Entiny Emerald's P.O.V. Gumulo sa isipan ko ang numero na iyon. Habang nasa site nga ay iniisip ko pa rin iyon. Possible nga kayang siya iyon? But, how come? Paano naman niya ako makikita rito? He is not here! "Hey, you okay?" sinundot ako sa balikat ni Druew. Napaharap ako sa kanya. "Ahm, yeah?" hindi pa naging sure ang naging sagot ko. Tinignan ko ang ekspresyon niya. Para bang hindi niya alam kung tatawa ba siya dahil sa sagot ko o mag aalala dahil hindi ako ayos. Ako naman ang sumundot sa kanyang tagiliran. "Uyy. Sige na tumawa ka na," asar ko sa kanya. Ako na ang unang tumawa. Hindi na nga niya pinigilan ang kanyang sarili. Tumawa na siya ng malakas. Sa totoo lang ay nagkapalagayan na talaga kami ng loob. Magandang kasama si Druew dahil may pagkadamadaldal siya. Hindi ka tala

