Chapter 2: Boyfriend

2215 Words
Entiny Emerald's P.O.V. Dahil suot suot ko pa ang pinahiram niyang damit ay naisipan kong palitan ito ng dress dahil makakasama kong kakain si Papa. Baka magtaka pa iyon kung kanino itong suot ko. Pagkatapos kong magbihis ay tinupi ko ang mga damit niya at inilagay ko iyon sa may kama. Sinigurado kong nasa may dalampasigan pa siya bago ako lumabas. Baka bigla na lang niya akong dakmahin. At baka mangagat pa siya dahil sinuway ko siya. As if naman hindi ako papakagat ano? Nagtungo na ako sa sinasabing lugar ni Kly. Iyong secretary ni Papa. Pagkadating ko ay nakita ko na nga ang likod ng aking ama. Pumaskil ang ngiti sa aking labi at naramdaman ko ang saya. It's been so long since we ate together. Ngayon na nga lang kami ulit nagkaroon ng pagkakataon na magkasamang kumain. Napalitang ng nguso ang ngiti ko nang makita kong kasama niya ang ginang na kasama niya sa may reception kahapon. Akala ko pa naman ay kaming dalawa lang. Well, what will I expect eh talagang isasama naman niya ito. Isa nga siya sa dahilan kung bakit kailangan kong pumunta sa may lugar na ito. "Hija," bati nito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Tumayo si Tita Corazon at nakihalik na rin sa aking pisngi. To be honest ay wala naman akong sakit ng loob dito. Pero syempre bilang anak ay umaasa pa rin ako ng isang buong pamilya. Pero sino nga ba namang niloloko ko dahil alam ko naman na hinding hindi na matutupad iyon. Malabong malabo na. No chance. Humalik na rin ako sa pisngi niya at umupo na. May nakahain ng mga isdang inihaw. Tulad ng tilapia, ito, at pusit. May mga hipon din at alimasag. Napakasarap naman ng mga iyon. "Ahm... tayo lang po ba? Or may hinihintay pa po?" pagtatanong ko. Baka kasi mag umpisa na ako tapos ay may hinihintay pa pala kami. Ibinuka ni Tita ang kanyang bibig. "Oh, hinihintay pa natin si Eroz," tukoy niya sa kanyang pamangkin na paborito niya. Sa kanya raw kasi ito lumaki at wala na rin ang mga magulang kaya siya na ang naka-custody rito. "Pati ang kaibigan niya," dugtong niya. Napatango na lang ako at tumahimik. Nagsasalita lang ako kapag may tinatanong sila sa akin. Ilang saglit nga lang ay dumating na ang mga hinihintay namin. Una kong nakita si Eroz kaya naman ngumiti ako sa kanya. Actually, nagkita naman na kami dati noong unang pinakilala sa akin ni Papa si Tita. Casual naman kami sa isa't isa at hindi naman awkward. Napaawang ang bibig ko at literal yatang nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang nasa likod niya. Mabilis kong inaalis ang tingin ko sa kanya at sinubukang takpan ang mukha ko sa aking buhok. Kahit na wala namang saysay iyon. "Hey," sinundot ako ni Eroz sa may balikat. Tumingin ako sa kanya at tila nagtataka siya sa inaasta ko. Napapikit na lang ko nang mariin at umayos na ng upo. Wala naman na akong choice pa. "Hi," bati ko kay Eroz at kumaway ng maliit. Hindi ko dinadala ang paningin ko sa kasama niya kahit naman na ramdam na ramdam ko ang paninitig nito sa akin. "Before we start to eat. Let me introduce my friend to you," saad ni Eroz. Ayaw ko namang maging bastos kaya tumingin na ako sa kanya. Nakasalubong ko ang kanyang paningin. Tinaasan niya ako ng isang kilay at ngumisi. Mabilis na namula ang mukha ko dahil doon. "Rykier, this is Entiny," pakilala ni Eroz sa akin. Napalunok ako. Sa wakas ay nalaman ko na rin ang pangalan niya. Gusto ko yatang magtatalon sa tuwa. Lalong lumaki ang ngisi niya. "So Entiny huh. Nice name," puri nito. Mabuti na lang ay nagsalita na si Papa at nagsimula na kaming kumain. Kahit na naiiilang ako dahil sa paninitig ng lalaki sa harapan ko ay nakakain pa rin ako ng marami. Masarap naman kasi ang seafoods. Pero habang kumakain ay iniisip ko kung paano ko siya matatakasan pagkatapos namin dito. Malay ko ba at baka totohanin niya talaga ang sinabi niya. Bakit naman kasi napakaliit ng mundo? "Kumusta ka naman, Hija?" pagkuha ni Papa sa atensyon ko. Tumingin ako sa kanya. "May nobyo kana ba ngayon?" tanong nito. Muntikan akong mapangiti sa tanong niya. For almost a decade ngayon lang yata siya nagkaroon ng pakialam sa love life ko. At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Dalawa lang naman ang ibig sabihin ng pagtatanong niya. It's either curious talaga siya o may motibo siya. Like setting me up to his business partners o sa mga anak ng mga ito. Sa hindi sinadyang galaw ay napatingin din ako kay Rykier. Mukhang wala naman siyang pake sa tinanong sa akin ni Papa. "Ahm, meron na po," pagsisinungaling ko. I know it is what better for me. Kung meron ay hindi niya ako pipiliting makipag date sa mga tinutukoy ko. Napahalakhak nang mahina si Rykier kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya. "Bakit?" tanong ni Eroz. Pumiling siya. "May naalala lang ako," palusot niya at matalim na tumingin sa akin. Para akong pusang naging maamo at itinago ang mukha sa kanya. Alam ko naman na may laman ang tingin niyang iyon. Malamang ay iniisip niya ngayon na nag-cheat ako sa nobyo ko at nakipagniig sa kanya. But I cannot say no to my dad that I have no boyfriend. Ayaw ko naman makipag date sa mga business partners niya 'no. Hindi ko na kinailangang umisip ng paraan para takasan siya. He looks so pissed at nagpaalam ng mauuna na siya. Tumingin sa akin si Eroz at pinaningkitan ako nito ng mga mata. "What?" mataray kong tanong. Nagkibit balikat siya at tumawa nang malakas. Nag tagal pa kami roon at pinag usapan ang mga magaganap bukas. Bukas na kasi magaganap ang tunay na okasyon. Naglakad lakad ako sa may dalampasigan at pinapakinggan lang ang mga tawanan ng mga tao at ang lagaslas ng alon. Nakarating ako sa may malaking bato at umupo ako roon. Tumingin ako sa side kung saan kami nagkasama ni Rykier. Napangiti ako ng maalala iyon. I know I like him kahit na sandali lang kaming nagkasama. I will not surrender my V-card to him if I have no feelings at all. But in this cruel world, panandalian lang ang lahat. Mabilis lang maglaho ang lahat. Walang permanente. Ang taging permanente lang ay ang pagbabago. Tumingin na lamang ako sa dagat at inisip na sana magkaroon ako ng pag asa na makahanap ng taong hindi ako iiwan. The one who will stay no matter what happen. Dumating na nga ang araw na pinakahihintay nina Papa at Tita Corazon. Sa wakas ay mag-iisang dibdib na sila. I know that I sound too spoiled kung sabihin kong ayaw ko silang ikasal. Siguro nga ay sasabihin ng iba na bakit parang ayaw ko yatang sumaya ang ama ko. I want him to be happy, honestly. Sino ba namang anak ang ayaw sumaya ang mga magulang niya? Pero... kung dating wala pa siyang asawa at trabaho lang ang inaatupag ay hindi na niya ako mabigyan ng oras. Paano pa kaya ngayon? Sa gitna ng mga iniisip ko ay napaiyak pa rin ako sa saya ng maglakad na papalapit si Tita Corazon kay Papa. Masaya ang puso ko. Masaya ako na sa wakas ay nakahanap na siya ng kaantabay sa buhay niya. Napaawang ang bibig ko at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Napakagat ako sa labi ko at hindi sinasadyang mapatingin sa lalaking nasa may kabilang side. Nakatitig siya sa akin at pinapanood akong umiyak. Ang mga kamay ay nakabulsa at mataman na nakatitig sa akin. Napanguso ako at napa iwas nalang ng tingin. Kahit na kasi nabantay ko siya ay hindi siya nag iwas nang tingin at tila proud na proud pa siya sa ginagawa niya. Natapos na ang kasal at kasiyahan naman ang kasunod. Maraming pagkain ang naka ready at para bang gusto kong i-divert doon ang atensyon ko. Kahit naman matakaw ako ay hindi ako tumataba at nag i-stay ang shape ng katawan ko. With proper exercise at mabilis din kasi ang metabolism ko. Mag isa lang ako sa la mesa at pinapanood ko lang ang mga tao habang busy sa pag nguya. Napataas ako ng tingin sa lalaking tumayo sa may harapan ng la mesang kinalalagyan ko. "Would you mind if I join you?" tanong niya at tinaasan ako nang isang kilay. Wow ha! Ang taray naman. "Yeah," saad ko. Nakita ko rin kasi na halos wala ng mga upuan at dito na lang ang available. Ala nga naman hindi ko siya paupuin 'diba? "What?" tanong ko na nang mahuli na naman ang paninitig niya sa akin. Kanina pa kasi siya. Pumiling siya at napangisi na lamang. Naningkit ang mga mata ko. "You want to ask something," saad ko. Sigurado ako roon dahil kanina ko pa nararamdaman na may gusto siyang itanong He sighed and land his spoon on his plate. "Yes," pag-suko niya. "Spill it," saad ko. Magkakalayo naman ang mga la mesa rito at hindi maririnig ang pinag uusapan namin. "Do you really have a boyfriend?" mahina niyang tanong. Kahit na mahina lang iyon ay mariin iyon at randam na randam ang pagkagigil niya. Sinubo ko ang fish fillet at nilunok muna iyon bago sumagot sa tanong niya. "Duh. Sinabi ko lang iyon kay Papa para hindi niya ako ireto sa iba," natatawa ko pang sambit. Napatigil ako at nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala at hindi kami close para sabihin ko iyon sa kanya. Dahan dahan kong itinaas ang paningin ko para matignan ang reaksyon niya. Ang daliri niya ay humahaplos sa kanyang baba at nakangising nakatingin sa akin. Damn. Mukhang nasiyahan talaga siya sa narinig niya. Napalunok ako at mabilis na kinuha ang aking plato. "Hmm parang gusto ko pa ng fish fillet," excuse ko kahit na may dalawa pa namang piraso nito sa aking plato. Narinig ko pa ang pagtawa niya bago ako tumayo at umalis doon. Syempre hindi ako talaga kukuha no'n 'no. Kailangan ko ng makaalis dito! Ibinigay ko na ang plato ko sa may server at mabilis na akong umalis sa lugar na iyon. Dahil kakakain ko lang ay hindi ko nagawang tumakbo. Baka masaktan pa ako kapag ginawa ko iyon.  Naglakad na lang ako pabalik sa aking kwarto. Mas safe ako roon.  Nakapasok na nga ako. Umupo ako sa may kama at nakaharap sa may bintana. Sakto lang ang pag alon.  "Ano naman ngayon kung nalaman niyang wala ka talagang nobyo?" kausap ko sa aking sarili. Ano nga naman sa kanya iyon? Pero... ang puso ko ay napakabilis nang t***k. Never ko pang na-experience ito sa kahit na kaninong lalaki. Noong naging kami nga ng crush ko ay hindi ko man naramdaman ito. Iba ang pagtibok nito kumpara sa mga naging nobyo at kalandian ko. Ibang iba! I think I need to guard my heart. I need to guard my heart from Rykier. Iba ang dala niyang epekto sa akin. At natatakot ako rito. Natatakot ako na lumalim pa ito at sa bandang huli ay masaktan lang ako. "Ang gulo mo, Entiny," napasabunot ako sa aking buhok. The real reason why I have so many exes is that I try and tried to commit on a relation. Para mahanap ko ang taong bubuo sa akin. Ang taong magmamahal sa akin ng lubos. Ang taong hinding hindi ako papabayaang mag isa. Ang taong hinding hindi ako iiwanan. Paano kung si Rykier na pala iyon? Paano kung ito na 'yung sign na hiningi ko sa Ama natin? Sa kakaisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Hanggang sa panaginip ay sinundan niya ako. Nakita ko kung gaano kami kasaya roon. Pagkagising ay nagpahinga lang ako saglit bago tumayo. Nag shower na ako at nagbihis. Tumutunog na rin kasi ang tiyan ko. Nagrereklamo na ito dahil sa gutom. Sinuklay ko na ang buhok ko at nagpasyang lumabas na. Saktong pagkabukas ng pintuan ay ang paglabas din niya. Nanlaki na naman ang mga mata ko. Maging siya ay nabigla. Hindi niya siguro expect na magkaharap lamang ang mga kwarto naming dalawa. Mabilis na nag reflex ang katawan ko at pumasok ako ulit sa kwarto ko. Malapit ko na itong maisara nang ilagay niya ang kamay niya sa may pintuan.  "Fvck," he cursed. Paano ba naman kasi ay naiipit siya. Bintawan ko na ang handle ng pintuan at nagtagumpay na siyang makapasok. Napakagat ako sa labi habang nakatingin sa namumula niyang kamay. "Masakit ba?"tanong ko kahit na obvious naman na nasaktan siya. Tinaasan niya ako ng isang kilay at itinaas ang kanyang kamay. "Cure this," utos niya sa akin. Napanganga ako ng maliit. "Ha? Paano?" parang tanga kong tanong. Lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako. Ganoon ang nagyari hanggang sa mapahiga ako sa kama. "Rykier..." mahina kong tawag sa kanya nang pumunta siya sa ibabaw ko. Itinukod niya ang kanyang siko sa magkabila ko at mataman na tumitig sa aking mga mata. Nalunod na naman ako dahil doon. I am drowning to his eyes. Hindi na ako nakapagreklamo nang ipaglapat na niya ang mga labi namin. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi tumugon. Dahil sa una pa lang ay wala na talaga akong balak na pigilan iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD