Chapter 4

2506 Words
Selina POV Bumalik kami sa trabaho dahil hindi pwede late dito. Mahigpit dito dahil kung hindi pa oras magpahinga hindi pwede. Pero ayos lang sa akin dahil matagal ko na pangarap pumasok dito. "Hoy? Selina, bakit ang sipag mo sa trabaho," pukaw ng kasamahan ko sa trabaho. "Ano, ba? Kayo sempre kailangan natin magtrabaho ng ma-ayos," sagot ko dito. "Sabagay tama ka, alam mo ba ang sabi-sabi dito nakakatakot raw si Boss. Pero hindi pa natin nakita kung ano talaga ang ugali nya," wika naman ng isa. "Tama may point ka, marami pa naman chismosa ngayon," saad ko dito. "O sya bumalik na tayo sa trabaho natin dahil kapag nakita tayo na hindi tayo nagtrabaho baka paalisin tayo dito!" muling saad ko sa kanila. Hindi na sila sumagot dahil dumating na ang pangalawang taga pamahala dito. Tito raw ito ni Boss pero ang sama naman ng ugali nya sa mga empleyado. Lumipas taltong oras natapos ko na rin ang trabaho ko. Nag-unat ako ng aking braso. "Miss, Sanchez, tapos na ba? Ang iyong ginagawa?" seryosong sabi nito sa akin. "Boss? Tapos na po, sorry kung nagpahinga ako hindi pa sa oras," mahina kong turan dito. "Mabuti naman alam mo, dahil ayaw ko pabalik-balik sabihin sa inyo ang pinagbabawal ng kumpanya?" anya nito sa akin. "Opo, Boss paumanhin talaga," saad ko dito. Bigla ako kinabahan sagpit lang naman ako nagpahinga. "Hoy? Pinapagalitan ka ni Boss!" tanong ng bakla kong katabi. "Halata ba, hindi ba? Narinig mo na pinapagalitan ako?" pagtataray ko dito. Hindi kami close ng baklang ito dahil kalalaki nitong tao chismosa sa kanya rin nanggaling ang maling information. Mahilig rin ito maki sabak sa gulo. "Tinatanong lang naman kita," untag nito sa akin. Sinimangutan ko lang ito bago ako tumalikod sa lalaki. Natapos ko na nga ang trabaho ko pero sermon naman ang inabot ko. Parang wala pa akp ginagawa ng tama sa kumpanyang ito. Muling lumipas ang mahabang oras uwian na. Niligpit ko na ang mga gamit ko. "Selina, tara na kailangan na natin umywi dahil ayaw rin ni Boss may natira pa dito," untag ng katrabaho ko. "Sige sumabay na lang ako sa' yo?" dito. Ganun nga ang ginagawa ko sumabay ako sa mga katrabaho ko lumabas ng kumpanya. Kailangan ko pang maghintay ng sasakyan. Ang hirap pa naman sumakay dahil sa terminal pa lang puno na ito. Naka tayo ako sa tabi ng kalsada upang mag-abang ng masasakyan. Lagot na naman ako kay Nanay kung matagal ako umuwi. Kalahating oras bago dumaan ang jeep. Dahil mahirap at wala akong pera dito ako sumasakay hindi tulad ng mga ka trabaho ko may kanya-kanya silang sasakyan. Tumigil ang jeep sa harap ko. Sumakay ako tumingin ako sa aking relo. Ala singko na pala naku yari na naman ako nito. Dahil ganitong oras kailangan nasa bahay na ako marami kasi masamang tao sa daan kaya ayaw ni Nanay na maglakad ako mag-isa. Biglang tumunog ang cellphone mula sa kamay ko. Tiningnan ko ito walang iba kundi ang Nanay ko. Agad ko naman inangat ang tawag nito. "Hello, Nanay?" bungad ko sa kabilang linya." "Anak saan ka na naka uwi na ako galing sa bahay ni Miss. Sofia.hanggang ngayon hindi pa rin naka uwi sa bahay," saad nito sa kabilanh linya. "Nay? Traffic lang sa daan kaya natagalan ako. Pauwi naman ako kaya wag ka na mag-alala sa akin," magalang na sabi ko dito. "Sige mag-ingat ka sa daan anak," nag-alala nitong sabi sa akin. "Opo, sige na bye Nay?" anya ko sa kabilang linya. Pagkatapos namin mag-usap ng Nanay ko binalik ko na sa loob ng bag ko ang cellphone ko. "Hija? Ang swerte naman ng Nanay mo, dahil isa kang masunurin anak!" untang ng ginang sa akin. "Naku? Ako po ang ma swerte sa kanya. Ganun po, talaga si Nanay sa akin kapag late na ako umuwi sa bahay panay ang tanong nya sa akin kung saan na ako," ngiting turan ko dito. "Bakit? Po, may anak rin po ba, kayo?" sabi ko dito. "Oo, hija? Hindi sya umuwi sa bahay palagi rin sya sa barkada nya. Lasing na ito kapag uuwi sa bahay?" malungkot nitong sabi sa akin. "Kawawa naman ang babae dahil lulong sya sa barkada nya," bulong ko sa aking sarili. May mga anak sumusuway pa sila sa magulang. Pero malaking kasalanan iyon sa mata ng diyos. Kung tutuusin hindi pwede paiyakin natin ang ating magulang. "Hija, pasesnsya ka na kung marami akong sinasabi sa' yo, sige hanggang dito na lang ako mag-ingat ka?" untag nito sa akin sabay baba ng jeep. Mabait ang matanda kaya bakit ganun ang sinukli ng kanyang anak. Halos magbuwi ito ng buhay para lang mailuwal sila. Pero ganun ang ganti nila sa magulang nila. Tiningnan ko lang ito papalayo. Marami itong dalang gamit. Awa ang naramdaman ko sa ginang. Malapit na rin ako sa pupuntahan ko. Pagliko ng jeep sa amin na. "Kuya, dito lang po ako?" malakas na sabi ko. Dahil kung mahina ang boses ko hindi nya marinig ang sinasabi ko. Huminto ang sasakyan sa tabi ng parlor. Bumaba na ako dala ko ang aking laptop. Malayo pa lang nakita ko na ang aking Ina na naghihintay sa labas. Dali-dali naman ako pumunta sa gawi nito. "Nay, bakit lumabas ka, ng bahay uuwi naman ako," saad ko dito. "Ikaw na, bata ka?" Ang tagal mo, umuwi," wika nito sa akin. "Nay, alam mo naman sa kumpanya ako nagtrabaho. Hindi sila magpapauwi ng maaga. Hindi ba sinabi ko na sa' yo, ito," sagot ko dito. Inakbayan ko ito papasok sa loob. " Oo, na sempre na nag-alala rin ako sa' yo. Hindi mo ba nabalitaan maraming nawawalang babae dito. Kaya ikaw mag-ingat ka. Wag kang dadaan kapag wala kang kasama?" pahayag nito sa akin. "Opo," tungon ko dito. "Kamusta naman ang pasok mo, wag mong sabihin na pinapagalitan ka naman ng Boss mo?" untag nito sa akin. Palagi rin kasi ako nagsasabi na pinapagalitan ako ng boss ko. "Nay? Normal lang magalit si Boss. Kaya sanay na ako sa bunganga nya," ngiting sabi ko. "Ang kulit mo rin Selina. O sya may pinakpan akp dyan mag merinda ka na dyan," saad nito sa akin. "Sige po," magpalit lang mo na ako ng damit ko," paalam ko sa aking Nanay. Pumasok ako sa maliit na kwarto ko. Kahit maliit comfortable naman ako dito. Hindi lang naman kagandahan tulad ng iba. Kumura ako ng magkapares na damit ko. Nang matapos ako magbihis lumabas na ako. Nakita ko nagtupi si Nanay ng labahan nito. "Nanay, samahan mo dito," wika ko dito. "Tapos na ako dyan. Ikaw na lang Nga pala anak ang sabi ni Miss. Sofia. Bukas pupunta ka, raw sa bahay nila," wika nito sa akin. "Ano po, ang meron doon," wika ko dito. "Anak? Nakalimutan mo na ba, na uuwi ang pamangkin ni Miss. Sofia, bukas?" saad nito sa akin. "Alaka ko po, next week pa ang, uwi nya galing ibang bansa. Bakit maaga ata ang pag-uwi nya dito?" takang tanong ko. "Naku? Iba ang sinabi ko. Anak ng kapatid nya iyon. Kada taon nagbabakasyon ito dito," saad nito sa akin. "Akala ko ang nasa litrato hindi pala. Ano naman kaya ang itsura nya gwapo kaya gaya ng isa. "Sige po, pupunta ako anong oras po ba, tayo pupunta roon?" muling tanong ko dito. Sakto walang pasok bukas kaya pwede ako magpahinga. Nang matapos ako kinuha ko mu na ang aking cellphone. Mag f*******: mu na ako dahil ilang araw ako busy hindi ko nagawa mag f*******:. Konti rin kaibigan ko sa social media. Ni litrato hindi rin ako naglagay mahirap na baka gawin pang scam ang litrato ko. May nakita na kasi ako dito kahit hindi sila umutang sila ang sinisingil ng pinag-uutangan raw nila. Kaya wala silang nagawa kundi magbayad. Nakita ko abala si Nanay sa kanyang ginagawa. "Nay, tulungan na kita dyan," saad ko dito. "Naku? Wag na magpahinga ka mu na alam ko pagod ka?" untag ni Nanay sa akin. "Nay, hindi naman ako pakapagpahinga kung hindi ka pa tapos dyan," wika ko dito. Lumapit ako sabay upo sa tabi nito. Kumuha rin ako ng damit na tutupiin ko. "Ang kulit mo rin, Selina," saway ng aking ina. "Nanay, naman hindi na sanay sa akin," wika ko dito. Nang matapos kami kanya-kanya na kami pumasok sa kwarto. Nakaramdam ako ng antok at pagod. Kaya paghiga ko agad ako naka tulog. Nagising ako sa mga katok ni Nanay mula sa labas. "Anak? Bangon na dyan, kumain ka na. Kanina ka pa natutulog may balak ka pa bang kumain," boses ni Nanay narinig ko muna sa labas. "Nay? Busog pa po, ako," tungon ko dito. Muli akong pumikit dahil hindi ko kayang imulat ang aking mga mata. Bukas na lang ako kakain tutal wala naman ako pasok sa bukas sa kumpanya. Kinaumagahan ma-aga ako gumising. Dahil may gagawin pa ako sa bahay ni Miss. Sofia. Tinupi ko mo na ang kumot na ginamit ko. Inayos ko rin ang aking unan. Pagkatapos lumabas na ako sa kwarto. Gagamit mo na ako ng banyo. Nasa labas ang banyo namin. Dahil maliit lang ang bahay namin sa labas nilagay ni Nanay ang banyo. "Magandang umaga anak? Halika samahan mo ako, mag-almusal ," aya ni Nanay sa akin. "Opo, Nay?" magalang na sagot ko dito. Umupo ako sa harap ni Nanay. Tinapay at kape lang ang almusal namin. Pero ayos lang sanay naman ako. "Anak? Ito lang nakayanan ng pera ko. Wag kang mag-alala sa susunod na laba ko bibili tayo ng masarap na pagkain," saad nito sa akin. "Ano ka, ba? Nay ayos na sa akin ito. Kapag sumahod ako kakakin tayo sa labas," wika ko dito. "Talaga anak? Matagal na rin ako hindi kumain sa magandang ⁰restaurant," ngiting sabi nito sa akin. "Opo, Nay kakain tayo ng masarap na pagkain. Nga pala Nay magpaparty po ba, si Miss. Sofia?" tanong ko sa aking Nanay. "Hindi, Anak? Staka na raw kapag uuwi na ang isa pa nitong pamangkin," tungon ng aking Nanay. Akala ko isa lang ang pamangkin nya bakit ang dami naman ata. "Pagkatapos mo dyan maligo ka na. Dahil maaga tayo pupunta sa bahay ni Miss. Sofia. "Opo, Nanay," tungon ko. Pagkatapos ko kumain naligo na ako. Nang matapos ako lumabas na ko sa muli kong kwarto. "Nay? Tara na po," saad ko sa aking ina. "Sige anak ilabas ko lang ang malaking basket na ito," anya nito sa akin. "Nay? Ako na po ang magdala nyan palabas," saad ko dito. Hindi ko na hinintay sumagot ito dahil hindi ito papayag. Kaya ang ginawa ko binuhat ko palabas ng bahay ang malaking basket. Damit ito ni Miss. Sofia, hindi ko alam kung bakit sa nanay ko sya nagpalaba. May laundry naman sa labas. At may katulong rin sila naglalaba sa bahay nito. Nakapagtataka naman ang ginang na iyon. Kung ibang amo lang hindi sya nagpapalaba sa labas dahil ang inisip nila sinasarohan ka nila bakit naman sila nagpapalaba. "Selina bakit mo dinala iyan," saway sa akin ng Nanay ko. "Nanay, hindi ba? Kay Miss. Sofia," untag ko dito. "Oo sa kanya iyan, dapat ako na ang magdala nyan. Ikaw na bata ka ang kulit mo rin no?" wika nito sa akin. "Nanay, naman sempre ano ang sasabihin ng kapitbahay natin. Kung hinahayaan kita magbuhat nyan," protesta ko dito. Napa iling na lang ito sa aking tinuran. May huminto tricycle sa tabi namin. "Ma'am, saan po, ang punta nyo?" tanong nito sa akin. "Sa bahay ni Miss. Sofia, Kuya?" sabat ko dito. "Tara na po," saad nito sa amin. "Magkano po ng bayad," wika ni Nanay sa driver. "25 lang po, " sagot nito sa akin. "Sige paki lagay na lang ito sa likod," muling wika ni Nanay sa driver. Nauna sumakay si Nanay sumunod naman ako. Hindi naman gaano ka layo ang pinupuntahan namin. Kaya hindi mahal ang siningil ng driver sa amin. Hindi nagtagal nakarating kami sa malaking gate. "Kuya, bayad po namin," sabay abot ko sa driver. May sapat na pera naman ako. Kilala na kami ng guard kaya agad nya kami pinagbuksan. "Kayo pala, Manang," saad nito sa akin. "Opo, si Miss, Sofia nandyan po, ba?" tanong ko sa guard. "Opo, kararating lang nya galing sa labas," sagot nito sa akin. Pumasok lang ako sa loob. Hindi na ako nagbuhat ng basket si Kuya na ang nagbuhat. "Nay? Dito na lang ako sa labas kapag kailangan mo ako tawagin mo na lang ako?" wika ko sa aking Ina. "Naku? Sumama ka na, alam mo naman si Miss. Sofia ayaw nya mabagal kaya sumama ka na sa loob," protesta ng aking ina. Wala akong nagwa kundi' sumunod sa kanya. Tama naman ito ayaw ni Miss. Sofia mabagayl tulad rin sya ng amo namin sa trabaho. Magkasing edad rin sila kung tutuusin. Pero may awa rin si Miss. Sofia sa kanyang mga tauhan. Kung ikumpara kay Boss. "Good morning ' Miss. Sofia?" bati ng aking ina sa ginang "Good morning, Mrs. Sanchez, nandyan na pala kayo," wika nito sa aking Nanay. "Opo, nga pala Miss. Sofia kasama ko rin ang aking anak," wika nito sa kausap. "Good morning ' po, Miss. Sofia?" malambing kong tono sa ginang. "Good morning ' sa magandang dilag tulad mo," saad nito sa akin. "Naku? Hindi naman po, Miss. Sofia," protesta ko dito. "Nag-almusal na ba, kayo tara samahan nyo, ako mag-almusal tamang-tama wala akong kasama kumain," anya nito sa amin. "Busog pa po, kami?" tanggi ko dito. Wala na kasi si Nanay dahil hinatid nya sa kwarto ang damit na bilabahan nito. "Wag ka na mahiya, Selina saluhan mo na ako," sabay hila nito patungo sa kusina. Sumama na lang ako upang walang gulong. Hindi rin nagpapa awat ang isang ito. Umupo ako sa tabi nito.Ngunit nahihiya ako baka ang sabi ng katulong sipsip ako sa amo nila. Pero ano naman ang magagawa ko kung sya na ang lumapit sa akin. Kumuha ako ng plato sabay kuha ng hot dog at itlog. Mga mayayaman talaga social ang pagkain nila. Hindi kagaya namin mahirap kape at tinapay ayos na kami. "Kumain ka, wag kang mahiya sa taong naka tingin sa' yo, " wika nito sa akin. "Nga pala, Selina kaya kita ipinapatawag dahil gusto ko ikaw ang mag-ayos ng kwarto ng pamangkin ko. Gusto nya ma-ayos ang kwarto nya pag-uwi nya," untag nito sa akin. Napa ubo ako sa aking narinig. Hindi naman ako design upang mag-ayos ng kwarto ng pamangkin nito. "Miss. Sofia, wala po akong alam sa desenyo ng kwarto. Isamg hamak na impleyado lang pi ako sa kumpanya," protesta ko dito. "Ay, ganun ba, akala ko desenyo ang trabaho mo," wika nito sa akin. "Hindi po," sagot ko. "Naku, paumanhin matanda na talaga ako. Sinabo lang pala sa akin kung ano ang trabaho mo. Sorry kung na-abala kita sa inyong trabaho baka tanggalin ka dahil lang sa akin," mahina nitong turan sa akin. "Wala naman po, kami pasok bukas, kaya wag po, kayo mag-alala sa akin," tungon ko dito. "Salamat naman kung ganun. Bukas ng dalawa kong pamangkin. At dito sila mamalagi sa bahay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD