang pinamili namin patungo sa labas ng palengke. Nagbigay ako ng pera sa lalaki dahil mabigat rin ito.
"Nay? Naparami ata tayo binili ngayon," udyat ko sa aking ina.
"Oo, Selina hindi ko naramdaman ang perang dala ko. Akala ko marami pa konti na lang pala bibili rin tayo ng bigas," muling sabi nito sa akin.
Tumango lang akp sa aking ina.
"Nay? Dito na lang po, ako maghintay," tungon ko sa aking ina.
"Sige, saglit lang ako roon," saad nito sa akin.
Naka tayo ako sa tabi ng pinamili namin.
Hindi ko kasi pwede iwan dahil pagbalik ko wala na ito dito. Hindi ko ba alam kung bakit maraming magnanakaw dito.
Maya-maya dumating na ang aking ina.
"Paumanhin medyo natagalan ako marami kasi tao naka pila sa tindahan," saad nito sa akin.
"Ayos lang Nay, hindi naman gaano ka tagal ako naghintay dito," untag ko dito.
"Selina, ito na lang natirang pera ko," sabay pakita sa akin.
"1500 na lang natira, Nay?" wika ko dito.
"Oo, ang bilis ng pera ngayon no? Hindi ko man lang naramdam," hustento nito sa akin.
"Nay? Iba na ngayon, at ang mahal ng bilihin ngayon, kung sampong libo lang ang dalhin mo dito parang 500 na lang.
Dati, kung magdala ka ng limant libo marami kang maibibili.
"Nay? Wag kang magpakita ng pera mo dito. Alam mo naman maraming sugarol dito sa palengke. Sige ka, baka matagay yan," muling sabi ko dito.
"Ikaw talaga, ang dami mong alam," protesta nito sa akin.
Muli kami sumakay sa tricycle.
Samantala habang nasa daan kami may sasakyan sobrang bilis ng takbo nito. Muntik na kami nabangga.
Mabuti na lang mabilis si Kuya.
Kung hindi baka sa hospital ang punta namin.
"Panginoon anong nakain ng lalaking iyon," saad ng aking ina.
"Mamatay ka sana," bulong ko sa aking sarili.
Pagdating namin sa bahay nilapag ko sa maliit na mesa ang pinamili namin ni Nanay.
"Nay? Gusto mo ba, ng kape?" tanong ko dito.
"Sige anak wag mo lang punuin ang baso?" wika nito sa akin.
"Sige po Nay?" tungon ko dito.
Bigla rin ako nagutom kaya nagtimpla rin ako ng kape.
Nakakagutom pala kung malayo ang nilakad mo.
"Nay? Ito na po, inumin mo na habang mainit pa," wika ko dito.
"Oo, saglit lang maghuhugas lang ako," sagot nito sa akin.
Umupo ako sa plastic namin upuan.
Na-alala ko pa rin ang ginawa ng lalaki sa amin.
"Kung magkita ulit kami sisiguraduhin ko makakalbo ko sya?" galit na bulong ko sa aking sarili.
"Anak? Yun rin ba, ang ini-isip mo malay mo, nagmamadali lang sya kaya ganun ka bilis ang takbo ng kanyang sasakyan," wika ni Nanay sa akin.
"Nanay, kahit na nagmamadali sya, paano kung nasagasaan tayo," protesta ko dito.
Napailing na lang ito sa aking tinuran.
Kahit mayaman pa sya hindi sya uubra sa akin. Tingnan ko nag tapang nya oras na makaharap ko sya.
Bigla ko na-alala ang cellphone ko.
Hinanap ko sa loob ng kwarto ko ngunit wala ito. Hinanap ko na rin kung saan-saan pero ganun.
Hindi na ako naka tiis tanungin ang aking Ina.
"Nanay? Nakita mo, ba? Ang cellphone ko?" tanong ko dito.
"Hindi anak, baka dyan lang naka tago ngunit hindi mo lang makita.
Hanapin mo, o di' hindi mo, na-alala ang pinagatuan mo," pahayag nito sa akin.
"Dito ko lang iyon nilapag pero bakit wala dito," mahina kong turan.
Nakakalimutin na talaga ako.
"Nanay, pahiram po, saglit ng cellphone nyo, tawagan ko lang ang cellphone ko baka dito lang nailagay ko," saad ko sa aking ina.
"Kunin mo, na sa loob lang ng bag ko Selina?" sigaw nito sa akin.