PAGKALIPAS ng lampas tatlumpung minuto, dumating na ang hinihintay ni Therese. Limang minuto pa, narinig na niya ang mahinang katok sa pinto. Nakangiting tinungo niya iyon at binuksan—si Benj ang naroon, na agad ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata. “Chips,” sabi nito at inabot sa kanya ang plastic ng isang convenience store sa Corazon. “And fresh milk, pampatulog.” “Thanks…” Hindi magawang alisin ni Therese ang tingin sa mga mata ni Benj. Hindi niya alam kung bakit. Hindi na rin mawala ang kanyang ngiti. Iba ang pakiramdam ni Therese nang mga sandaling iyon. Kailan pa nagsimula iyon? “Umulan ba?” salamat sa hinuhulaan niyang ulan, nadugtungan niya ang maikling ‘thanks’. “Kanina. Malakas pero huminto rin agad.” “`Buti nakaalis ka na sa Victoria?” “Pinabalik mo ako,” sabi nito,

