Eleven

1097 Words

KINAGABIHAN nang araw na iyon, isinama ni Benj si Therese sa Muzzica. Tahimik na audience lang siya, nasa mesa sa isang sulok. Humanga na naman ang dalaga sa galing nitong tumugtog at kumanta. Hindi nakakahiyang itabi kay Noel Cabangon sa isang duet. Mga Tagalog songs rin ang tinugtog ni Benj maliban sa huling set.             Ang huling pagtugtog ni Benj na nagpatulala sa kanya—ang parehong kanta noong unang beses niyang nakita ang lalaki sa Muzzica—Somewhere.             Malinaw niyang nakita ang bakas ng mga luha sa mukha ni Benj nang marahang mag-angat ito ng tingin pagkatapos ang puno ng emosyong pagtugtog. Tanging sa huling set lang hindi kumanta si Benj—tumugtog lang ng gitara. Nang mga sumunod na sandali ay hindi na niya makita ang lalaki, napaligiran na ng audience na bumabati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD