Entiny Emerald's P.O.V. Tulala ako ngayon habang umiinom ng kape. Malayo ang tingin ko at lumilipad ang aking utak. "Hey," someone blurted out. Napakurap ako at napabalik sa huwisyo. Tumingin ako kung sino ang salarin. "Hi," bati ko rito. "You okay?" he asked. Hinila niya ang upuan sa harapan ko at nanatiling nakatayo pa rin. "Would you mind if I sit with you?" "Not really," sagot ko. Umupo na siya at ibinaba ang hawak niyang kape sa may la mesa. "Everything okay?" Tumango ako at uminom sa aking kape. Napa isip ako sa tunay na dahilan kung bakt ako nakatulala kanina. After he said those words ay tumahimik kami. I want to answer him but I cut my tongue out. Walang salitang gustong lumabas sa aking bibig. Napatikom siya ng bibig at tumango ng mabagal. Tila ba binigyan na niya ng

