NAGISING si Therese sa tulalang pagkakaupo sa sahig nang marinig ang message alert ng kanyang smartphone. Si Benj ang nagpadala ng text message. Waiting outside your door Hindi tuminag ang dalaga. Ibinalik lang sa kisame ang tingin kasunod ang paghinga nang malalim. Hindi niya gustong magbukas ng pinto. Aminado siyang needy siya ngayon at obviously, alam iyon ni Benj. Magulo ang isip at mabigat ang pakiramdam pero hindi pa naman nawawala sa katinuan si Therese para isiping isang gabing s*x lang kasama ang isang lalaking pangalan lang ang alam niya ang sagot sa lahat ng iyon. Mahinang katok na ang narinig niya sa pinto. Mariin siyang pumikit, maingat na tumayo at inayos ang sarili. Sigurado siyang blangko ang mukha niya sa anumang uri ng emosyon nan

