Twelve

1609 Words

Lumipat nga si Therese sa kuwarto ng lalaki. Mahabang sandaling pareho silang nakaupo sa sahig—tumugtog si Benj at kumanta siya, pinagtawanan niya ang sarili at sinamahan siyang tumawa ng lalaki. Inulit nito ang pagtugtog na iba na namang tune. Kakanta siya at magtatawanan na naman sila. Inumaga silang iyon lang ang ginawa. At nang mapagod sa pagtawa, sumandal na lang siya sa dingding habang si Benj ay tumutugtog pa rin na sinabayan ng mahinang pagkanta. “Mapapatulog mo kaya ako, Benj?” si Therese nang maalalang nakatulog siya noong unang beses niyang pinanood ito sa pagtugtog. “I’ll try,” sabi ni Benj at tumigil sa pagtugtog. “‘Lipat ka sa bed.” “Sa bed mo? Sure ka? Wala kang tutulugan—” “Sanay akong hindi natutulog, Therese.” Sumenyas ito na lumipat siya sa kama. Sinunod niya si Ben

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD