Three years later… PAHALANG na ibinagsak ni Therese ang sarili sa kama. Isang maghapon na naman ang natapos. Ang bilis lang talaga ng araw. Parang kahapon lang, iniwan niya ang bahay nila para takasan ang masakit na sitwasyon. Ngayon naman, gustong-gusto niyang umuwi ng bahay para makapagpahinga. Dalawang beses sa isang buwan na lang siya nakakauwi ng Cavite. In-assign siya ng ama sa bagong bukas na branch ng Breakfast To Go sa Caloocan. Five years ago, mga cart lang sa mga jeepney terminal, bus terminal, tricycle terminal, school canteens, at food court ng maliliit na malls ang Breakfast To Go. Breakfast for the people on the go ang produkto. Three years ago, pagkatapos magkasundo ng ama niya at ni Raphael, itinayo ang unang Breakfast To Go sa Cavite. Ang kutob ni Therese, siningil ng am
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


