Chapter 3

1748 Words
Selina POV Maaga ako gumising dahil may pasok pa ako sa kumpanya. Hindi ako pwede ma late dahil sermon na naman aabutin ko sa matandang lalaking yun. Hindi ko alam kung bakit galit ito sa akin sa tuwing late ako samantala sya kahit tanghali na pumasok sa kumpanya okay lang sa kanya. "Magandang umaga, Nay! Bati ko sa aking ina habang nagluluto ito sa kusina. "Magandang umaga," anak, gising ka na pala?" saad nito sa akin. "Opo, Nay," magalang na sagot ko. "Maupo ka,para makapag-almusal ka?" aya ni nanay sa akin. Isang magandang ngiti ang binigay ko sa akin nanay. "Magandang umaga Ate," bati sa akin ng kapatid ko. "Magandang umaga,balik na saad ko. "Ate! may pera ka ba,dyan?" tanong nito sa akon. "Magkano kailangan mo? tanong ko muli sa kapatid ko. "1,000 ang po ate para sa new project namin?" saad nito sa akin. Kinuha ko ang wallet sa loob ng bag ko. "Ito kunin mo?" sabay bigay ko sa kapatid ko. "Salamat? Ate," ngiting saad nito sa akin. "Sige, kumain ka na!" hayaan mo kapag naka ipon na ako," bibili tayo ng sasakyan kahit maliit lang!" wika ko sa kapatid ko. Tumango lang ito sa akin. "Salamat ate?" dahil nandyan ka para sa amin ni nanay?" maluha-luha saad ng kapatid ko sa akin. "Ano ka ba,sempre ako ang ate dapat ako ang magtrabaho sa atin," saad ko sa kapatid ko. Nang matapos ako nagpaalam ako sa nanay at kapatid ko. "Nay! Alis na po,ako? Bunso ikaw mag-aral ka ng mabuti," paalala ko sa kapatid ko. "Opo, Ate," sagot nito sa akin. "Mag-ingat ka anak," saad ng aking Ina. "Opo, Inay,"sagot ko. Lumabas ako ng munting namin bahay. Naghintay ako ng jeep sa labas ngunit may dumaan sasakyan sa harap ko. "Best!" saad ng kilala ko sa trabaho. "Uy, ikaw pala Kate?" wika ko dito. "Sakay,na?" Tutal doon naman ang punta ko," wika nito sa akin. "Hay mabuti na lang dumaan ka," saad ko sa babae. Tila iba-iba ang sasakyan dala nito sa tuwing papasok ito sa trabaho. "Best? Alam mo ba, next week,uwi ni boss galing sa US," untag nito sa akin. "Eh ano naman kung next week ang uwi nya?" saad ko sa babaeng kausap ko. "Balita ko kasi estrekto daw sya pagdating sa trabaho?" bakit ba kasi dito pa, ako pinag trabaho ni Dad pwede naman sa kumpanya namin?" reklamo nito. "Bakit ka, kasi pumayag?" May choice ka naman kasi!" turan ko sa babae. "Yun na nga, Best," pero sabi ni Dad kung hindi daw ako mag trabaho dito ipakasal daw nya ako sa anak ng kaibigan nya?" inis na turan nito sa akin. "Yun naman pala,bakit!" hindi ka pumayag malay mo? Gwapo pala at mabait," protesta ko. "Ah! Basta ayaw ko sa lalaking yun!" Best isa pa," playboy yun!" sino-sino babae kalandian nya!" galit na turan nito sa akin. "Oh! Bakit sa akin ka? Galit dapat doon sa lalaking yun!" untag ko sa babae. "Basta, ayaw ko sa kanya?" naka nguso ang labi nito. Hindi namin namalayan nakarating na pala kami sa kumpanya kung saan kami nagtrabaho. Sabay kami bumaba ng sasakyan nito. "Hay mabuti na lang maaga tayo?" pumasok no?" wika nito. Himala ata wala pa ang matandang masungit na yun, sa isip ko. Pagdating namin sa mesa agad ko ginawa ang pinag-uutos ng matanda kung hindi ko lang ito amo baka, matagal ko na sinapak sa mukha. "Best gusto mo bang kape," pag-aalok ni Kate sa akin. "Oo," sagot ko. "Sige dito ka muna kukuha ako?" sabay talikod nito sa akin. Bumalik ito na may dalang dalawang baso. "Oh ito sa' yo?" sabay bigay nito sa akin. "Salamat," sagot ko. "Mabuti naman hindi na kayo late!" pagpupuna ng amo namin gurang. Kalma lang Selina na baka ma tanggal ka dito kausap ko ang sarili ko. "Oo naman sir?" tama na siguro isang beses kami late?" sagot ko sa matanda. Lahat kasi napansin nito lalo pagdating sa akin.Mataas ang dugo nito sa akin wala naman ako ginawa. "Aba't sinasagot-sagot mo na ako ngayon?" galit na turan nito sa akin. "Hindi naman po,Sir?" malambing kong saad sa matanda. Kahit papaano may respeto naman ako sa matanda yun ang bilin ng aking Nanay. "Sir! May ipag-uutos ka po ba?" muling kong saad sa matanda. "Wala,kaya tapusin mo ang trabaho mo?" masungit na turan nito sa akin. "Sige po, Sir?" yukong turan ko sa lalaki. Umalis ito sa harap ko," bigla naman lumapit si Kate sa akin. "Best alam,mo? Ang init ng dugo ni Mr.Carban sa' yo?" untag ng kaibigan ko. "Hayaan mo? May dalaw lang yun?" sabay mahina kong tawa. "Ikaw puro kalokohan," saway ng kaibigan ko. "Bumalik ka na nga para maka pag focus ako?" saad ko kay Kate. "Sabay tayo,mag tanghalian mamaya ha?" wika nito sa akin. "Oo ba,basta libre mo?" sabay tawa ko. "Alam mo kuripot ka talaga no?" untag nito sa akin. "Anong kuripot hindi pa nga ako sumahod at isa pa,mas mapera ka kay sa akin?" protesta ko. "Oo na, ang dami mong sinabi?" sabay talikod nito sa akin. Magaan ang loob ko kay Kate. Ngayon lang ako nakipag kaibigan dahil noong college ako. Ayaw nila akong maging kaibigan dahil mahirap daw ako. Ilang minuto lumipas nagyaya na sa akin si Kate. Hindi ko man lang napansin ang oras tanghali na pala kung hindi pa lang lumapit sa kinaroroonan ko si Kate hindi ko pa alam na tanghali na. Sabay kami bumaba ng second floor naroon kasi ang canteen. "Hey? Kate," boses ng lalaki. Kaya lumingon ako para tingnan kung sino tumawag sa babae. Tatlong lalaki ang lumapit sa amin. Pinag-aral ko ang mukha nila. "Hindi mo ba,kami ipakilala sa kasama mo?" mukha pa naman maganda,"wika nito kay Kate. "Pwede ba? Tumigil na kayo?" turan ni Kate sa mga lalaki. Ngunit ngumisi lang ito sa amin. "Hey? Miss," pwede ka bang mamayang gabi," saad nito sa akin. "Sorry! Busy akong tao," sagot ko sa mga ito. "Tara na Selina," pagyaya sa akin ni Kate. Ang lakas ng kabog nang aking dibdib alam ko sa tabas ng kanilang mukha hindi sila gagawa ng mabuti. Wag lang nila ako idamay dahilan mag kamatay kami. Oras na may gagawin silang masama sa akin. Hinila ni Kate ang kamay ko paalis sa mga lalaking manyak. May oras rin kayo sa akin mahina kong turan. "Wag mo silang pansinin kulang lang sila sa aruga?" asar ni Kate. "Kilala mo ba sila?" tanong ko sa babae. "Oo kilala ko sya," isa siyang manyakis sa kumpanyang ito?" ilang beses nya rin ako niyaya dati maki pagdate pero tumanggi ako," mahabang salaysay ni Kate sa akin. Tumango-tango lang ako sa babae. Kung ganun kailangan ko mag-ingat sa mga yun. Maya-maya dumating ma rin ang order namin. Nag-umpisa na kami kumain ni Kate. Ilang minuto natapos kami. Kalahating oras lang ang break time para kumain. "Tara na," aya ko sa kaibigan ko. Sumunod naman ito sa akin. "Dito na lang ako,salamat pala sa paghatid," wika ko sa kaibigan ko. "Wala yun, basta ikaw?" ngiting saad nito sa akin. "Pwede ka na uwi, bukas ulit," saad ko sa kaibigan ko. "Ayaw mo ata ako papasukin sa bahay mo? parang gusto mo ata ako umalia agad," kunwari nagtampo ito. "Hindi naman sa ganun, best?" mahina kong turan. "Pake muna," untag nito at walang alinlangan pumasok sa loob ng bahay namin. "Naku nakakahiya," mahina kong bulong. Hay pasaway talaga ang babaeng yun. Wala akong nagawa kundi sumunod sa likod nito. "Hay? Po," bati ni Kate sa nanay ko. "Ikaw? pala," pasok ka?" aya nito sa babae. Napakamot lang ako sa aking ulo baka maarte si Kate lalo na mayaman ito," mahina kong bulong.Pero no choice narito na ito baka iba ang isipin nya kapag pinagtabuyan ko ito. "Selina, anak! bakit? Hindi ka nagsabi na, may kasama ka pala," wika ni nanay sa akin. "Biglaan lang po,Nanay?" sa susunod magsabi po ako," ngiting untag ko sa akin nanay. "Best? Maupo,ka? muna," magbibihis lang ako," paalam ko dito. "Sige," sagot nito. Agad ako pumasok sa maliit kong kwarto, baka mainip si Kate sa labas kaya nagmadali ako. Isang simpleng pambahay lang sinuut ko. "Hay? Kailan kaya ako tataba," mahina kong bulong. Ngunit biglang bumukas ang pinto. "Ate, wala ka bang balak lumabas kanina ka pa hinihintay ng kaibigan mo?" wikang ng aking bunsong kapatid. "Oo lalabas rin ako, may ginagawa lang ako," untag ko sa akin kapatid. Nadatnan ko nanood ng tv ang kaibigan ko. "Best? Tawag nito sa akin. Ako naman ngumiti lang sa babae. "Anong ginagawa mo doon sa loob, halos isang oras ka na," reklamo nito sa akin. "Hu? Isang oras ba? ang pagkakaalam ko saglit lang naman ako doon," protesta ko sa aking kaibigan. "Hay? sus, kung hindi ka lang pinuntahan ng kapatid mo? Hindi ka siguro lalabas," naka nguso ito tumingin sa akin. "Nga pala, tumawag si boss, na kailangan natin maaga pumasok bukas," saad nito sa akin. "Oo, kahapon nga sabi maaga raw tayo, pero hindi naman dumating ang boss natin," ngusong sagot ko sa akibigan ko. "Ano ka ba, ganyan talaga ang mga boss, minsn bigla na lang sila susulpot sa unahan natin. "Mga anak, mag merienda muna kayo," wika ng aking ina. May dala itong juice at tinapay. "Salamat po," saad ni Kate sa akin ina. "Sige maiwan ko,muna kayo para naman makapag usap ko?" wika ni nanay. Ako naman tumango lang sa akin ina. "Best? Ang swerte mo? Nandyan palagi ang nanay mo?" untag ni Kate sa akin. "Nandyan naman,ang magulang mo para sa' yo?" muling wika ko sa babaeng kausap ko. "Oo nandyan nga pero wala naman oras sa akin pakiramdam ko,tuloy? Nag-iisa lang ako sa buhay?" malungkot na wika nito ramdam ko ang pangulila ng isang anak sa magulang. "Baka naman marami lang sila ginagawa para sa kumpanya nyo?" sabay tapik ko sa kanyang balikat. "Nandito lang ako kung, gusto mo ng makausap," ngiting saad ko. "Salamat, Best?" mabuti na lang nariyan ka," malungkot na kataga nito mula sa kanyang labi. Pagkatapos nitong mag meryenda nagpaalam na rin ito sa akin. Hinatid ko muna ito sa labas para sigurado ako nakasakay ito sa kanyang sasakyan. "Mag-ingat ka sa pagmamaheno?" paalala sa kaibigan ko. Tumango lang ito sa akin. Nang makaalis ito ako naman pumasok sa loob ng aming bahay. "Anak! Dito ka muna may pupuntahan lang ako," wika ni nanay sa akin. Habang may dala itong plastic bag. "Nany? Saan po ang punta nyo?" tanong ko kay nanay. "Ah kukuha lang ako labada ni aling Teresa," malabing na tono nito sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD